Prologue

6.8K 153 16
                                    

Prologue

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prologue

"Jing!" tawag ng isang babae kay Jing nang makarating ito sa loob ng room. Nakita nito si Jing na busy sa kababasa ng librong hawak nito.

Tumaas ang kilay ni Jing saka tiniklop ang binabasang libro. Tamad nitong binalingan ang kaibigang tumawag sa pangalan niya.

Huminga siya nang malalim saka tinanong ang huli. "Ano ang kailangan mo, Magenta?"

Umupo ito sa upuang nasa harapan niya saka seryoso siyang tinapunan ng tingin. "Pinapatawag ka ni Mrs. Luz, mukhang may iuutos ulit sa iyo."

Napairap siya sa hangin. "Asual, ako na naman ang nakitang utusan. Hayst, isturbo. Tinatapos ko pa ang librong 'to!"

Inayos na niya ang mga gamit niya saka tinapik sa balikat ang kaibigang si Magenta. "Sige, Mage. Hintayin mo na lamang ako sa next class."

Tumango naman si Magenta saka siya nginitian.

"DALHIN MO ITONG lahat ng files sa faculty room doon sa 4th floor. Ilagay mo sa mesa ko. Kuha mo, Jing?"

Tumango si Jing sa utos ni Mrs. Luz. "Good," sabi ni Mrs. Luz saka siya tinapik sa balikat.

Kinuha na niya ang isang tambak na files saka umakyat na paountang 4th floor. Kung bakit ba naman kasi sa 4th floor pa ang faculty room ni Mrs. Luz.

Ilang minuto ang lumipas nang marating na rin niya ang 4th floor. Hingal na hingal pa siyang napahinto sa harap ng pinto ng faculty room. Inilapag niya muna ang files sa sahig para mabuksan ang pinto.

Pagkabukas niya ng pinto ay ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang hindi mga papel, upuan, at mesa nv sumalubong sa kanya.

Hindi isang faculty room ang sumalubong sa kanya kundi isang napakadilim at puno ng mga itim na uwak.

"What the hell," wika niya.

Napaatras siya palayo sa isang lugar na puno ng kadiliman. Pinapaligiran ang isang palasyong puno ng uwak sa paligid. Ang mga puno ay nangigitim rin at wala ng mga dahon. Isang patay na puno, ang puno ng kamatayan.

Pinapaligiran ng isang itim na usok ang paligid. Rinig na rinig niya ang mga ungol ng isang taong parang mula sa isang malalim na hukay. Bigla siyang kinilabutan sa narinig.

Mayamaya rinig na rinig niya ang mga yapak. Yumanig ang buong paligid, nabiyak ang lupa at nag-ingayan ang mga uwak sa himpapawid.

May isang itim na usok ang tumama sa kanya dahilan para makaramdam siya ng hilo. May bumangon na kakaibang lakas sa kanyang buong katawan. Tumayo siyang umaapoy ang kanyang dalawang kamay, habang pumapalit sa isang armor ang suot niya.

Para siyang isang uwak na nag-anyong tao lang. Mayamaya nakarinig ulit siya ng isang malakas na ungol. Naging handa siya sa usok na papunta sa direksyon niya. Sinira niya ito sa pamamagitan ng apoy na mula sa kamay niya.

"Bwiset na higante!" bulong niya sabay tingin sa isang higanteng papalapit sa kanya.

Kung ano man ang rason kung paano siya napunta sa lugar na ito, hindi niya alam. Basta ang mga naisip niya sa oras na ito, kailangan niyang iligtas at ibalik sa dating ganda ang palasyong pinapailaliman ng itim na kapangyarihan.

At sigurado siyang iyon ang misyon niya sa mga oras na ito.

© All Rights Reserved 2019

The Raven Girl

Genre: Fantasy
Written by stoutnovelist

Book cover made by an awesome cover maker: pencoloredman

The Raven GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon