Chapter 20

762 19 0
                                    

Chapter 20

TAHIMIK LAMANG si Jing habang hinihintay niyang magsalita ang Mama Rossy niya. Hindi niya alam kung ano ang itatawag dito. Lalo na’t pakiramdam niya’y hindi na niya ito kilala. Pakiramdam niya’y iba na ang tauhan nito. Sino ba talaga ito? Ano ba ang lihim nitong tinatago sa kanya? Ano pa ba ang hindi niya alam tungkol dito at sa pagkatao niya?

“Anak. . . alam kong galit ka sa akin ngayon at nasaktan kita dahil naglihim ako sa iyo. Pero sana pakinggan mo muna ako? Huwag kang mag-alala. . . sasabihin ko sa iyo ang lahat. Mula sa simula at kung bakit tayong lahat humantong dito.”

Nanatili siyang tahimik. Ayaw niya munang magsalita. Hahayaan na muna niya itong magkwento at kanyang papakinggan. Gusto niyang malaman ang lahat nang hindi siya magmukhang tanga na walang kaalam-alam sa lahat ng mga nangyayari.

“Ilang dekada ang nakakaraan. . . noon ang kahariang Blackerous ay tahimik lamang at sobrang ganda. . . nang magbago ang lahat ng iyon dahil sa isang pagkakamali. . .”

“SINABI KO NAMAN sa iyo Rossia, ako talaga ang mananalo sa darating na kapistahan sa kaharian ng Blackerous,” may himig na pagkayabang sa boses ni Blackerous. “Kaya bilang prinsesa ng mga uwak ay maghanda na kayo sa paligsahan na gaganapin. Sana ay malampasan niyo ang mga lobo,” dugtong na wika pa nito.

Napangiti na lamang si Rossia at hindi na tumutol pa sa pagmamayabang na iyon ni Blackerous. Totoo naman kasi ang sinasabi nito, wala pa kasi ang nakakatalo sa lalaki sa tuwing paligsahan. Palagi itong nanalo, kahit si Lobonia na kasintahan nito ay wala ritong panama. Siya pa kaya?

“Ikaw ba naman? Hindi ka magiging prinsepe ng kahariang Blackerous kung matatalo ka rin lang naman,” sang-ayon niya pa rito.

Hindi maiaalis ang kayabangan sa dugo ni Blackerous. Kahit ang mga magulang nito’y may kayabangan ding tinataglay. Namatay na ang mga ito ilang dekada na ang nakakaraan kung kaya’t ito na ang namamalakad ng kaharian. Siya naman ay namatay ang mga magulang dahil sa tapos na ang panunungkulan ng mga ito bilang nilalang na uwak. Ganoon ang nangyayari sa kanilang mga nilalang kapag tapos na ang tungkulin ay unti-unti silang nanghihina hanggang sa tuluyan nang kunin ng Poong Naglalang sa kanila. Kaya’t siya ngayon ang namumuno sa mga grupo ng uwak kung saan ang kanyang lahi.

Si Blackerous naman ay ang siyang prinsepe ng kahariang Blackerous— kung saan ay siyang namumuno sa lahat ng lahi na nasasakupan ng kaharian nito. Kabilang na siya roon, ang lahi nila Lobonia na mga lobo, ang mga lahi ni Gurodo na mga labuyo, ang mga lahi ni Inang Puno na mga kamatayan at ang mga iba’t iba pang mga nilalang na naroroon sa buong kaharian ng Blackerous.

Kaya’t kinatatakutan si Blackerous ng lahat dahil ito ay prinsepe ng buong nilalang at ito ay makapangyarihan. Dahil sa pamumuno nito’y nagkasundo na ang lahat ng nilalang na narooon at naging magkaibigan sa isa’t isa.

“Ano na naman kaya ang paligsahan na pakulo ni Ulang Imoy at ni Avandro? Hindi na ako makapaghintay sa darating na paligsahan,” biglang usal ni Blackerous sa kanya na siyang nagpabalik sa naglakbay niyang diwa.

Nasa terasa sila ng palasyo at nakatanaw sa mga nilalang na nasa ibaba na abala na sa paghahanda para sa darating na piyesta ng mga nilalang sa kabilugan ng buwan. Madilim ang kanolang kaharian; ang buong paligid ng kanilang mundo. Hindi umaaraw sa kanila; tanging gabi lamang.

Sasagot na sana siya sa sinabi ni Blackerous nang biglang mapukaw ang kanilang atnesyon na dalawa nang biglang nagsalita si Raven sa kanilang likuran— ang pinuno ng mga mandirigma ng kahariang Blackerous na nasa batang edad pa lamang. Bukod sa magaling itong makipaglaban ay magaling din itong humawak ng espada. Hindi lang din iyon. . . may kakaiba rin itong kapangyarihan na tinataglay. Ito ay ang pinagkakatiwalaan na mandirigma ni Blackerous sa kaharian.

The Raven GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon