Chapter 12 - Damn, baby.

26.7K 642 32
                                    

Chapter 12

 

Nandito ako ngayon sa klase ko at nakita kong kumaway si DJ sa may maliit na salamin sa pintuan ng room namin.

One week had passed since the incident happened. Okay naman kami. We’re more than okay, really. Patuloy siya sa panliligaw niya, kalat narin sa org ko at sa org niya na nililigawan niya ko kaya madalas kaming sentro ng tuksuhan sa tambayan.

Nung araw na sinabi niya yung mga katagang nagpalambot ng puso ko, ay yung araw na unti-unting nawala yung doubts ko kung pwede ba yung kami.

 

Tinatanong ako ng mga barkada ko kung kailan ko daw ba balak sagutin si DJ. At hindi ko alam kung anong isasagot ko. Dalawang linggo palang simula nung manligaw siya sakin at seriously, kahit gustong gusto ko siya, no, mahal ko na siya, ay gusto ko paring maramdaman yung sincerity niya sa panliligaw. Not that I dont felt he’s sincere.

Siya ang unang lalaking minahal ko. He’s my first love for pete’s sake. At natatakot ako na magbago kung ano man yung sweetness na meron kami pag sinagot ko siya. Sabi nila, magaling lang daw ang lalaki pag nanliligaw. I’ve never had a boyfriend before so how would I know. Pag may nanliligaw noon sakin, ay sinasabi ko ng deretsahan na hindi ako interesado. Siguro ay dahil narin ayaw nila Mommy na magboyfriend ako. Pero si DJ ngayon, gusto siya nila Mommy.

Nagulat nga ako ng tanungin din ako ni Mommy kung kailan ko balak sagutin si DJ. Mukha daw siyang seryoso sakin dahil pati magulang at mga kapatid ko ay naligawan niya na.

Siguro ay sasagutin ko siya pag nafeel ko ng yun na yung moment.

Sa ngayon, ay eenjoyin ko muna yung mga moments namin ni DJ.

Paglabas ko ay naabutan ko siyang may kausap na kaorg niya. Nanatili ako sa gilid ng hallway. Ayaw ko naman mangistorbo at biglang sumingit sa usapan nila.

Nagyaya siya magdate ngayon, kahit kakadate lang namin kahapon. Balak ata niyang totohanin yung #Everydate na hashtag niya sa Instagram. Pero sabi ko papayag lang ako lumabas kami ngayon pero gusto ko sa paraang gusto ko kami magdate. Pumayag siya pero siya parin daw ang gagastos.

Kung tutuusin, malaki na yung ipon ko sa bahay dahil sa kakalibre niya sakin. Halos wala na kong ginagastos dahil hatid sundo niya ko at pag break naman ay sabay kaming kumakain kasama ang mga kaibigan ko.

Ayaw ko ng idea na halos siya ang gumagastos pero ayaw niyang magpapigil.

Maya maya ay lumapit na siya sakin. “Sorry baby pinagintay kita. May pinagusapan lang kami tungkol sa fun run ng org.” Sabi niya.

Nasanay narin ako na baby ang tawag niya sakin. Ayaw ko talaga noong una. Hindi naman sa pagmamaganda pero gusto ko ireserve ang sweet endearments pag kami na, officially. But he’s too stubborn, baby parin ang tawag sakin. Yung mga kaibigan ko nga halos lumuwa yung mga lalamunan pag maririnig nila yung tawag ni DJ sakin kakatili.

“Overs sa pinagintay! Wala pa nga akong 5 minutes na nakatayo dito oh.” Natatawang sabi ko.

He & SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon