Chapter 6

1.7K 46 14
                                    

Chapter 6

SA ISANG TAHIMIK at tagong lugar dinala ni Raven si Jing para ito ay sanayin sa kapangyarihan nito at sa pakikipaglaban.

Nasa gitna sila ng malawak na damuhan sa isang kagubatan sa kanilang bayan. Kung doon sa mismong maraming tao niya sasanayin ang babae ay panibagong marami ang madadamay at mamamatay. Mas mabuti na ang dito sa gubat. Malaya silang makapag-ensayong dalawa ni Jing at ang magpaulan ng kanilang kapangyarihan sa kung saan-saan. Sinigurado niya munang walang mga taong magagawi rito sa bundok.

Ikinumpas niya ang kamay dahilan upang maglikha iyon ng isang itim na usok. Gumawa siya ng mga kagamitang eensayuhan nila ni Jing.

Dalawang sakong nakakabit sa dalawang puno. Kung saan pagpapraktesan nilang dalawa ng suntok. Ang dalawa namang sako sa isang puno ay para sa sipa. At ang mga target portion naman na nilagay niya sa iba't ibang sulok ng kagubatan ay para sa kapangyarihan ni Jing.

Alam niyang matatagalan sila sa pagsasanay pero kailangan niya iyong gawin para sa kahariang nanganganib na. Hindi niya muna sasabihin ang buong katotohanan kay Jing. Kailangan niya munang magsinungaling hangga't sumama ito sa kaniya at maging handa na ito sa pakikipaglaban.

Kailangan niyang sanayin si Jing para sa nalalapit nilang pakikipagsapalaran. Hindi ito madaling misyon dahil hindi mahina ang kalaban nila kundi napakalakas.

“Handa ka na bang mag-ensayo aking mahal na prinsesa?” tanong niya kay Jing nang pumwesto na siya sa harap ng isang sako na may laman sa loob.

Napangiwi si Jing nang makita siya nitong sumuntok ng ilang beses sa sako. Mukhang masasaktan ito at manibago. At kapag mangyari iyon ay baka mapatay niya pa sa ganoong paraan ang prinsesa. Kailangan  muna niya itong simulan sa kaniyang kamay.

Humarap siya kay Jing at pwenesto na ang kaniyang kamay sa harapan. Kumunot ang noo nito sa ginawa niya. Gusto niyang matawa dahil sa walang kaalam-alam ang kaniyang prinsesa sa kanilang ginagawa.

“Ano ang gagawin? H-hindi ko alam kung paano ang sumuntok,” tanggi nito.

Gusto na niya talagang matawa pero pinipigilan niya tsaka isa pa at baka tapunan siya ng kapangyarihan nito at baka maging abo pa siya. Isa pa huwag niya muna itong laitin dahil bago pa ito at hindi ito lumaki sa kanilang palasyo.

Kailangan niyang magseryoso sa misyon niyang ito. Hindi niya dapat bibiguin ang mga umaasa sa kaniya. Kailangan nilang ibalik ni Jing sa dating ganda ang kaharian.

Iisa lang ang maipapangako niya. . . iyon ay ang sanayin nang husto ang mahal na prinsesang si Jing.

Pumwesto siya sa likod nito at hinawakan niya ang dalawang braso ng babae at iniumang niya ito sa harapan.

“Sumunod ka lang sa galaw ng kamay ko, Jing. At pag-aralan mo kung paano ang pwesto at ang bawat galaw.”

Tumango naman si Jing at siya naman ay sinimulan nang turuan ang babae. Pinapatama niya muna sa hangin ang kamao nito bago sa sako.

“Aeay!” sigaw nito nang itama niya sa sako ang kamao nito.

Binitawan niya ang braso nito tsaka tiningnan ang kamay nito. Namula lang iyon. Agad niya iyong binalewala.

Hinarap niya si Jing upang pagsabihan at pangaralan.

“Kailangan mong tiisin ang sakit at ang pasa mong makukuha sa pag-eensayo kung gusto mong matuto. Masasanay ka rin at magiging balewala rin ang lahat ng sakit na iyan kapag nasanay ka na. Ganyan lang iyan kasi baguhan ka pa lang sa ganito,” sabi niya sabay suntok sa sako na nakakabit. May laman kasi iyong lupa sa loob kayâ nasaktan si Jing.

“Kailangan ko ba talaga itong gawin? Hindi ba pwedeng kapangyarihan ko na lang ang gamitin ko?”

Umiling-iling siya sa naging sagot nito. Hindi iyon nagustuhan ng taenga niya.

“Hindi lahat sa oras ay pakikisamahan ka ng kapangyarihan mo, Jing. Kailangan minsan ay paghirapan mo ang lahat para maabot ang rurok ng tagumpay. Pakatandaan mo iyan. Kayâ ensayo!” sabi niya sabay hampas ng stick na niyang hawak sa sako.

Mukha naman itong nadala sa pangaral niya kayâ nagsimula na itong sumuntok sa sako.

Napapikit siya nang puro ito aray at pikit sa tuwing susuntok ang babae. Minsan rin ay natatamaan ito ng sako sa tuwing nadadala ng pagsuntok ang paggalaw nito. Natatama ito sa noo at mukha minsan ni Jing dahilan upang ilang beses ring matumba ang binibini.

“Umiwas ka sa sako, mahal na prinsesa. Isipin mo na ang sako na iyan ang kalaban mo. Iwasan mo ang bawat galaw at atake niya. Kung sasalubungin mo iyan ay dehado ka. Umiwas ka sa abot ng makakaya mo,” pangaral ulit niya.

Mukha naman itong nakikinig dahil umiwas nga ito nang umiwas sa bawat galaw ng sako.

Nang makita na niya itong nakukuha na ang tiknik ay napangiti siya. Hindi nga siya nagkamaling madali itong matuto.

“Sige lang, ipagpatuloy mo ang ginagawa mo. . . pagkatapos niyan ako na ang makakalaban mo sa suntukan.”

Napahinto ito sa pagsuntok sa sako at napatingin sa kaniya. Dahilan upang tamaan ulit ito ng sako sa noo at humandusay sa damuhan.

Umiling-iling si Raven sa nasaksihan.

“Isa pa mahal na prinsesa huwag kang lumingon o ibaling ang atensyon mo sa iba habang nasa laban ka at hindi mo pa nasisiguro na patay ang kalaban mo. Diyan ka mapapahamak kapag iyan ang ipapairal mo, gamitin mo lang ang pandinig mo. Gamitin mo ang paningin mo at ang galaw mo. . . mahalaga iyon para sa isang mandirigma,” sabi niya. Dinaluhan niya ito. “Tumayo ka,” utos niya sabay tulong sa pagtayo nito.

“Ano pa ang dapat kong matutunan?” usisa nito. Tila susuko na at hirap na hirap na.

Pinitik niya ito sa noo.

“Marami pa at wala ka pa sa kalahati, mahal na prinsesa. Huwag kang sumuko agad, huwag ka agad na mahirapan. Wala pa iyan sa kahaharapin mo na labanan. Doon mas doble ang kailangan mo. Hindi lang dapat doble, gawin mo nang triple o sobra pa roon kung kinakailangan.”

Umupo ito sa damuhan. “Ayoko na.”

“Walang raven girl ang sumusuko agad! Tayo!” seryoso niyang wika.

Wala naman nang nagawa si Jing kundi ang tumayo at tinuloy ang pagsuntok sa sakong may laman na lupa.

. . .

#TRG

Ate Sari, <3

The Raven GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon