Chapter 24
“Ate bilisan mo! Baka malate daw tayo sabi ni Mommy!” Rinig kong sigaw ng kapatid ko mula sa labas ng kwarto ko.
Hindi ako sumagot. Hindi na ako nakikipagbangayan, sigawan o lokohan sa mga kapatid ko. Hindi na, simula nung magbreak kami ni DJ. Wala akong lakas makipag-asaran.
Dalawang linggo na mula nung mangyari yun. At Graduation na namin ngayon.
Bihis na bihis na ko kanina pa. Naka-knee length cream dress ako at nakaheels na cream din ang kulay. This should’ve been the happiest moment of my entire engineering student life. Dahil finally, tapos na. Pero hindi ko parin magawang maging masaya.
Tinignan ko yung tickets na nasa kamay ko. Eto yung plain tickets namin ni DJ papuntang Singapore. Nadako yung mata ko sa picture frame na nakataob sa tabi ng kama ko. I held it close to my heart.
“Mahal na mahal parin kita. Kahit ang sakit sakit na.”
Hanggang ngayon, hindi ko parin matanggap na nakipaghiwalay siya sakin ng ganun ganun lang. He never gave me a reason. Hindi ko alam kung anong naging mali. Kung san ako nagkulang.
Ang pinakamasakit. Hindi ko alam kung mahal pa ba niya ko. O minahal nga ba niya ko.
I wiped my tears away and stood up.
“Ang tagal mo naman ate.” Sabi ng kapatid ko paglabas ko. Pero hindi ako sumagot.
“Ate.” Napatingin ako sa bunso kong kapatid ng magsalita siya. “Ayokong nakikita kang ganyan. Yung malungkot.”
I smiled bitterly. I held back my tears. Hindi nila ko pwedeng makitang umiyak. Not now.
Sumampa siya sa sofa namin at hinawakan yung mukha ko. More like, pinunasan yung luha ko. Hindi ko na naman pala napigil yung luha ko.
“Hindi ko alam bakit ka sad pero ayaw kong sad ka ate. Balik mo na yung ate naming laging masaya.”
Napayakap nalang ako sakanya. He’s 7. He wont understand. Hindi niya maiintindihan. Hindi niya pa miintindihan yung sakit ng iwan ng taong mahal mo. Ng taong nakita mong kasama mo sa future. Ng taong pinagbigyan mo ng lahat lahat.
~
Andito na kami ngayon sa PICC. I can see my batchmates smiling widely. Maraming magulang at mga studyante na nandito ngayon dahil ito ang pinakaiintay na pagkakataon ng lahat.
Yung mga magulang proud na proud na pinipicturan yung anak nila na may suot na toga. Masaya lahat. Maliban sakin.
Naramdaman kong hinila ako ng orgmates ko para magpicture daw kaming lahat. I smiled. A fake one. For the sake of smiling to the camera.
“CONGRATS SATIN” Sigaw ng orgmates ko.
“Congrats te.” Sabi ng girlfriends ko sakin. Si Miles lang ang nakakaalam ng tunay na nangyari samin ni DJ.
I cant spill the beans to everyone. My life is not a fucking fairytale to share.
Gusto ko mang sabihin kay Chie ay hindi ko kaya. Masyadong masakit para paulit-ulitin kong ikwento yung mga nangyari.
The graduation rites passed by like a blur. Hindi ko alam kung ano bang nangyari basta hawak hawak ko nalang yung diploma ko at naghagis na kami ng toga. Masayang masaya silang lahat. Finally! Tapos na ang ilang taong paghihirap sa engineering.
Nagumpisa na kaming maglabasan, I can see different barkadas taking pictures together.
Nilapitan ko sila Mommy at niyakap nila ko. “Congrats anak.”
“Thank you.” Plain na sabi ko.
Naglalakad ako papunta sa mga orgmates ko ng makita ko sila Ate Roanna. Nandun din sila Mommy Karla, Daddy Rommel, Kuya RJ at Kuya JC. Maya maya pa ay lumapit si DJ sakanila. Kasama niya si Julia. They exchange greetings. Ofcourse, they know Julia. He was Daniel’s first.
I can feel my eyes watering. But I did everything to suppress the pain. I was purposely holding my feelings back because I know its for the best.
Napatingin sakin si Mommy Karla. Tatawagin niya sana ko pero nagsmile lang ako sakanya at tumalikod na ko.
Naglakad ako palabas ng hall. Nearly running. Kahit na hirap na hirap akong tumakbo dahil nakaheels ako ay pinilit ko parin lumakad ng mabilis. Ayaw ko na dito. I want to go home. I want to drown myself in my own tears. Hindi ko na kaya.
Hindi ko kayang makitang masayang magkamustahan sila Mommy Karla at Julia. Masakit. Masakit na masyado yun.
Masakit na nabawi na niya yung dapat na sakanya. Hindi naman ako bagay dun, si Julia. Siya ang bagay sa pamilya ni DJ. Mayaman sila pareho.
Ang sakit isipin na kahit anong gawin ko, hindi ako babagay sa kanila.
Sabagay, ano pa nga bang use nun? Hindi na kami ni DJ. Hiniwalayan na niya ko. Tapos na kami. Dalawang linggo na kaming tapos.
I was running when I bumped into someone. A man, and a woman. Siguro nasa edad 50s na sila. I know the guy, siya ang pinakamayaman na businessman sa Pilipinas. He owns airlines, hotels, condos, and the famous malls here in the Philippines.
“Sorry po.” I said bowing my head. Patago kong pinunasan yung luha ko. Nakakahiyang humarap sakanila na mukha akong namatayan.
Pagtingin ko sakanila, napansin ko maluha-luha yung babae.
“Anak.” Sabi niya sakin sabay niyakap ako.
Anak?
Ano daw?
BINABASA MO ANG
He & She
FanfictionHe's living the perfect life. She's not. He's the Daniel John Padilla. She's just Kathryn Chandria Bernardo Will he fall for her? Did she already fell for him?