Chapter 19
( Song for this chap ->)
WARNING SPG! MGA BABIES, SKIP NIYO YUNG PART NG SPG, OKAY? <3
Walang makakasira ng magandang araw ko. Kahit pa etong napakatagal na byahe papuntang school ay hindi masisira ang araw ko. Juicecolored! Ang isang oras na ride ko papuntang school ay naging dalawa. Kamusta naman daw yun? Pero hindi. Masaya ako ngayon.
Kahit na nagsisigawan na naman sila Mommy at yung kapatid ko kanina sa bahay bago ako umalis ay all out parin ang smile ko. Masaya ako!
Sixth monthsary namin kasi ni DJ ngayon. Who would’ve thought right? Dati pinapangarap ko lang siya, tinitignan sa malayo, iniistalk, pinapantasya. Tapos ngayon naka-kalahating taon na kami. Parang kailan lang talaga.
Pagpasok ko ng school ay todo smile ako kay Manong Guard at sa lahat ng makasalubong ko.
Confirmed Kath, nababaliw ka na.
Walang pasok si DJ ngayon kaya sabi ko wag na niya kong sunduin papasok ng school, kaya ko naman magcommute. Boyfriend ko siya at hindi driver. Kahit pa ang kulit niya kagabi dahil gusto niyang ihatid ako, hindi ako pumayag. Sabi ko magkita nalang kami after class. Yun pwede niya kong sunduin.
“Sobrang saya ng isa jan kala mo naman kinaganda niya yun.” Parinig ni Alex sakin.
“Bwisit ka talaga! Kinaganda ko to noh! Ikaw kahit kailan pangit ka!” Balik ko naman sakanya.
“Yan? Yan na yung maganda? Harujusko. Nakakasuka talaga.” Sabi niya tapos tumawa ng pagkalakas lakas.
“Hay nako kayo talagang dalawa! Umayos kaya kayo ng matapos na tong final paper na ipapasa natin bukas.” Singit ni Arisse samin.
Bukas na kasi yung pasahan ng final thesis paper. Tapos nun ay ilang requirements nalang tapos graduate na kami next next week kaya todo ayos na kami sa thesis namin. Dahil tinatakot kami ni Dean na pag hindi daw kami nakapagpasa bukas ay next term na kami ggraduate.
Magaalas-singko narin ng matapos namin yung final paper. Print nalang to bukas at magmamartsa na kami sa PICC. Finally! After five freaking long years of working with different kind of programming languages, all the prototype, the numbers with matching letters, and all the sleepless nights.
Hindi parin nagtetext si DJ sakin simula kaninang umaga. Kagabi pa yung text niya, yung Happy 6th monthsary, baby. I love you. So damn much.
Tatawagan ko na sana siya ng magring yung phone ko.
“Hello Mommy Karla?” Sabi ko sa kabilang linya.
“Nak, kasi si DJ eh, may sakit, ang taas ng lagnat. Kailangan kasi namin umalis ng Daddy Rommel mo dahil may lalakarin kaming importanteng bagay. Pwede mo ba siyang puntahan dito sa bahay?” Mahabang sabi ni Mommy Karla sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
He & She
FanficHe's living the perfect life. She's not. He's the Daniel John Padilla. She's just Kathryn Chandria Bernardo Will he fall for her? Did she already fell for him?
