Chapter 29

606 22 0
                                    

Chapter 29

ILANG HAKBANG ang ginawa nilang apat bago sila nakarating sa harapan ng malaking tarangkahan na umiilaw na tahanan ni Avandro. May dalawang nilalang ang nakabantay sa may tarangkahan—nakasuot ang mga ito ng kasuotang pandigma. Matutulis ang kanilang tainga habang mahaba ang mga bigote na lumiliwanag kapag tatamaan ng liwanag mula sa buwan.

“Nais naming maka-usap ang inyong pinuno na si Avandro.” Humakbang si Raven para ipakita sa mga ito ang dalawang diyamanteng susi.

Pinakatitigan ito ng dalawang bantay at saka tumango nang makomperma na tunay ang mga ito na nanggaling sa dalawang bantay ng susi na si Gurodo at Inang Puno. Ang tango ng mga ito ang hudyat upang ipasok na ni Raven ang dalawang susi sa tarangkahan.

Nang ipasok na ni Raven ang dalawang susi ay unti-unting bumukas ang tarangkahan at silang apat ay pumasok.

Papasok na sana sila sa bukana ng pinto nang may isang babaeng nilalang na mahaba ang puting buhok nito ang humarang sa kanila. Puti ang kilay nito na mahaba at ang kasuotan nito. Mukhang alagad ito ni Avandro.

“Sino ang inyong hanap? Kung si Ginoong Avandro ang inyong sadya ay ikinalulungkot kong sabihin sa inyo na hindi niya kayo mahaharap sa mga oras na ito,” sabi nitio sabay yuko nito ng ulo.

Kumunot ang noo nilang apat. Hindi nila alam kung bakit nasabi ng alagad ni Avandro iyon. Humakbang si Jing at lumapit sa babaeng nilalang na nakasuot ng puting kasuotan.

“Anong ibig mong sabihin? Hindi ba namin siya pwedeng maka-usap man lamang? Sabihin mong pinadala kami ni haring Blackerous para siya ay kauspain tungkol sa sumpa ni Lobonia at sa propesiya,” ani Jing.

Umiling ang babaeng nilalang habang hilam na ang mga mata sa pag-iyak. “Hindi na ninyo siya makaka-usap dahil hawak na siya ni Lobonia. Matagal na siyang nakuha ni Lobonia rito sa kaharian noong isang araw pa. Binantaan kaming hindi namin sa inyo sasabihin o humingi ng tulong. Hintayin namin kayo rito saka namin sasabihin sa inyo ang totoo, hihintayin ni Lobionia si raven girl sa kaharian nito. Iyon ang sabi ni Lobonia sa amin, kapalit ang buihay ni Avandro at ng buong nilalang ng kahariang Blackerous.”

Napakuyom ang kamay ni Raven nang marinig ang sinabi ng babaeng nilalang. Maging sila Higante at Itima ay makikitaan ng galit at inis sa kanilang mga mata habang nalilitid ang kanilang mga ugat. Samantala si Jing ay huminga ng malalim at pilit na kinakalma ang sarili.

Mukhang gagawa at gagawa ng paraan si Lobonia para siya ang sumugod sa kaharian nito. Pero bago siya sumugod sa kaharian nito ay maging handa siya sa kung anomang masamang balak sa kanya ni Lobonia.

“Halina kayo. . . bumalik tayo sa kahariang Balckerous at ibalita sa mahal na hari ang tungkol kay Avandro. Hindi natin siya pwedeng pabayaan sa kaharian ni Lobonia,” anyaya niya sa mga kasama. Bumaling siya sa babaeng nillang at hinawakan ang kamay nito. “Huwag kayong mag-alala. Magiging ligtas ang Ginoong Avandro ninyo. Ibabalik namin siyang buhay sa inyong tahanan.”

Tumango ito at kumislap ang mga matang tumitig kay Jing. Nabuhayan ng pag-asa ang mga mata nito na kanina ay puno ng lungkot at kawalan ng pag-asa. “Maraming salamat. . . umaasa kami sa inyo. Kung kakailanganin ninyo ng tulong ay handa kaming tumulong sa inyo.”

“Maraming salamat.”

Humakbang na siya palabas ng tarangkahan. Sumunod naman sa kanya ang tatlong kaibigan.

“Hindi pwedeng isuko mo ang sarili mo kay Lobonia, Jing. Alam mong madumi siyang magklaro, isa siyang tuso. Hindi mo alam ang maari niyang pinaplano laban sa iyo.”

Tumigil sa paglalakad niya si Jing at hinarap si Raven.

“Tama si Raven, mahal na prinsesa. Kailangan nating pagplanuhan ang lahat ng maaring gawing hakbang ni Lobonia,” sang-ayon naman ni Itima kay Raven.

“Sa ngayon ay bumalik na muna tayo sa kahariang Blackerous at hintayin natin kung ano ang magiging pasya ni haring Blackerous. Lalo na at sa makalawa na ang takdang paglusob ni Lobonia sa kahariang Blackerous— sa kabilugan ng buwan,” naging dugtong naman ni Higante.

Huminga si Jing nang malalim. Naiintindihan niya na ayaw lang siya mapahamak ng mga ito. Pero ayaw niyang mangyari ang kanyang nasaksihan kanina sa pagsubok ni Inang Puno.

Ayaw niyang malagay sa panganib ang buhay ng mga kaibigan niya at ng kanyang mahal na haring si Blackerous at ang mahal na reyna ng mga uwak na si Rossia, maging ang mga nilalang na nasa ilalim ng sumpa ni Lobonia at ang buong kaharian ng Blackerous.

“Sige, hintayin na lamang natin ang magiging pasya ng mahal na haring Blackerous.”

Pero alam niyang nagsisinungaling lamang siya sa mga ito.

. . .

#TRG

Ate Sari, <3

The Raven GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon