Chapter 7 - Loveteam?

25K 575 11
                                    

Chapter 7

 

“Hi.” Masigla kong bati sa orgmates ko.

“Blooming ata si Kath ngayon ah.” Sabi ni Albie.

Ngumiti lang ako at umupo sa tabi nila. Sinilip ko yung org nila DJ, wala pa pala siya.

“May hinahanap. Harot talaga eh.” Sabi ni EJ.

Si EJ isa rin siya sa original barkada ko. Blockmates kami nung first year first term kasama nila Miles, Chie, Albie at Khalil.

“Hi te!” Bati ni Arisse sakin kasama si Miles at si Chie.

“Hi mga te.” Tumayo ako at yumakap sakanila.

Pagkalas ko ng yakap, biglang may kumalabit sakin. Pagharap ko, halos malaglag yung panga ko.

“Hi.” Ngumiti siya.

Naramdaman kong kiniliti ako ng mga kaibigan ko pero hindi ko pinahalata kay DJ. Juice colored! Kung ganto ba naman bubungad sakin araw araw pag papasok ako, edi siguro lagi na kong maaga papasok.

“Uy. Hehe. Hello.” Sabi ko naman sakanya.

“May gagawin ka ba mamayang hapon?” Sabi niya.

“Ha?” Nagprocess pa sa utak ko yung sinabi niya.

He’s asking me if Im available later. Does that mean niyayaya niya kong lumabas?

Assuming ka rin Kath eh.

 

“Yayayain sana kita magmerienda. Coffee ganun.” Sabi niya.

“Ahh. Oh sure. Wala naman ata akong gagawin. Oo hehe tama.”

Sige Kath, push mo yan! Gagawa ka kaya ng project niyo sa programming! Landi pa more!

 

Dibale na, kaya ko naman yun gawin paguwi ko eh. Minsan lang tong chance na to noh. Grab na!

“Sige kita nalang tayo mamaya.” He smiled then he turned around and left. Leaving me dumbfounded.

“Totoo bang nangyayari to?” Wala sa sarili kong sabi habang nakatulala parin sa papalayong si DJ.

Naramdaman kong kinurot ako ni Miles.

“Awww! Bakit ka ba nangungurot?” Ang sakit naman kasi.

“Nasaktan ka diba? So meaning, totoo. Hindi ka nananaginip.”

Nung nagsink in sakin yung sinabi ni Chie. Nagtatalon ako. At niyakap yakap ko silang tatlo.

“Oh my godddd! Totoo! Totoong niyaya niya ko lumabas ulit.” Sigaw ko pero hindi ganun kalakas para marinig ng mga kaorg niya.

He & SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon