A/N: Chapter 27's a crappy chapter. I swear gusto ko siyang burahin. Hahaha. Pero filler kasi yun eh. So instead of erasing it. Babawi nalang ako. Hope you'll like this chap.
(Dom on the sideee ->)
Chapter 28
"Shower then breakfast Kathy." Sabi ni Kuya Neil sakin pagpasok namin sa bahay. We did our morning jog. This has been our routine for the past year. Gigising kami ng 5:30AM at magjojogging. Tapos uuwi, shower then breakfast.
Nung una, pahirapan pa si Kuya Neil sa paggising sakin. Hello? Im not a morning person. Dati nga pag walang pasok minsan 11AM na ko gumigising. Tapos bigla akong gigisingin ng 5:30. Eh nasa gitna palang ata ako ng panaginip ko nun eh.
But eventually, nasanay na ko. I love jogging in the morning with my brother. Bonding namin to eh, kung minsan naman gym, workout or swimming. At pag free siya sa company, sasamahan niya kami ni Mommy magshopping.
Nagbabad muna ko ng 30 minutes sa bathtub. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Kailangan ko ng bubble bath.
Living here was one of the best things that happened to me. Paminsan minsan ay dumadalaw at nakikitulog ako sa bahay nila Mommy sa Makati. Pero kasi dito sa QC, sa bahay ng mga Manuel ko nahanap yung pamilyang matagal ko ng pinapangarap. Yung masaya. Yung walang away. Walang sigawan.
Close na ko sakanilang lahat. Kay Mama, Papa at kay Kuya. I can share my secrets with them. Especially with Kuya. Wala akong nililihim sakanya.
After ko magbabad sa bathtub ay nagshower na ko. I dressed up. Faded skinny jeans at cropped top. May shoot kasi ako ngayong umaga. At pag may shoot ako, as much as possible gusto ko simple lang. Aayusan naman ako dun at bibihisan, so why bother, right?
I dried my hair and applied powder and red lipstick. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Shoulder-length wavy hair. Red lips. Cropped top. 5 inches killer heels. Im thinner. Sexier. Fiercer.
Madami ng nagbago. More on my looks. But I kept my attitude. Simple parin ako, palangiti, masayahin. Pero may mga panahon talaga na biglang lalabas ang bitchy side ko. Isa yun sa natutunan ko simula maging si Kathryn Chandria Manuel ako. Im a Manuel so nobody can bitch out on me.
"Good morning Ma, Pa, Kuya Neil." Bati ko pagbaba ko ng hagdan.
"Good morning. Breakfast sweetie." Sabi ni Mama sakin. She motioned me to sit down.
Papa's on the center, kami naman ni Kuya Neil sa isang side at si Mama sa isa pang side. As usual, para na namang may fiesta sa dami ng pagkain.
"May shoot ka ngayon Kathy?" Tanong ni Kuya sakin habang kumakain kami.
"Yup. I have a shoot at 8AM." Sabi ko sabay subo ng bacon. Hindi ako nagdidiet. I eat whatever I wanna eat. Hindi naman ako tumataba, in fact lalo pa kong pumapayat, well siguro dahil narin nabuburn ko naman yung fats na kinakain ko. I workout, like everyday. Jogging sa umaga. Gym sa hapon, pag wala akong lakad, pero pag meron, sa gabi ako nag-ggym.
"Its 7:30 princess. Baka malate ka." Sabi ni Papa.
Napatingin ako sa phone ko. Geez. Di ko napansin yung oras. Napatagal ata ako kanina sa paliligo.
"Oh gosh. I have to go Ma. Pa. Kuya. Malalate ako." Tumayo ako at nagbeso sakanilang tatlo.
Kahit naman kasi Manuel ako, I see to it that Im very professional with my work. Ayokong nalalate ako sa shoots ko.
"Ingat princess." Sabi ni Papa.
"Dito ka ba magdidinner?" Tanong ni Mama sakin.
I shook my head. "I dont think so Ma. Lalabas po kami ni Dom mamaya."
BINABASA MO ANG
He & She
FanfictionHe's living the perfect life. She's not. He's the Daniel John Padilla. She's just Kathryn Chandria Bernardo Will he fall for her? Did she already fell for him?