Chapter 29 - Oh great.

20.7K 470 35
                                    

Chapter 29

 

Everyone’s bowing their head and giving respect nung palabas na kami ng building ni Dom.

Palabas na kami ng makasalubong namin si Aaron. Isa sa mga empleyado ni Dom na lagi kong nakakausap pag nasa meeting pa si Dom.

“Good afternoon Sir Dom.” Bati niya kay Dom. Bumaling siya sakin at ngumiti ng malapad. “Hi mam Kath. Kamusta po?” Bati niya samin.

I smiled. “Good afternoon Aaron.”

Nagulat ako ng bigla akong hapitin ni Dom sa bewang. “Back to work Mr. Villamor. You’re not here to have your little chitchat.”

“Sorry sir.” Sabi niya sabay yuko.

Hindi na sumagot si Dom at hinawakan nalang niya ulit ako sa kamay at hinila na ko palabas.

“Okay? What was that? Kailan ka pa naging masungit sa employees mo?” Sabi ko habang inaantay namin yung sasakyan niya na kinuha ng valet.

Humarap siya sakin at nakita kong nakakunot yung noo niya. “Wag ka nga masyadong mabait sa employees. Lalo na sa mga lalaki.” Seryosong sabi niya.

Im not dense. Nakuha ko agad yung pinupunto niya.

Napatawa ako sa itsura niya. Nakakunot yung noo at parang pinagsukluban ng langit at lupa. “Grabe. Ang seloso mo Roque. Seryoso ka bang nagseselos ka sa mga employees mo?” Natatawang sabi ko.

Hinapit niya ko sa bewang at niyakap. Pero bigla niya kong kiniliti. “Oh gad hahahaha stop hahaha Dom hahaha ano ahaha ba hahahaha stop hahaha.”

Hindi niya ko binitawan sa pagkakayakap para mas lalo niya kong makiliti sa bewang. Maya maya pa ay tumigil na siya at ako naman, halos mamatay na kakatawa. Naubusan ata ako ng hangin sa ginawa niya.

Hinampas ko siya sa braso. “Bwisit ka!”

“Eh tawanan daw ba ko.” Sabi niya.

I held his face with both of my hands. “Roque. Napakaseloso mo po. Sabi mo nun wag kong sungitan yung employees mo. Ngayon naman, wag akong maging mabait. Oh eh ano ng gagawin ko?”

“Kasi naman eh. Nilalandi ka nung Aaron na yun.”

“Kinamusta lang ako. Nilalandi na agad?” Hindi ko parin tinatanggal yung pagkakahawak ko sa mukha niya. Nakakatawa kasi. Namumula siya at pilit umiiwas ng tingin. “Humarap ka nga dito. Asus. Nagbblush pa. Teenager lang?” I laughed.

Hinapit niya ko ng sobrang lapit. Halos magdikit na yung mukha namin. “Kanina mo pa ko tinatawanan Ms. Manuel.”

Nakarinig kami ng tikhim sa may bandang gilid.

He & SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon