Chapter 12

994 31 4
                                    

This chapter is dedicated to CallmeManongJose.

. . .

Chapter 12

“SI SPADANA ay magaling humawak ng espada. Bukod pa roon ay kaya niya ring gumawa ng isang malakas na ipuipo sa tuwing gagamitin niya ang kaniyang mahabang buhok. Nagtataglay rin ng kapangyarihan ang kaniyang espadang hawak. Siya ang isa sa malakas na kalabang haharapin natin,” simula ni Raven.

Nakasilong sila sa isang malago na puno para hindi sila mabasa ng ulan. At habang pinapatila nila ito ay napagdesisyunan nilang apat na gumawa ng hakbang para sa gagawing pagpunta nila sa teritoryo ng kalaban. At pag-aralan ang kanilang mga kalaban.

“Si Agilano. . . matalas ang mga mata niya at mabangis, mapangahas at mapagmatyag. Tinataglay niya ang katangian ng isang agila. Mabilis siyang lumipad at kaya niyang lumipad nang mataas. May mahahaba siyang kuko sa kamay. Ang paa niya'y tulad ng isang agila at maging ang kaniyang nguso at mga mata. Nagtataglay rin siya ng isang kapangyarihang makakasugat sa isang boga lang niya. Siya ay isa sa pinakamalakas sa kanilang lima.”

Matamang nakikinig sila Jing, Itima at Higante sa paliwanag ni Raven. Kailangan nilang gumawa ng hakbang kung paanong matatalo ang kanilang kalaban. Kung hindi sila mananalo sa kapangyarihan laban sa kapangyarihan ay gagamitin nila ang katangian ng isang tao.

Ang katangian ng isang tao na kahit mahina ay madiskarte sa lahat ng bagay. Iyon ang nabuong plano sa isip ni Jing nang makilala na ang dalawang makakalaban nila. Titingnan niya pa sa tatlong natitira kung gagana ang binabalak niya.

“Sunod ay si Panikinya, tinataglay niya ang katangian ng isang paniki. Matalas ang kaniyang paningin sa gabi, at kung araw naman ay matalas ang kaniyang pandinig. May dalawang pakpak siya nang tulad sa paniki at ang kaniyang kamay at paa. Kung lumipad siya'y mababa lang. Katawang tao ngunit hinango rin sa isang paniki. Ngunit hindi niya ’yon magagamit dahil hindi naman umaaraw rito sa mundo na ating kinaroroonan. Bukod sa kaniyang katangiang ’yon ay magaling din siyang maglinlang. Kaya niyang magpalit ng anyo at gayahin ang kaniyang mga kalaban. Para malinlang ang mga ito.”

Mukhang aatras na yata si Jing sa mga oras na iyon.

Napansin iyon ni Raven pero hindi siya nagpahalata. Kailangan niyang palakasin ang loob ni Jing mamaya, pagkatapos niya.

“Si Ahas ay nagtataglay rin ng isang katangian ng ahas, halata naman sa pangalan nito. Katawang tao siya ngunit nagpapalit anyo bilang isang napakalaking ahas kung kaniyang gugustuhin. Kapag matamaan ka ng kapangyarihan niya'y magiging bato ka. Bukod din diyan ay mabilis din siyang kumilos at magaling sa pakikipaglaban. Lahat naman sila ay magaling makipaglaban, bunos na ang kanilang mga tinataglay na kapangyarihan.”

. . . “Ang huli ay si Lobonia. . . ang kilalang pinakamasamang mangkukulam dito sa buong kaharian ng Blackerous. . . nananahan siya sa kaharian ng mga Lobonia. Kung saan ay sa kaniya rin pinangalan. Nasa panig niya ang kasamaan at maging ang kamatayan. Magaling siyang makipaglaro sa kaniyang mga kalaban. Mahilig siyang manlinlang. Kaya niyang gayahin ang katauhan ng isang nilalang kung gugustuhin niya. Hindi lang ang katauhan kundi maging ang kakayahan at kapangyarihan ng mga kalaban niya.. Malakas pa ang kaniyang kapangyarihan na itim. Kaya't siya ang prinsesa ng mga nagtiwalag sa kaharian ng Blackerous. Siya ang tinagurian at kinikilalang pinakamalakas na mangkukulam sa mundong ’to. Siya rin ang naglagay ng sumpa sa kaharian ng Blackerous.  Wala pa sa kaniyang nakakatalo mula noon, pero iba na ngayon dahil andito ka na, Raven Girl. Ikaw ang makakatalo sa kaniya,” pagtatapos ni Raven sa kaniyang salaysay.

Huminga nang malalim si Jing at pinagtagpi-tagpi ang lahat ng kaniyang mga nakalap na impormasyon kay Raven.

Isang delikadong kalaban nila ay si Lobonia.  Hindi niya alam kung makakaya niyang talunin ito gayung napakalas ng kanilang mga makakalaban. Hindi alam ni Jing kung ano ang naghihintay sa kanila sa paglalakabay at pakikipagsapalaran na ito.

“Ano na ang magiging plano natin? Tayo ba ang hahanap sa kanila o hihintayin pa natin silang lumusob dito at idamay ang mga nasasakupan ng kahariang Blackerous?” tanong niya kina Raven.

Tumayo si Itima at pumikit. Lumikha ito ng napakalakas na hangin at humuni ito ng isang huni ng uwak. Tila tinatawag ang mga kasamahang ibon.

Nanatili siyang tahimik at inobserbahan ang susunod na mangyayari. Maging sina Higante at Raven ay nakamasid din kay Itima.

Libong mga uwak ang lumapit kay Itima. Tumigil ang mga ito sa ibabaw ng uluhan nila habang lumilipad. Unti-unting dumilat si Itima at bumungad sa kanila ang pulang-pula nitong mga mata. Mapula naman iyon dati pero ngayon ay napakapula na niyon.

Kinakausap nito ang mga uwak sa pamamagitan ng pakikipagtitigan.

Dumaan ang ilang sandali at bumalik sa normal ang pagkakakulay ng pula ng mga mata nito.

Bumaling ito sa kanila.

“Kailangan na nating lumakbay. . . nauubos na ang oras. Kailangan nating humingi ng payo kung paano nating malalampasan ang mga kalaban at kung paano ng Raven Girl mapuputol ang sumpang ipinatong ni Lobonia sa kahariang Blackerous. Kailangan nating pumunta sa tahanan ni Avandro,” salaysay nito.

Kumunot ang noo ni Jing sa narinig. Sino na naman itong si Avandro?

“Sino siya? Kalaban na naman ba natin?”
Nasa boses na niya ang pagkagulo.

“Siya ang taga-gabay ng kahariang Blackerous. Siya ang may alam sa propesiya, mahal na prinsesa. Kaya't lalong sa madaling panahon ay dapat makaharap na natin siya.”

Inihanda na niya ang sarili. Kung ganoon ay wala na dapat silang minuto na sasayangin.

“Halina kayo! Pumunta na tayo sa kaniyang tahanan,” anyaya niya sa mga ito.

Ngunit natigilan siya nang makita ang pag-aalinlangan sa mukha ng tatlo. Ano'ng problema ng mga ito?

“Bakit?” kunot-noo niyang tanong sa mga ito.

Hindi niya alam kung bakit siya ginapangan ng kakaibang kaba sa buong sistema.

“Hindi ganoon kadaling pumunta sa tahanan ni Avandro, mahal na prinsesa. May dalawang bundok muna tayong dadaanan kung saan nagbabantay ang dalawang mabangis na nilalang— sina Gurodo at Inang Puno— dalawa silang may hawak ng dalawang diyamanteng susi para mabuksan natin ang tahanan ni Avandro.”

Napaupo siyang muli sa damuhan sa kaniyang narinig mula kay Itima.

“Bakit yata ang hirap naman ng lahat ng bagay? Hindi ba pwedeng ibigay na lang nila sa atin? Bakit kailangan pa nating makipaglaban?” tanong niya.

Tinapunan siya ng mataman ni Raven. Tumatagos ang paningin nito sa kaluluwa niya. “Lahat ng bagay na gusto mong makuha mahal na prinsesa ay kailangan mong ipaglaban at paghirapan. Hindi ’yong basta-basta mo na lang kukunin na walang paghihirap. Hindi magtatagumpay ang isang tao, kung hindi nila pinaghihirapan. Sana alam mo iyan, mahal na prinsesa.”

Umiwas siya ng tingin kay Raven matapos niyang marinig ang sinabi nito. Isa iyong malaking sampal sa kaniya.

. . .

#TRG

Ate Sari, <3

The Raven GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon