Chapter 18 - Happiest

24.3K 511 15
                                    

Chapter 18

 

I woke up with a smile plastered on my face. 4 na araw nalang at 5th monthsary na namin. Pero hindi yun ang highlight ng araw ko.

Dahil ngayon ay, Valentine’s Day. Yes, valentine’s ngayon. After 20 years of being single, maicecelebrate ko narin ang araw ng mga couples.

Wala kaming pasok ngayon, grad-waiting kasi kaya nagtatapos nalang ng requirements at ng final defense sa thesis kaya chill na yung buhay namin.

Napatingin ako sa cellphone sa tabi ng kama ko. May text na pala si Deej dun.

Fr: Boyfriend <3

Good morning, baby. Happy Valentine’s day. Sunduin kita ng 6 ah. I love you. :*

Actually kagabi pa naman niya sinabi na susunduin niya ko ng 6. Kaya nga ang aga kong gumising ngayon. Bago ako maligo ay nireplyan ko muna siya.

To: Boyfriend <3

Happy Valentine’s Deej! I love you more. Prepare na ko. :*

Tumayo na ko, kung normal na araw lang to ay busangot siguro yung mukha kong papasok ng banyo dahil ang aga pa. Hello, 4:50 palang, ng umaga! Pero dahil para ito kay DJ, at para sa Valentine’s ay may ngiti pa kong pumasok ng banyo.

Hindi ko alam kung anong plano niya ngayong araw. Feeling ko hindi kami magmamall, or mag-a-amusement park kasi sobrang aga naman para doon. Sabi niya, gusto niya daw na special ang first valentine’s namin.

Pakanta-kanta pa ko habang naliligo. Sobrang swerte ko sa kanya. Kay DJ. He’s so one in a million. Yung lalaking, maalaga, sweet, malambing, possessive, clingy, mahal ka at mahal mo. Sa kanya lang kuntento na ko. In fact, I’ve never been this contented in my entire life.

Walang araw, oras o minuto na hindi ko naramdamang mahal niya ko. Yung pagiging clingy niya at possessive, that’s what make me fall for him deeper than I thought I could fall. Yung pakiramdam na may isang taong, takot mawala ka sakanya. Yung malingat ka lang sa paningin niya ay sobrang namimiss ka na agad niya. Ganun din naman ako sakanya, pero mas siya.

After ng ilang kanta ay nagbihis na ko. Sabi niya simple lang suotin ko, mas gusto niya ko ng simple. That’s what he said. So nagpants lang ako at t-shirt na may letrang D sa harap. May Padilla naman sa likod. Couple shirt to actually, para siyang baseball shirt tapos yung sakin, D. Padilla. Yung kanya naman ay K. Bernardo. Eto yung regalo ko sakanya nung 3rd monthsary namin.

Nag-ayos lang ako ng konti at maya maya pa ay nakarinig na ko ng humitong sasakyan. Andyan na siya. Paglabas ko ng gate ay nakita ko ang man of my dreams. Suot niya rin yung gantong t-shirt niya. Hindi kami nagusap pero tignan mo nga naman. Meant to be.

“Done checking me out, baby?” Sabi niya sabay pakita ng makalaglag panty niyang smirk.

I rolled my eyes and walked towards him. He enveloped me with a hug. “Good morning, mahal kong Kath.”

He & SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon