Chapter 15 - Lovebirds

24.1K 617 15
                                    

Chapter 15

 

Hinigpitan niya yung kapit niya sa kamay ko. Nanginginig kasi ako, excited man ako sumakay ng eroplano ay di ko maiwasang hindi kabahan.

Papunta kami ngayon sa El Nido, Palawan. May vacation house daw sila DJ doon at gusto icelebrate ng pamilya ni DJ ang pagsagot ko sakanya.

Im beyond happy. Everything’s going smoothly. Tanggap ako ng pamilya niya at ganun din siya sa pamilya namin. One week palang simula ng maging kami, at naipakilala ko na siya ng pormal kanila Mommy. Paguwi namin galing sa three days and two nights vacation namin sa Palawan ay sa mga pinsan ko naman ko siya ipapakilala. Gusto daw nila makilala ang lalaking nagkamaling manligaw sakin.

Mga loko-loko talaga.

“You okay, baby?” Tanong niya sakin.

“Sis, you okay? Baby bro namumutla yung girlfriend mo.” Nagaalalang tanong ni Ate Roanna.

Tumango lang ako kahit na halos marinig ko na yung bawat pintig ng puso ko.

Naramdaman kong umandar na yung eroplano kaya feeling ko mapipisa ko na yung kamay ni DJ sa higpit ng hawak ko.

Sh-t! Sh-t! Sh-t!

Kinabig niya ko para yakapin. “Im here, baby. Dont be afraid.” Sabi niya sabay halik sa tuktok ng ulo ko.

Nakalma naman ako sa ginawa niya.

“Open your eyes baby.” Sabi niya ng malambing. Unti-unti kong binuksan yung mata ko. Tumingin ako sa bintana.

“We’re really flying.” Wala sa sarili kong sabi.

“You’re too cute baby.” Sabi ng katabi ko. Sabay tumawa.

“Hey! Kasalanan ko bang ngayon lang ako nakasakay dito! Ang sama pinagtatawanan ako!” Sabi ko na kunwaring nagtatampo.

“Hindi ah!” Sabi niya sabay kindat sakin.

Oh can you not!

 

“You guys are too cute. Please give me a niece or nephew, as soon as possible.” Sabi ni Ate Roanna. Naginit yung pisngi ko.

“Ate naman!” Natatawang sabi ko sakanya.

“Well, that’s a good idea. Lets name our first baby, El Nido since we’re gonna do it there.” Sabi naman ni DJ.

Hinampas ko siya ng malakas sa braso ng ilang beses. “Tumigil ka nga!”

“Joke lang! Stop, baby! Aray! Joke lang! Ikaw talaga.” Natatawang sabi niya.

“Hahaha. Wala ka pala DJ eh. Under ka bro.” Natatawang sabi ni Kuya JC sakanya.

He & SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon