Chapter 13
Halos isang buwan narin simula nung ligawan ako ni DJ. Masaya ako na sobrang okay kami. Pero iba ang nararamdaman ko ngayon.
Sa hindi malamang dahilan ay kinakabahan ako, normal na araw lang naman ngayon, Saturday at half day kami pareho ni DJ kaya nagdecide kaming mag-lunch sa labas.
Dinala niya ko sa Japanese resto nila dito sa Ortigas. Agad na dumoble yung kaba ko, paano kung may kakilala siya sa loob. Nakakahiya dahil nakaskater skirt na black at sweat shirt na red lang ako. Simpleng simple lang naman ang suot ko ngayon. Well, lagi naman simple ang suot ko. Hindi naman kami mayaman para magsuot ako ng signature stuffs.
Naunang bumaba si DJ t pinagbuksan ako ng pinto. Nakita kong inabot niya sa guard yung susi ng sasakyan niya probably para siya na ang magpark nun.
Pagpasok namin ay agad kong napansin ang magandang ambiance ng resto. Classy ang pagkakadesign ng loob ng resto. Halatang pangmayaman at halatang mahal ang mga pagkain dito. What do I expect? Eh Padilla ang may-ari neto.
Kumalabog ng sobrang lakas yung puso ko ng may tumawag kay DJ.
“Daniel.” Sabi ng isang babaeng nasa harap na namin ngayon.
“Mom.” Sabi naman ni DJ at humalik sa pisngi nung babae.
That’s his freaking Mom! Geez! I know dahil nakikita ko na siya sa posts ng mga kapatid ni DJ sa Insta.
“Good afternoon po.” Sabi ko sakanya ng balingan niya ko ng tingin. Seryoso lang yung mukha niya.
“Ikaw ba si Kathryn iha?” Tanong niya sakin.
Kung titignan ay meron siyang nakakaintimidate na aura. Malamang, sobrang yaman kaya niyang kaharap mo Kath. Not to mention, nanay ng lalaking mahal mo.
Sh-t. Eto na nga yun, yung moment na hindi ako matatanggap ng pamilya niya kasi hindi ako mayaman.
Sandaling huminto yung tibok ng puso ko kasi natatakot ako sa mga mangyayari.
Keep your shits together Kath!
I nodded and smiled.
Nagulat ako ng bigla niya kong yakapin. “Welcome to the family iha. Im glad to finally meet you.” Sabi niya sakin.
Halos malaglag yung panga ko sa narinig ko. Wala man lang lait? Walang taas ng kilay? Walang sampal?
Okay medyo oa yung sampal.
Pero hindi ko ineexpect na ganto magiging ka-warm yung mommy ni DJ sakin.
“Nice to meet you po Madame.” Sabi ko.

BINABASA MO ANG
He & She
FanfictionHe's living the perfect life. She's not. He's the Daniel John Padilla. She's just Kathryn Chandria Bernardo Will he fall for her? Did she already fell for him?