Chapter 14 - This is it!

25.5K 631 17
                                    

Chapter 14

 

“Ano te? Emo forever nalang?” Sabi ni Miles habang nasa tambayan kami.

“Kanina pa yan ganyan. Wala kasi yung baby niya eh.” Natatawang sabi ng isang kaorg namin.

“Bakit nga ba wala pa si baby mo?” Tanong naman ni Chie.

Ipinatong ko yung noo ko sa kamay ko. Maaga akong gumising kanina dahil sabi niya ay maaga niya kong dadaanan dahil magbbreakfast daw kami. 10:30 kasi ang pasok ko ngayon at sabi niya ay 8:30 niya ko susunduin. Pero lampas isang oras na kong naghihintay sa bahay ay wala parin si DJ. Hindi rin siya nagrereply sa mga texts ko. Hindi rin siya sumasagot ng mga tawag ko.

Iniisip ko na baka tulog parin siya dahil wala naman siyang pasok ngayon. Pero mag-aalas tres na ay wala parin akong naririnig mula sakanya. Ayaw ko naman isiping may hindi magandang nangyari sakanya.

Hindi ko rin maiwasan hindi magtampo. Ang tagal kong nakatunganga sa bahay, hindi na nga ako nakapasok kanina dahil pilit ko siyang inantay. Pero ng mapansin kong mukhang hindi na talaga siya dadating ay umalis na ko ng bahay.

Naramdaman kong hinila ni Miles yung kamay ko. “May pasok na po tayo. Wag ka na magdrama. Baka mamaya nanjan na yun.”

Kahit tamad na tamad ako ay pilit akong pumasok sa klase ko. Hindi naman pwedeng huminto yung takbo ng oras ko dahil lang hindi pa siya nagpaparamdam sakin.

Habang nagkklase kami ay biglang nagvibrate yung phone ko sa ibabaw ng notebook ko. Kinuha ko yun agad agad at lumabas ako ng room.

Sis Roanna calling...

Accept | Decline

Sinagot ko yung tawag kahit na kinakabahan ako. Madalas naman akong tawagan ni Ate Roanna dahil napapadalas narin ang paglabas labas namin pero may iba akong nararamdaman ngayon. Siguro ay dahil hindi pa nagpaparamdam si DJ buong araw.

“Hello Ate?” Sabi ko sa kabilang linya.

“Sis! Nako. May klase ka ba?” Tanong niya sakin.

“Hmm? Bakit?” Kinakabahan na talaga ko. Hindi siya mukhang magyayayang magshopping dahil kung ganun ay dapat Sis, shopping tayo ang bungad niya.

“Kasi si DJ eh.” Umpisa niya. Huminga siya ng malalim. “Nadatnan ko kasi sa kwarto kanina, ang taas taas ng lagnat. Feeling ko hindi pa siya nagigising dahil may sakit siya. Baka lang may lakad kayo. Iniinform lang kita.”

Kumalabog yung puso ko. May sakit si DJ. Sh-t! Kaya pala!

 

“Ate? Pupunta po ako jan. I’ll be there in 30.” Sabi ko.

“I know you would say that. Sige. Ingat ka ha. I’ll wait for you here.” Sabi niya bago ibaba yung tawag. Pumasok ako ng room at inayos ang mga gamit ko. Wala pa kami sa kalahati ng klase namin, pero kailangan ko ng umalis. Kailangan ako ni DJ.

He & SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon