Chapter 36

620 14 0
                                    

Chapter 36

ABALA SA pag-eensayo ang mga nilalang ng Blackerous nang bigla na lamang yumanig ang lupa at makarinig sila ng magkasunud-sunod na pagsabog sa paligid. Naramdaman ni Raven ang napakalakas na enerhiya; na nanggagaling sa himpapawid. Hindi sana tama ang kutob niya na ang mga alagad na ni Lobonia ang gumagawa ng ingay na iyon. Ngunit nang makita niya na nagkakagulo ang mga uwak at ang ilang mga nag-eensayo ay napatagis ang kanyang bagang.

Lumapit sa kanya si Itima at Higante. Hinanap agad ng mga mata niya si Jing ngunit hindi niya ito nakita.

“Nasaan si Jing?” tanong niya sa mga ito. Ngunit kumibit-balikat ang mga ito sa kanya na pinapahiwatig na hindi alam ng mga ito kung nasaan si Jing.

Napamura siya.

Hindi niya gusto ang kaba na gumagapang sa dibdib niya.

“Kailangan na nating kumilos. Harapin na natin ang apat na nilalang na iyon, bago pa nila maubos ang mga nilalang at mapabagsak ang palasyo,” anyaya sa kanila ni Itima.

Bumaling siya kay Higante. “Higante, hanapin mo si Sugo at protektahan ninyo ang mahal na haring Blackerous.”

Tumango naman sa kanya si Higante saka ito humakbang palabas. Sila naman ni Itima ay lumipad na palabas ng palasyo upang harapin ang apat na kalaban.

Ang mga kasama nila’y pinapalibutan ang mga alagad ni Lobonia ngunit marami sa mga ito ang nalagas. Nagkalat ang mga patay na uwak, mga labuyo, at mga nuno na siyang lumaban sa mga ito. Nagtagis ang mga bagang ni Raven sa nasaksihan. Kaunti na lamang ang natira sa kanilang mga kasamahan. Marami pang mga lobo ang nasa paligid. Maging si itima ay hindi maipinta ang mukha dahil sa nararamdamang galit.

Mayamaya ay dumating sila Ulang Imoy at Inang Puno. Mababanaag sa mata ng mga ito na handa ang mga itong makipaglaban para sa kahariang Blackerous.

“Hindi niyo ba inaasahan ang pagdating namin?” tawang tanong ni Ahas na katabi ang mga kasamahan nito.

“Ano na namang masamang binabalak ng mahal ninyong reyna na si Lobonia? Bakit hindi siya rito sa amin magpakita at kami ang harapin niya? Bakit kayo ang pinapain niya? Natatakot ba siyang mapatay siya ni Raven Girl?” puno ng pambabatikos ang boses ni Ulang Imoy na siyang nagbigay ng bahala sa mga mata ng apat na nilalang na nasa kanilang harapan.

“Iyon ang hindi namin pwedeng ipaalam sa inyo. Dahil magugulat na lamang kayo sa mangyayari,” sagot ni Agilano na may ngiti sa mga labi.

Si Agilano ay taglay ang pagiging agila na sigurado sina Raven na hinango ito ni Lobonia sa isang agila. Maging ang mga matatalas nitong mata ay hinulma sa Agila at maging ang mga paa nito; pati ang dalawang pakpak nito sa likuran. Ramdam na ramdam nila Raven ang malakas na enerhiyang nagmumula sa katawan nito. Katawang tao ito pero taong agila.

Ang isa naman ay si Spadana na nakaaway na nila noon sa mundo ng mga tao, taglay pa rin nito ang mahabang buhok, at dala-dala ang dalawang espada nito na malakas din ang kapangyarighan.

Si Ahas na kapag bubuga ng kapangyarihan at matamaan ay magiging bato ang kalaban nito. Ito ay kalahating ahas at kalahating katawan ng tao, mapupula ang mga mata habang mahaba ang buhok nito. May mga mahahabang kuko sa mga kamay nito habang may mahabang dalawang pangil na ngipin. Puro kaliskis ang balat nito na paniguradong hindi matatablan ng kahit na anong patalim.

At si Panikilya na taong paniki. Matalas ang mga mata nito at pandinig. Hindi nila alam kung matatalo nila ito. Nagbabalat-kayo ito na mahirap nilang malaman kung kanilang kasama o kalaban. Pero handa silang lumaban sa abot ng kanilang makakaya para sa kaharian ng Blackerous.

“Mukha yatang hindi ko maramdaman ang kapangyarihan ng Raven Girl. . . itinakas niyo ba siya upang hindi mapatay ng aming reynang Lobonia? O, siya mismo ang pumunta sa teritoryo ng aming mahal na Lobonia?” May bahid sa boses ni Panikilya ang pang-aasar.

“Huwag na kayong lumaban pa. Ginagamit lamang kayo ni Lobonia para sa tagumpay niya, oras na magtagumpay siya’y papatayin niya rin kayo,” biglang wika ni Inang Punk na siyang nagpatawa sa apat na kalaban.

“Alam namin iyon, simula pa noong nilikha kami ng mahal na reynang Lobonia. Tatapusin lang namin ang aming misyon at kami na ay magpapahinga habang-buhay. Kaya huwag na nating sayangin pa ang oras. . . simulan na natin ang labanan. At nangangati na akong dumanak ang dugo ninyo sa mismong lupa ng inyong kaharian!” sabi at sigaw ni Spadana.

Humanda na sina Raven, Itima, Ulang Imoy at Inang Puno sa pagsugod ng mga kalaban. Mamatay man sila ang mahalaga ay maprotektahan nila ang kanilang kinagisnang kaharian at maprotektahan ang mga nilalang na umaasa sa kanila; at lalong-lalo na hindi nila bibiguin ang mahal na haring Blackerous.

SAMANTALA sina HIgante at Sugo ay tumungo sa tore para puntahan ang mahal na hari at ilayo ito sa kapahamakan. Ngunit pagkarating nila sa ibabaw ng tore ay wala na doon ang mahal na hari.

Nagkatinginan sina Higante at sugo, nagtataka at tila ba nagtatanungan sa isa’t isa kung saan nagpunta ang mahal na haring Blackerous.

Hahakbang na sana sila palabas nang makita nila ang isang balahibo na mula sa isang labuyo. Nakapatong ito sa mismong kinaroroonan palagi ng mahal na hari. Tinuka iyon ni Sugo dahilan upang maglaho iyon at lumikha ng isang itim na usok.

May lumitaw na mga imahe roon, nakita nilang dalawa roon si Gurodo kasama ang mahal na prinsesa at ang mahal na reynang Rossia na papunta sa kaharian ni Lobonia. Hindi lang din iyon. . . maging ang mahal na hari ay papunta rin kay Lobonia.

Napamura si Sugo at nabahala.

Nagkatinginan sila ni Higante.

“Susundan ko ang mahal na hari, Higante. Dito ka lang at tulungan mo ang mga kasama nating talunin ang apat na kalaban.”

“Ngunit—”

“Sige na, kaibigan. Bago pa mahuli sa atin ang lahat.”

Wala nang nagawa si Higante nang lumipad na si Sugo, palabas ng palasyo. Naiwan siyang napakuyom ang dalawang malalaking kamay.

Tama si Sugo, kakailanganin siya ng mga kasama para talunin ang kanilang kalaban.

Sana ay matalo ng Raven Girl si Lobonia nang tuluyan na ang kanilang pagkapanalo. Sana nga ay pumanig sa kanila ang tagumpay laban sa masamang balak ni Lobonia.

Lumabas na siya ng palasyo at nakisali na sa labanang nagaganap sa labas.

. . .

#TRG

Ate Sari, <3

The Raven GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon