Chapter 10 - A way to a man's heart?

27.8K 582 14
                                        

Chapter 10

 

Ilang oras na ba kong walang tulog? I mean araw. Pangalawang araw na ata, kahapon wala akong tulog dahil exam at ngayon wala akong tulog dahil sa sinabi ni DJ kagabi.

“Kath! Liligawan na kita simula bukas ha. Goodnight.”

 

Yun yung mga salitang iniwan niya kagabi paghatid niya sakin sa bahay. Pagtapos nun bigla nalang niya pinaharurot yung sasakyan niya.

Hindi ba niya alam na wala pa kong tulog kahapon? Tapos kung ano ano pa sinasabi niya, yan tuloy, wala na naman akong tulog.

Diba, parang ang bilis naman kasi. Ligaw agad? I mean, oo gusto ko siya. Siya ang dream boyfriend ko dahil sobrang boyfriend material siya. Pero agad agad talaga?

Nakaharap ako dito sa salamin sa kwarto ko. Mukha na kong zombie, literal. Eyebags, na feeling ko hindi lang siya bag, maleta na ata siya sa laki. Gulo-gulo pa yung buhok ko dahil kagabi pa ko paiba iba ng posisyon para makatulog pero wala talaga.

Eto na talaga, iinom na ko ng lason, ay este sleeping pills. Bakit ba kasi ngayon ko lang naisip uminom neto, edi sana nakatulog ako kagabi.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina para makainom na ko, antok na antok na yung utak ko pero hindi ako makatulog kaya para akong bangag na naglalakad papunta dun.

“Good morning.”

“Ay good morning!” Gulat na gulat na sabi ko. “Ano ka ba naman Deej! Kung may sakit lang ako sa puso malamang inatake na ko.”

“Sorry.” Sabi pa niya sabay ngiti.

Napatitig ako sa ngiti niya. Juicecolored!

Ayan yan ang dahilan bakit mukha kang zombie ngayon eh.

 

Shems. Mukha nga pala kong zombie. Dali dali akong tumakbo pabalik ng kwarto ko.

Narinig ko pa siyang tinawag ako. “Huy Kath! Tara breakfast tayo. Pinagpaalam na kita kila Tita.”

Wow. Nameet na niya sila Mommy ng hindi ko man lang namamalayan.

 

“Ayaw ko! Patulugin mo nga ako!” Sigaw ko naman habang kumukuha ako ng bagong set ng damit, nagpalit ako at inayos ko yung sarili ko. Sinuklay ko yung buhok ko at nagpowder ako para hindi makita yung eyemaleta ko.

Hindi ko na inintindi yung mga sinasabi niya. Basta nagmadali ako magayos ng sarili tapos ay lumabas ako. Hindi ko siya kinausap, dumeretso ako sa CR at nagtoothbrush.

Nang malinis na ko ay tsaka ko siya hinarap.

“Ano nga ulit yun?”

“Okay ka lang ba? Bakit bigla bigla ka nalang tumakbo?” Sabi niya sakin sabay hipo sa noo ko. Naramdaman kong umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ng tumama yung balat niya sa noo ko.

He & SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon