Chapter 5
“Kung minamalas ka nga naman.” Wala sa sarili kong sabi.
Bigla akong inabutan ng malakas na ulan. Nandito pa ko sa school at pauwi na sana ko ng umulan ng sobrang lakas. Wala pa naman akong kasabay umuwi ngayon dahil wala akong barkada na kaklase ko sa klase ko kanina. And to top all that, naiwan ko yung payong ko sa bahay.
I checked my phone, 15% nalang yung battery ko at 7:48 na.
D-mn! It is indeed a bad night.
Malayo pa naman yung sakayan ko ng FX at pag tinakbo ko yun, for sure pag dating ko dun, para na kong bagong ligo.
Papatilain ko nalang siguro muna yung ulan. Kaysa naman pilitin kong lumusong sa kalagitnaan ng lakas ng ulan diba.
Halos 30 minutes na ata akong nakatayo sa may gate ng school pero hindi parin tumitila yung ulan. Pag nagtagal pa ko, baka hindi na ko makaabot sa last ride ng FX papunta samin. At mas lalong hassle yun dahil kung hindi ako mag-FX, kailangan ko mag-3 sakay ng jeep pauwi.
Juice colored!
Bahala na si Batman.
Tinago ko yung phone ko sa kaloob-looban ng bag ko para hindi mabasa. Sinugod ko yung ulan, kahit pa sobrang lakas ng ulan. Wala akong choice, kailangan ko umabot sa last ride ng FX.
Nandito na ko sa Lawton. Dito ako sasakay ng FX papunta sa terminal ng FX na deretso samin. At basang-basa sa ulan ang drama ko ngayon.
Nagaabang ako ng FX ng may humintong sportscar sa harap ko.
Binaba ng driver yung bintana ng shotgun seat.
“Hop in.” Sigaw ni DJ. “I’ll drive you home.”
Umiling ako. “Hindi na nakakahiya.” Tapos nginitian ko siya pero makulit din ang lahi ng isang to.
Bumaba siya at hinigit ako papasok ng sasakyan niya. Pagpasok niya sa driver’s seat bigla siyang may kinuha sa likod at inabot yun sakin.
Towel.
“You’re soaking wet. Magpunas ka muna baka magkasakit ka.” Sabi niya pero nakita kong basa narin niya dahil sa pagbaba niya kanina.
Nagumpisa na siyang magmaneho pero nung nagstop kami sa stoplight, napansin niyang hindi parin ako nagpupunas.
“Huy! Magkakasakit ka. Nakaaircon tayo. Magpunas ka na kaya.” Sabi niya.
I reached for his hair at tinuyo ko yun. “Nabasa ka rin ng ulan. Baka magkasakit ka rin.”
Nang matuyo na siya kahit papano, tsaka lang ako nagumpisa tuyuin yung sarili ko. “Thanks.” Banggit niya bago siya uli magmaneho.
Napansin kong niliko niya papunta sa Roxas yung sasakyan. “Ahm Deej?”
“Oh?” Sabi niya pero nakatingin parin siya sa daan.
“Alam mo ba san ako nakatira? Kasi taga-Makati ako. Out of way tong Roxas papunta samin.”
Tinignan niya ko saglit at nagsmile bago siya tumingin uli sa daan.
“Dadaan muna sana ko sa resto para makapagdinner tayo. Nagmamadali ka ba umuwi?” Nagaalangang tanong niya.
Dinner daw!
Binabawi ko na yung sinabi ko, hindi ako malas ngayong gabi. Ang swerte swerte ko.
Eto na ata yun! Moment na to! Tatanggi pa ba ko?
“Di naman. Sige magdinner muna tayo. Ahm pero pwede bang sa mura lang? Kasi wala akong extra money.” Nahihiyang sabi ko.
Kasi naman, di naman ako nainform na magdidinner pala kami. Hindi ko pa naman ugali magdala ng extra money. Not like may malaki akong pera sa bahay, pero gusto ko sakto lang yung dala ko. At sa tingin ko 100 nalang yung laman ng bulsa ko.
Tinignan niya ko ng masama.
Bakit mas lalo ata akong nagkacrush nung tinignan niya ko ng masama? Oh this is bad Kathryn Chandria Bernardo.
“I mean, 100 nalang kasi ata pera ko. Kaya sa mura lang tayo kumain. Hehe.” I tried to sound as normal as possible.
Aba ngayon lang ako sa buong buhay ko kinabahan ng ganto. Nasa sasakyan ka ba naman ng dream guy mo at inaya ka magdinner. Nakakatae kaya yung feeling.
“You really think I’d let you pay for your dinner?” He asked me.
“Aba malamang. Sino pa bang magbabayad ng kakainin ko?” Nasagot ko ng natatawa. Medyo napalagay narin naman yung loob ko. Kailangan ko umakto ng normal sa harap niya kundi malalaman niyang crush ko siya. And by normal means, a little naughtiness with the way I answer stuffs.
Tumawa siya. “Grabe! Im the guy. I’ll pay the bill.”
“Nope.” Sabi ko. I emphasized the p sound. “Nakakahiya na noh. Ihahatid mo na nga ako pauwi tapos ikaw pa sasagot ng dinner. That’s too much.”
“Ako magbabayad. Period. No erase.”
Natawa nalang ako sa sinabi ni DJ. Para siyang bata. May period period pang nalalaman. At may no erase talaga ah.
“Fine. Pero sa susunod, ako naman manlilibre.”
Oh did I say susunod? God. Its not as if Im asking him for a next time. Nadala lang ako.
“Bakit sa susunod ba lalaki ka na?” Natatawang tanong niya.
Nagpout lang ako. “Hindi.”
“Edi hindi din.” Ginaya pa niya yung tono ni Kelay sa She’s dating the gangster na movie.
Dun na talaga ako natawa. “Oh. Nanuod ka nun?” I asked referring to SDTG.
Napakamot siya ng batok. “Sinamahan ko lang yung ate ko noh.” Defensive na sabi niya.
I laughed. “Wala akong sinasabi.”

BINABASA MO ANG
He & She
FanfictionHe's living the perfect life. She's not. He's the Daniel John Padilla. She's just Kathryn Chandria Bernardo Will he fall for her? Did she already fell for him?