Chapter 10

1.1K 37 1
                                    

This chapter dedicated to: NumSandr02

. . .

Chapter 10

MABILIS NA GUMAWA NG lagusan si Itima para roon sila pumunta nina Raven at Jing. Agad namang sumunod ang kanilang kalaban na si Spadana nang makapasok na silang tatlo sa lagusan.

Dinala nila ito sa kapatagan ng kahariang Blackerous. Ang kahariang isinumpa ng masamang mangkukulam.

Bumaba sa patag na lupa sina Raven, Jing at Itima. Hinintay ang pagdating ni Spadana. Hindi dapat sila maging kampante dahil alam nila Raven at Itima kung gaano kalakas si Spadana. Kailangan nilang ipagtanggol na dalawa si Jing. Kung hindi ay baka ito punteryahin ng kanilang kalaban.

“Sino siya? Bakit. . .” puno nang pagtatakang tanong ni Jing sa kanilang dalawa ni Itima.

Nilingon ni Raven ang babae at hinila ito patago sa isang punong naroroon. Ngunit wala naman iyong silbi dahil patay na at nalason. Wala na itong mga dahon.

“Makinig ka mahal na prinsesa. . . dumating na ang itinakdang araw na lalakas ka at magiging isang ganap ka na talagang Raven Girl. Kaya't naririto si Spadana para tapusin ka. . . ang iniutos sa kaniya ng mangkukulam. Dahil alam nitong matatalo mo siya at papatayin mo siya. Kung kaya't pinadala niya ang kaniyang mga sugo para patayin ka niya. Nang sa ganoon ay hindi ka na makakalapit sa kaniyang kaharian upang iyong patayin, hindi na matutuloy ang propesiyang nakasaad.”

Balak na sanang magsalita ni Jing nang bigla siyang hinila ni Raven papunta sa ibang direksyon nang tapunan sila ng isang nagbobolang kulay itim na may pulang kapangyarihan.

Sumabog ’yon nang tumama sa lupa. Mula iyon sa espada ni Spadana.

“Diyan ka lang, mahal na prinsesa. Kami na ang bahala ni Itima sa kaniya,” sabi sa kaniya ni Raven kasabay nang pagtayo nito para harapin ang kalaban.

“Makikipaglaban ako!” sigaw niya.

Paninindigan na niya sa oras na ito ang pagiging Raven Girl niya. Hindi pwedeng wala siyang gagawin. Ano na lamang ang silbi ng kapangyarihang nasa katawan niya kung hindi naman iyon makikinabangan at hindi gagamitin sa kabutihan? Isa pa may isang pwersang lumulukob sa buong katawan niya. At ang tibok ng puso niya'y nagsasabing kailangan niyang lumaban at talunin ang kasamaan.

Muli siyang hinila ni Raven nang magpakawalang muli ng kapangyarihan niya si Spadana sa kanilang kinaroroonan.

Tinawag ni Raven si Itima para ito muna ang maglibang sa kalaban. Pati na rin si Higante na unang nakasalamuha niya noong akala niya panaginip lang ang lahat at kung saan nagbago na ang takbo ng mga araw niya.

“Hindi mo pa kaya ang makipaglaban. . . hindi ka pa handang kalabanin silang lahat.”

Wala na siyang nagawa nang pigilan siya ni Higante nang lumipad na si Raven at nakipaglaban kasama si Itima kay Spadana.

Tiningala niya si Higante. Tinitigan niya ito nang mata sa mata.

“Pakawalan mo ako, Higante. Hindi ko kayang manood lang sa laban nilang ito. Tutulungan ko sila sa abot ng aking makakaya,” pakiusap niya rito.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Pero nang makita niya sina Raven at Itima na nakikipaglaban para sa kapakanan ng kaharian, at ng mga taong naisumpa sa loob ng lugar na ito'y nakaramdam siya ng awa.

Umiling-iling ito. Ayaw talaga siyang pakawalan.

Naiinis siya sa sarili niya. Hindi niya man lang magawang makatulong sa dalawa.

The Raven GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon