Chapter 11

1K 34 0
                                    

Chapter 11

“KUMAIN na muna tayo,” anyaya sa kanila ni Raven nang makatapos na sila ng pahinga.

Hindi alam ni Jing kung iniiwasan ba siya ng lalaki. Panay ang tanong niya sa tatlo kung ano ang ibig sabihin sa mga sinabi kanina ni Spadana, pero wala ang mga itong naisagot sa kaniya. Napahinga siya nang malalim at sumunod sa tatlo. Tiningnan niya ang buong nasasakupan ng kahariang Blackerous. Naghahanap siya ng maari nilang kainin. Ngunit sa kalagayan ng buong kaharian ay imposible silang makakita ng makakain.

Tumikhim siya para maagaw ang atensyon ng tatlong kasama. “Saan tayo kukuha ng pagkain? Mukhang wala naman tayong pagkukunan dito?”

Lumingon sa kaniya si Itima. “Wala nga, ngunit may sekretong harden ang kaharian, mahal na prinsesa. Kung saan ang siyang hindi naapektuhan ng sumpa ni Lobonia.”

“Kanina ko pa kayo tinatanong. . . sino si Lobonia? Siya ba ang mangkukulam na naglagay ng sumpa sa buong kaharian?” tanong niyang muli sa mga ito.

Ngunit tulad nang kanina'y naging tahimik ang mga ito at hindi siya sinagot. Maski bigyan ng pansin ay hindi ang mga ito nagawa. Kumibit-balikat na lamang siya at sumandal sa hintuturo ni Higante. Karga kasi silang tatlo nito.

Hindi na lamang siya nagsalita pa. Wala namang sasagot sa kaniya kahit anong gawin niyang tanong sa mga ito.

Pumunta sila sa isang makapal na ambon na kung saan kulay itim. Nilamon sila ng kadiliman. Ngunit sa loob pala non ay napakaliwanag.

Isang napakaliwanag na harden ang sumalubong kay Jing. Maraming mga punong naroroon na ang ganda ng pagkakalago ng mga dahon. May iba't ibang mga hayop na gumagala mung saan paroon at parito. Mga nagliliparang mga iba't ibang ibon, paruparo, tutubi at ano pa. Maraming bulaklak sa paligid na iba-iba ang hugis, kulay at klase. Napakaganda niyon tingnan, lalo pa't ang mga talutot ng mga ito'y umiilaw. Ito ang nagbibigay ng ilaw sa madilim na paligid. Kasama ang mga alitaptap na namamahay sa mga puno. Parang nasa isang paraiso si Jing. Hindi niya aakalain na mau ganitong tinatagong ganda ang kaharian ng mga Blackerous.

Napanganga si Jing sa sobrang ganda ng kagubatang iyon. Hindi niya aakalaing masasaksihan niya sa tanang buhay ang mga nakikita lamang niya sa pelikula.

Inilapag silang tatlo ni Higante sa lupa upang malaya silang makapaglakad at malibot ang buong harden.

Hindi na nila problema pa ang kadiliman dahil may ilaw naman na nagmumula sa mga bulaklak, buwan at mga alitaptap.

“Hindi rito umaaraw, mahal na prinsesa. Kaya't huwag ka sanang magtataka kapag pagkagising natin bukas ay gabi pa rin,” biglang usal ni Raven habang namimitas na ng mga mansanas at iba't iba pang mga prutas na naroroon.

Tumulong na rin siya at maging si Itima. Si Higante ay nakamasid lamang sa kanila habang naghihintay ito sa isang sulok.

Huminga siya nang malalim. Hanggang kailan siya sa mundong ’to?

Hindi niya yata kakayanin ang mahabang paglalakbay na ito. Paano na lamang kung hanapin siya ng Mama Rossy niya? Ano na lamang ang gulo at pag-aalala ang binigay niya sa Ina?

Pumitas siya ng isang bunga ng mansanas at agad na kinain. Mula pa kanina siyang walang kinain at puro na lamang pakikipaglaban ang kanilang ginawa. Pakiramdam niya'y isang buong araw siyang walang pahinga at kain.

Kumain na rin sina Raven at Itima, maging si Higante ay isang lunok lamang nito ang napakaraming mansanas. Hindi na siya nagtaka dahil isa itong napakalaking nilalang.

Hindi niya inaasahan na ganito ang mundo. Sobra ngang misteryoso, hindi na niya alam kung ano ang paniniwalaan at hindi. Sana nga ay maski ang paningin at paniniwala niya'y hindi siya lilinlangin.

The Raven GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon