Epilogue

1.9K 47 10
                                    

Note: Thank you guys, at nakaabot kayo hanggang dito sa katapusan! Thank you sa pagbabasa hanggang dulo at sa pagsuporta ninyo kina Jing, Raven, Itima at Higante. I know this is lame, but I hope it gives you lesson about friendship, comrades, thrones, and adventure that what came in our life we should appreciate all of it. Kahit anong pagsubok ang dumating sa ating buhay ay hindi agad tayong susuko at lalaban tayo hanggang sa huli. Be brave always and be a fighter! Kahit wala tayong kapangyarihan ay gamitin natin ang ating kaalaman at abilidad! God is always with us! TRG is closed to my heart! And I will miss this story, but yes, kahit mahirap I need to move on. So guys, see you on my next and other stories! Happy reading!

Ate Sari, <3

. . .

Epilogue

Five years later. . .

ABALA SA paghahanda ang kahariang Blackerous para sa darating na paligsahan. Masayang naghahanda ang mga nilalang. Naghaharutan naman sila Blackerous at Lobonia habang sina Rossia naman at Gurodo.

Bumalik ang lahat sa dati labing walong taon ang nakakaraan.

Ang mga nilalang ay nagbalik na lahat sa normal na tila ba walang naganap na isang bangungot sa kanilang lahat.

Nakapagtataka na wala silang maalala. Maging ang mahal na hari na si Blackerous. Sina Lobonia at Rossia. Ang tanging naalala lamang nila ay abala sila sa pagpaplano ng pagdiriwang para sa paligsahan. Nagising sila mula sa mahimbing na pagkakatulog.

Walang sumpang naganap, walang awayan at labanang naganap. Iyon ang akala ng lahat. Burado na ang lahat sa kanilang isipan at mananatili na lamang na lihim ang lahat ng iyon sa kanila.

Walang Raven Girl at propesiya. Walang isang mandirigmang umibig sa mahal na prinsesa. Walang Agilano, Ahas, Panikilya at Spadana.

“Sugo! Saan ba si Raven at kayo lamang na dalawa ni Higante ang nagbabantay sa lahat?” tawag ng mahal na haring Blackerous sa kanyang bantay na si Sugo.

Kasama ni Sugo ang magkasintahan na si Itima at Higante.

Napatingin sa kanila si Lobonia na nakakunyapit sa braso ni Blackerous.

Natigil naman sa pagkukulitan ang magkasintahan na sina Gurodo at Rossia.

Ang mga mukha ng lahat ay nagtataka habang nakatitig kay Blackerous. Nabahala naman ang mahal na hari na baka marahil ay may nasabi siyang hindi maganda.

“Mahal na hari? Sino po si Raven? Wala pong Raven na pangalan sa lahat ng mandirigma, maging sa lahat po ng nilalang ng kahariang Blackerous ay wala pong ganyang pangalan.”

Mukha namang naguluhan ang hari sa kanyang narinig.

“Ayst, masyado na yata akong nalulong sa pag-ibig ni Lobonia at kung anu-ano nang pangalan ang pumapasok sa isip ko. Marahil ay si Raven Girl,” sabi nito na mababakas ang kaguluhan sa mukha.

“Wala rin pong Raven Girl na pangalan, mahal na hari. Marahil sa pagbabasa ninyo iyan ng mga likhang piksyon ng ating mga manunulat na nilalang dito at na-iisip niyo pong nabubuhay sila,” bigla namang wika ni Itima.

Napakamot sa kanyang batok ang mahal na hari. Natatawa ito, “Marahil ay ganoon na nga.”

Sa sinabi nito ay napuno ng tawanan ang bulwagan ng palasyo.

. . .

PATAKBONG TUMAWID ng kalsada si Jing habang bitbit ang kanyang sketch pad. Marami na siyang mga guhit doon. Gagawin niya iyong comics kapag magkaroon siya ng oras sa digital art. Sa ngayon ay doon niya muna iimbak ang storyang nilimbag niya na pinamagatang The Raven Girl.

Palaging laman ng panaginip niya iyon at marahil ay binibigyan siya ng ideya ng Poong Maykapal.

Sa kakamadali niyang makarating sa kanyang apartment ay hindi niya napansin ang isang lalaking kanyang makakasalubong.

Nagkabanggaan silang dalawa dahilan upang mabitawan niya ang sketch pad niya. Pinulot iyon ng lalaki at inabot sa kanya.

Nakasuot ng itim na jacket na may hood ang lalaki. Maging ang sapatos nito ay kulay itim at ang maong pants nitong suot.

Nagkatitigan silang dalawa at kapwa ngumiti sa isa't isa.

Kumunot ang noo ni Jing. Parang nakita na niya ang lalaki. Familiar ang mukha nito sa kanya.

“Have we meet before?” tanong niya sa lalaki.

Umiling ito. “I think, ngayon lang tayo nagkita. But it's weird. You look familiar,” sabi nito sabay ngisi sa kanya.

Natanto ni Jing na ang gwapo at ang bait ng lalaki.

“Maybe we are schoolmate.” It is more than a statement than a question.

Tumango-tango siya nang makita ang uniporme nitong napapaibabawan lamang pala ng itim na jacket nito.

“Oh, by the way, my name is Jing,” sabi niya sabay lahad ng kamay niya sa harapan nito.

Agad naman na tinganggap iyon ng lalaki. nang magkadaop ang kanilang kamay ay tila may isang kuryente ang dumaloy sa kani-kanilang katawan dahilan upang mabilis silang mapabitiw sa isa't isa.

“Woah! Is that a spark? haha!” sabi nito na tila naaliw na nakatitig sa kanya. “Nice meeting you Jing, and oh, my name is Raven.”

“Nice meeting you, Raven! See you around! I have to go!” agaran niyang paalam dito kahit na gusto niya pa itong maka-usap nang matagal. Kailangan niya pang maghanda para sa school trip nila bukas.

“Ah, yeah, see you around! Take care, my princess. . .” Naging bulong na lamang ang huli nitong sinabi.

Abot na lamang ng tingin ni Raven si Jing nang mabilis na itong maglakad papalayo sa kanya.

Isang malaking ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi. Kahit weird man ay hindi siya makapaniwalang makikita ang babaeng palaging laman ng kanyang panaginip sa lugar na ito.

Samantala si Jing ay natigilan nang maalala kung saan niya nakita ang lalaki. Mabilis niyang binuklat ang kanyang sketch pad at nakita roon ang lalaki. Isa ito sa mga iginuhit niya sa characters ng comics story niya na The Raven Girl!

Napasinghap siya.

“No. . .” nausal niya at nilingon ang lalaki. Pero malayo na ito sa kanya.

. . .

Muling umilaw ang isang sulatin sa kweba ni Ulang Imoy kasama nito si Avandro at Inang Puno. Kapwa malalaki ang ngiti sa kanilang mga labi habang binabasa ang sulat na kusang umuukit sa isang bilog na bato.

Muling madudugtungan ang pag-ibig ng dalawang nilalang sa hinaharap.

Wakas

© All Rights Reserved 2019
The Raven Girl
Sario Julian (stoutnovelist)

The Raven GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon