Chapter 6 - Getting to know stage?

23.5K 649 31
                                    

Chapter 6

 

Dinala ako ni DJ dito sa isang mamahaling resto sa Roxas.

“Good evening Sir DJ.” Bati ng tao sa front door.

Oh. Kilala siya.

 

“Private room for two please.” Sabi ni DJ.

“This way Sir, Mam.” Sinundan namin yung babaeng kausap kanina ni DJ.

“Kilala ka nila dito?” Bulong ko sakanya habang naglalakad kami.

“Not to sound like a douche but I own this place.”

Did I miss something? Eto lang ata ang hindi ko alam tungkol sakanya.

 

Tumango lang ako sakanya at ngumiti.

Pagdating namin sa private room na sinasabi niya ay may lamesang nasa gitna ng engrandeng kwarto na para sa dalawang tao lang. Iniwanan na kami ng babae at inalalayan niya ko paupo. Pinaghila pa niya ko ng upuan.

Inilibot ko yung paningin ko. Tahimik yung kwarto dahil kami lang ang tao pero may music naman kaya hindi nakakabingi. Maganda rin yung chandelier na nakasabit sa taas ng ceiling. Sobrang sosyal nung place at nakakahiya dahil medyo basa pa ko at isa pa, ngayon lang ako nakapasok sa ganto kasosyal na resto.

Maya maya ay may pumasok na kukuha ng orders namin. Sinabi kong siya na bahala umorder, tutal naman siya ang may alam ng mga pagkain dito. Pang fastfood lang ako eh.

“So? What do you think?” Biglang sabi niya.

“Sobrang sosyal nung resto mo. Oh wait. Hahaha.” May naalala ako kaya natawa ako.

“What is it?” Tanong niya.

“Kaya mo pala ko ililibre dahil sa resto mo naman tayo kakain.” Sabi ko ng pabiro sakanya.

“Balak ko kasi sanang ako yung magprepare ng kakainin natin kaso gabi na, baka matagalan kung ako pa magprepare.”

“You cook?” Amaze na amaze na tanong ko.

Pangalawang info na ngayong gabi na bago sa pandinig ko.

 

He nodded. “Passion lang.”

“Wow. I badly want to be a professional chef kaso pinagtake ako ng Engineering ng parents ko.” Sabi ko.

“So Engineering’s not your first choice?” Tanong niya sakin.

“Engineering’s never my choice. Culinary ang una kong gustong itake then Accountancy sana since I love Math nung grade school at high school. But I ended up taking tada, Computer Engineering.”

He & SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon