Chapter 17 - Rest, baby.

22.1K 546 17
                                        

Chapter 17

 

Pagpark palang namin ng sasakyan at nakaramdam na agad ako ng matinding excitement. Ipapakilala ko si DJ ngayon sa mga pinsan ko kaya naman nandito kami sa bahay ng isang Tito ko. Wala siya, nasa ibang bansa kaya naman madalas kami dito magpipinsan pag gusto naming magparty.

Pagbukas palang ni DJ ng pinto niya ay agad ko ng narinig yung lakas ng music. Umikot siya para pagbuksan ako. Nakashort at naka-sweatshirt lang ako. Typical Kathryn Bernardo.

Napatingin ako sa mga katabing bahay. Goodluck sa katahimikan ng bahay nila. Eto na naman kaming magpipinsan.

 

Hinawakan ko yung kamay niya at hinila ko na siya papasok ng bahay.

“Ayan na pala ang hinihintay eh!” Sigaw ng isa sa mga pinsan ko.

“B!” Salubong naman agad sakin ni Tips. This is Tippy, my closest cousin. My partner in crime. Wala akong sikretong hindi niya alam, at ganun din siya sakin.

“Hi B!” Halos pasigaw ko na bati sabay yakap sakanya. Medyo matagal na kasi mula nung huli kaming magkita-kita, two months na ata. Busy kasi ako sa school, at ganun din silang lahat.

Napatingin sila sa katabi ko. Hinarap ko yung limang pinsan ko. Si Tips, Pams, CJ, Marco at Tom.

“This is DJ. Boyfriend ko.” Sabi ko. Nakita kong walang kumurap sa mga pinsan ko.

“ETO?” Sigaw ni Pams sabay lapit kay DJ at inalog alog pa ito.

“PAMS! Ano bang ginagawa mo?!” Naloka naman daw kasi ako sa pag-alog alog niya sa boyfriend ko. Baka nalamog na tong isang to.

“Seryoso ka ba jan Kath? Eto? Anong gayuma pinainom mo dito para maging kayo?” Sabi naman ni Marco.

Eto na po ang mga pinsan kong baliw.

“Tumigil nga kayo! Tinatakot niyo yung boyfriend ko eh!” Saway ko sakanila. Bigla naman kasi nilang lahat pinalibutan si DJ. Yes, lahat sila. Can my cousins get any weirder?

 

“Anong gayuma ginamit sayo ng pinsan namin?” Tanong ni Tom.

“Seryoso ka bang gusto mo maging girlfriend yang si Kath? Pwede ka pa magback out.” Sabi naman ni CJ.

“Oo nga. Madaming ibang babae jan. Mas maganda, mas sexy, mas –“

DJ cut them off. “Sa mata ko si Kath ang pinakamaganda at pinakasexy.” Sabi niya sabay hapit sakin palapit sakanya.

“Yuck dude, pero ikaw rin bahala ka. Hahaha joke lang. Im CJ.” Nakipagfist bump pa si CJ kay DJ.

“Tom. Sigurado ka na ha?” Halakhak ni Tom tapos ay tumango si DJ kaya nakipagkamay na si Tom kay DJ.

“Last chance. Wala talaga?” Natatawang sabi ni Marco. “Marco dude.”

“Im Pams.” Sabi ni Pams.

“Im Tippy. Tips nalang. We’re just joking. Welcome to Bernardo cousins.”

“Daniel John Padilla. DJ nalang.”

Nandito na kami sa terrace. Nagvivideoke habang nagiinuman at nagsasayawan. Ito ang trip namin pag magkakasama, party. YOLO.

“Oh. Sanmig.” Inabutan kaming dalawa ni DJ ng tig-isang sanmig ni Tom.

Umiling ako at binaba yung Sanmig. “Kailan ba ko uminom niyan?” Natatawa kong sabi.

Napatingin sakin si DJ. “You dont drink, baby?” Tanong niya.

“I do. But not beer. I hate beer.” Sabi ko sakanya.

Umiinom naman talaga ako. Im just more of a hard drinker than a beer drinker. Kaya kong magshot ng hard ng walang chaser pero uminom ng beer? Nah. Kahit isang shotglass na beer lang yan ay isusuka ko yan. Nakakadiri kasi yung lasa.

“Pero seryoso DJ. Wag mong sasaktan to ah.” Sabay akbay ni CJ sakin. Sa kanilang tatlong pugo, kay CJ ako pinakamalapit. Dati, naghihiraman pa kami lagi ng gamit. “Prinsesa namin to kahit pangit to.” Natatawang sabi niya.

Binatukan ko siya. “Salamat ha.” Sarcastic kong sabi pero pajoke lang.

“You’re welcome Kathy.” Sabi niya ng natatawa.

Nakakailang shot narin ako ng hard. Paikot kasi kami at umiikot din ang shot. Pero feeling ko nilalasing nila ko dahil hindi naman ako nagbeer, ang taas kasi ng shot sakin. Nahihilo narin ako.

“Baby.” Malambing na bulong ni DJ sakin. “Tama na ha. Bawal ka na uminom.”

Umiling ako. “Ano ka ba. Im good. Kaya ko pa.”

“No baby. Lasing ka na. Nakaka-sampung shot ka na.” Sabi niya.

“Strong yan DJ.” Sabi ni Tips.

Actually, strong kaming lahat magpipinsan. Hindi naman kami madalas mag-inom. Tuwing magkikita lang kami, madalas pag may outing yung family or event ganyan. Pero siguro nasa dugo namin, hindi kami madaling tamaan.

He sighed in defeat. “Just dont get too drunk, okay? Pag nararamdaman mo ng tipsy ka na, kalabitin mo lang ako. Babantayan kita.”

Maya maya pa ay nakakaramdam na talaga ko ng matinding hilo kaya sinandal ko yung ulo ko sa balikat ni DJ.

Inakbayan niya naman ako.

“Kath! Shot mo na!” Sabi ni Tom.

Pero walang ano-ano ay kinuha yun ni DJ at ininom. “Im taking her shots.” Bumaling siya sakin at hinalikan yung tuktok ng ulo ko. “Rest, baby.”

He & SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon