Chapter 2

3.2K 73 4
                                    

Chapter 2


HINGAL NA HINGAL nang bumangon si Jing mula sa kaniyang kinahihigaang kama. Tulad ng dati ay napanaginipan na naman niya ang higajte, ang mga uwak at ang palasyong puno ng itim na mahika.

Hindi niya alam kung ano ang koneksyon ng panaginip na iyon sa pagkatao niya. Pero alam niyang malaki ang ganap no’n sa buhay niya. Napaka-imposibleng may kapangyarihan siya, dahil, ‘di hamak na tao lamang siya't normal na nabubuhay sa mundo. Napahilot siya sa kaniyang sintido saka napahinga nang malalim.

“Weird,” piping usal niya habang nakatitig sa kawalan.

Tumayo siya saka sumilip sa labas ng bintana ng kaniyang silid. May araw na pala at na-late na naman siya ng gising, o, napaaga na naman?

Isinara niya ang bintana saka tumingin sa wall clock na nakasabit sa ibabaw ng uluhan ng kanyang kama. Alas sais na pala nang umaga. Isang oras na lamang ang natitira at pasukan na nila kapag mag-ala siete. Wala na siyang nagawa kundi ang magmadali sa pagligo at pagbihis.

Sumalubong agad sa kaniya ang ina na nakasuot ng apron hahang may hawak itong sandok sa kanang kamay. Paniguradong nagluto ito nang maaga para sa baon niya at agahan nilang dalawa.

“O, Jing. Halika na, maupo ka na't kumain,” yaya nito sa kaniya sabay ngiti.

Sumunod siya sa likuran nito at umupo sa upuang pinaghila para sa kaniya.

She was a only child. Tanging si Rossy lamang ang bumubuhay at nagpalaki sa kaniya. Her father was died, two years ago. Labing limang taon palang siya noong mamatay ang kanyang ama. Sa edad na laning pito ay masasabi niyang naging matured na siya sa lahat ng bagay. Pero minsan ay ayaw siyang payagan ni Rossy. Palagi pa rin itong nakaagapay sa kaniya sa lahat ng bagay. Papa na nga niya ito, Mama rin niya. How lucky she is.

Nilagyan nito ng isang fried egg at hotdog ang plato niya. Sa mangkook naman ay ang cereals. Pinagtimpla rin siya nito ng gatas. Napangiti si Jing. Tumayo siya saka hinalikan ang ina sa pisngi.

“Thanks, Ma.”

Niyakap siya nito saka hinalikan din sa kaniyang noo. “No problem, my daughter. Kumain ka na at nang maihatid na kita ng motor.”

Isang call center agent ang Mama Rossy niya. Kapag gabi wala ito sa bahay kapag sa araw na lang. Sa mga oras na lamang sana na iyon sila magkasama, pero hindi rin pinalad si Jing, dahil nasa paaralan naman siya ng mga oras na 'yon. Kaya't hindi na siya nagtataka kung bakit maaga niyang maabutan ang ina sa salas o kusina. Kasi ang unang ginagawa nito’y— ang pagluto sa tuwing dumadating siya sa bahay.

Simple lang naman ang bahay nila. Nakatira sila sa isang subdivision--- sakto lang para sa tatlong tao na bilang ng pamilya.

“Maglalakad na lang ako, Ma. Huwag mo na akong ihatid. Malapit lang din naman ang bahay natin sa school ko. Magpahinga ka na lang muna rito lalo na't wala ka pang tulog.”

Hindi na komontra pa sa sinabi ng Mama Rossy niya, sa halip ay ngumiti na lamang ito saka tumango. “Sige anak, salamat.”

Napangiti siya't pinagpatuloy ang pagkain sa kaniyang almusal.


TAHIMIK ang buong paligid, na tila ba'y may dumaang anghel sa lugar na iyon, kung bakit maski ni isang sasakyan man lang sa kalsada'y hindi dumaraan. Samantalang dati rati'y nagkakaroon pa nga ng traffic. Ano'ng mayroon? Maski man lang taong dumaan ay wala ni isa.

Napailing na lamang siya at nagpatuloy na sa paglalakad sa gilid ng kalsada. Ilang metro na lang din naman at makararating na siya ng school.

Matulin ang kaniyang paglalakad sa sidewalk ng kalsada, nang bigla na lamang siyang may narinig na kakaibang tunog ng isang uwak. Napatingin siya sa langit at halos manlaki ang mga mata niya nang makakita ng libo-libong bilang no'n sa himpapawid. Tinatabunan ng mga ito ang sikat ng araw na tumatama sa kaniya, dahilan upang dumilim ang paligid sa kaniyang kinaroronan.

Binundol ng takot at kaba ang kaniyang dibdib. Ang bilis ng tibok ng kaniyang puso habang namamanhid ang tuhod at buong katawan.

Isang malaking itim na usok ang nabuo sa pagbilog sa himpapawid ng mga ito. Umatras siya’t tumago sa isang poste. Maigi niyang pinagmasdan ang ginagawang kilos ng mga uwak.

“Anong nangyayari?” bulong niya sa kawalan, habang umuusal ng dasal.

Ano bang kababalaghan itong nangyayari sa kanya? Nanaginip pa rin ba siya?

Sinampal niya ang sariling pisngi pero napangiwi na lamang siya nang makaramdam ng sakit.

Hindi.

Totoo itong nangyayari. Hindi na ito isang panaginip tulad ng mga nagdaang araw, tulad ng nangyari sa kanya.

Tumakbo siya palayo sa mga uwak dahil sa kabang lumalamon sa pagkatao niya, pero ganoon na lamang ang sigaw niya nang sumunod ang mga ito sa kaniyang likuran.

“Hindi! Layuan niyo ako!”

Mabilis na pumunta ang itim na usok sa kaniyang unahan para magsilbing lagusan papunta sa kabilang mundo. Gusto niyang maiyak at pigilan ang mga paa sa pagtakbo pero hindi niya magawa.

Huli na lamang nang makapasok na siya sa lagusan at mapunta ulit sa palasyong parang pinaglalamayan ng ilang daan taon.

“Maligayang pagbabalik, mahal na prinsesa.”

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang malaking itim na ibon na nagsasalita. May mga mapupula itong mga mata, habang nakatitig sa kanya nang mataman.

Yaong oras lamang niya nasaksihan na may isang malaking uwak na nagsasalita, parang tinakasan siya ng katinuan, sa isang iglap nawalan siya ng malay.

The Raven GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon