Chapter 1
“Nasan ka na te?” Sabi sakin ni Miles pagsagot ko ng phone.
“Hello din sayo te. Hahaha.” Pangaasar ko. Paano ba naman yun agad yung bungad, di uso hello eh.
“Arte mo Kath! San ka na nga?”
“Bahay pa. Ikaw ba?” Tinignan ko yung relo ko. 9:06AM.
“Bahay pa din. Hahaha.” Sabay kaming natawa sa sagot naming pareho. Classmates kasi kami at late na late na kami. 9:00AM talaga ang klase namin ngayong araw na to, pero eto, nasa bahay parin kami.
Wala naman ng bago dun.
“Sus. Baka nga wala pa dun uli si Sir.” Sabi ko sakanya habang inaayos ko yung mga laman ng bag ko. Parusa kasi tong subject na to. Kaisa-isang subject simula 9 ng umaga hanggang 5 ng hapon. Tapos kailangan pa may dala kaming laptop kada meeting.
Hindi ba alam ni Sir na mahirap magbitbit ng laptop tapos magcocommute ka lang? Hello? Dalawang jeep at isang FX ang sinasakyan ko papasok pag Sunday dahil walang deretsong FX pag Sunday. Yes, Sunday ngayon at may pasok kami. Ang galing ng school ko diba?
“Nagtext na ba sila Khalil at Albie kung nandun na si Sir?” Tanong niya.
“Di naman nagtext te. Busy na naman yun mga yun.” Sabi ko sakanya.
“Asim talaga nung mga yun.”
Natawa naman ako. Ang asim ng mga yun.
Asim. Hindi yun yung asim na mabaho. Term namin yung magkakaorg at magkakacourse. Parang pag sinabing asim, ang arte at ang daming alam. Nakasanayan na namin gamitin yung term na yun. Pag ang arte ng prof namin tuwing pasahan ng projects sasabihin namin ‘’Ang asim na naman ni Sir.”. Wala eh. Asim eh. Hahaha.
“Forever asim yun eh. Sige na bye na. Alis na ko. Kita tayo nalang tayo sa gate para sabay tayong pumasok.”
“Owkay! Bilisan mo ah, ayaw ko magintay ng matagal.” Biro niya.
“Asim mo! Nakakahiya naman sayo!” Pabalik na biro ko naman.
Binaba na namin yung phone after nun. Meet my closest friend, Miles Ocampo. We’ve been friends since first year college. Blockmates kasi kami nun, at simula nun, hindi na kami mapaghiwalay kahit pa nag-iiba iba na kami ng mga sections ngayon sa ibang subjects. Siya yung tipo ng taong masarap lang kasama. Pag kasama ko yun, wala kaming ibang alam gawin kundi magfoodtrip, magYOLO at tumawa. Siya yung tipo ng taong magaan lang. We’re more like sisters than friends.
Naglagay lang ako ng face powder at lipstick tapos umalis na ko ng bahay. Nakakahiya naman sa friend ko baka umiyak pag nagintay siya ng matagal. Matagal pa naman byahe ko. Almost one hour kasi yung byahe ko papuntang school, yun ay kung walang traffic.
Binigyan lang ako ni Mommy ng 250 tapos pumasok na ko.
Ako nga pala si Kathryn Chandria Bernardo. Maganda pero hindi naman sobra. Aba, kung hindi ako maniniwala sa sarili kong maganda ako, sino pang maniniwala diba? Hindi ako nanggaling sa mayamang pamilya, pero hindi naman kami mahirap. Yun bang swak lang, napagaaral kaming magkakapatid sa magandang school ng parents namin, nabibigyan naman kami ng sapat na pera everyday, nakakalabas kami once in a while, may business din kami pero hindi naman kalakihan, but to top all of that. Hindi masaya sa bahay namin.
Ayaw ko na nga isipin. Baka maiyak lang ako.
~
Nandito na naman ako sa jeep papuntang Buendia at syempre hindi mawawala sakin yung pagiging paranoid ko. Nakakatakot kaya magjeep pag may dala kang laptop. Parang inihahain mo yung sarili mo para maholdap. Baka mamaya bigla nalang may magdeclare ng martial law, ay este holdap sa sinasakyan mo tapos ayun, babye laptop na.
Buti sana kung katulad ako ng ibang kaklase ko na pwedeng magpabili agad agad ng panibagong laptop. Tsaka isa pa, bago lang tong laptop ko, dalawang buwan palang to sakin eh. Tapos ibibigay ko agad? Ano sila sineswerte? Hindi pa nga to bayad ng buo tapos mawawala na. Over my dead sexy body.
Check naman lahat ng kasabay ko sa jeep. Yung apat, mukhang nagttrabaho sa call center at mukhang pauwi na. Yung dalawa magjowa na walang ginawa kundi magharutan, sige pa harot pa sa harap ko. Yung isa lola na. Safe naman ako kaya mapapanatag ka yung loob ko.
Pagdating ko sa Buendia Taft, nagFX na ko papunta ng school ko. Kahit pa doble yung pamasahe pag nag FX compared pag nagjeep ako, mas gugustuhin ko parin magFX. Sobrang daming holdapers along Taft. And when I say sobra, I mean SOBRA.
“Nageexam daw sila sabi ni Khalil.” Sabi ni Miles pagdating ko sa gate ng school. Pinakita pa niya sa mukha ko yung iPhone 5s niya na may text ni Khalil. Hindi ba siya natatakot ilabas dito sa daan yung phone niya?
Etong friend ko naman kasi na to, parang tumatae to ng pera eh.
“Oh eh ano pang hinihintay natin? Tara na.” Hinigit ko na siya paakyat ng room. May lahing pagong po kasi si Miles kaya dapat hilain ko pa para mabilis kami makaakyat sa room.
Pero habang hinihigit ko siya bigla siyang huminto at humarap sa tambayan sa tabi ng org namin.
“TE!” Sigaw niya. Nanlaki yung mata ko sa tinitignan niya. Hihigitin ko na sana siya pero huli na ang lahat. “DIBA YUN YUNG CRUSH MO?! YUNG SI –“
Tinakpan ko yung bibig niya at hinigit ko siya paakyat ng hagdan. Pagakyat namin ng second floor bigla siyang nagsalita. “Yung crush mo naman te. Yung may sportscar na red! Si DJ Padilla!”
“Nakakabwisit ka talaga!” Sinabunutan ko siya ng mahina. “Nakakahiyaaaa!”
“Okay lang yun. Anak lang naman ni Congressman Padilla yun. Yung crush mo na may Japanese restaurant sa Ortigas diba?” Tawang tawang sabi pa niya.
Iniistalk ko kasi yun si DJ Padilla, or Daniel John Padilla. Kaya ang hilig niya kong asarin sa mga infos na nalaman ko tungkol kay DJ. Nakakahiya talaga! Mamaya malaman niya na crush ko siya.
Nakakahiya yun! Sino ba naman ako para magkacrush sa isang DJ Padilla.
![](https://img.wattpad.com/cover/23459960-288-k41897.jpg)
BINABASA MO ANG
He & She
أدب الهواةHe's living the perfect life. She's not. He's the Daniel John Padilla. She's just Kathryn Chandria Bernardo Will he fall for her? Did she already fell for him?