Chapter 30

655 21 0
                                    

Chapter 30

MATAPOS NILANG IKWENTO ang lahat kay haring Blackerous ay nanatili itong tahimik. Wala silang kahit isang salita na narinig mula rito. Hindi nila mawari kung ano ang nasa isip ng mahal na hari. Tila ba inaanalisa nito at inaabsorb ang lahat ng narinig nito mula sa kanila.

Bumuntong hininga si Jing. Alam niyang maapektuhan ang ama niya sa pangyayaring ito. Maging sila ay naapektuhan din sa balita nilang natanggap sa babaeng alagad ni Avandro kanina.

Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng galit kay Lobonia. Hindi ito patas kung lumaban. Ginagamit nito ang mga nilalang ng kahariang Blackerous upang sila ay matalo. Wala na silang magagawa pa roon kundi ang tanggapin na lamang ang lahat.

Ngunit kahit na ano pa ang mangyari ay kailangan niyang gawin ang plano niya. Hindi niya hahayaang marami pa ang madamay sa gulong ito. Siya lang din naman ang kailangan ni Lobonia kaya't ibibigay niya ang gusto sa babaeng lobo na iyon.

Nabalik ang atensyon niya kay Raven nang maramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang kamay. Pinisil nito iyon, tila ba nagsasabi na hindi siya nag-iisa at malalampasan nila ang lahat ng ito.

Ngumiti siya sa lalaki. Sa mahabang araw at tinagal-tagal nilang magkasamang apat ay hindi niya napigilan ang puso niyang mahulog sa lalaki.

Hinahangaan niya si Raven dahil sa sobrang tapang nito at may paninindigan. Noong una pa lang niya itong nakilala— noong nagpakilala itong prinsepe sa kanya— nahulog na agad ang loob niya rito. Humanga siya't umibig. Hindi niya maipaliwanag ang pangyayari pero ganoon na ang lahat.

Hindi man lang niya iyon napansin sa mga nagdaang araw dahil sa labanan na kanilang kailangang harapin. Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa. Makakamit din nila ang kalayaang hinahangad. Nalapit na iyon sa hinuha niya at gagawin niya ang lahat mawala lang ang sumpang pinatong ni Lobonia sa kahariang Blackerous.

Nabaling ang kanilang atensyon ni Raven nang marinig nilang nagsalita ang mahal na hari. Mukhang nakaisip na ito ng paraan kung paano nila kahaharapin si Lobonia.

“Ipunin niyo ang lahat ng mga nilalang na isinumpa at sanayin kung paano atakehin ang mga kalaban. Kailangan natin ang tulong nila Gurodo, Ulang Imoy, Beberno at Inang Puno, maging ang mga alagad ni Avandro ay tawagin ninyo. Kakailanganin natin sila sa labanang magaganap sa kabilugan ng buwan. Maging handa kayo sa darating na araw na iyon. Hindi ito simpleng labanan lamang. . . plano na ni Lobonia tayong patayin lahat sa araw na iyon. Dahil sa poot at galit niya sa akin. Haharapin ko kayong mamaya kapag andito na kayong lahat.”

Tumango silang apat at maging si Rossia at ang mga uwak na nandoon.

“Masusunod po mahal na hari,” wika ni Sugo sabay lipad nito palabas ng palasyo.

Naiwan silang nagtitigan at humakbang na palabas.

Dalawang araw na lamang at darating na ang kanilang kinatatakutan. Pero kailangan nila iyong harapin lahat.

“Jing. . . kailangan na nating maghanda lahat. Sasanayin kita, kailangan ko pang palabasin ang kapangyarihan mo,” tawag pansin sa kanya ni Raven nang makalabas na sila ng tore.

Nakita ni Jing na napatingin sa kanyang gawi ang kanyang Mama Rossia. Ngiting-ngiti na para bang nanunukso sa kanya.

Napatingin din siya kina Higante at Itima at ganoon din ang mga ngiti nitong ipinupukol sa kanya. Napairap siya sa hangin, puro panunukso ang tingin ng mga ito.

Pagkabaling niya ng tingin kay Raven ay ganoon din ito. Nakangiti habang naaaliw itong nakatitig sa kanya. Hindi niya maiwasang mapamura.

“Hindi ko na kailangang sumanay. . . magsasanay tayong lahat,” pinal niyang sabi na siyang ikinahalakhak ng mga ito.

Inis na inis siyang bumaba ng hagdan na may mumunting ngiti sa kanyang mga labi.

"NAKIKITA MO ANG KANILANG ginagawa, Avandro? Nagsasanay sila! Haha! Para silang mga daga na takot kalmutin ng isang pusa. Napupuno na ng takot ang kanilang mga puso na siyang magdadala sa kanila sa kapahamakan. Hindi nila ako kakayanin, hindi nila kakayanin ang mga alagad kong inihanda ko sa mahabang panahon para sila ay pabagsakin at lalong-lalo na iyang Raven Girl.”

Nakatingin si Lobonia sa mahiwaga nitong balon habang kausap si Avandro na nakakulong pa rin.

Mataman na nagmamasid ang nilalang sa kay Lobonia. Ayaw niyang sabihin dito ang pangitain niya isang gabi. Namatay ito sa pamamagitan ng isang espada na itinarak sa noo nito. Ngunit hindi niya nakita kung sino ang may gawa no'n sa babaeng lobo.

Hindi niya nasisigurado kung si Raven iyon o ang mahal na prinsesa.

Hindi pwedeng mag-iba ang propesiya, labing-walong taon na ang nakakaraan.

Ang nakasaad sa propesiya ay isang babaeng sanggol ang isisilang. May dugong kadiliman at dugong uwak na siyang bunga ng kataksilan ni Rossia sa magkasintahang si Blackerous at Lobonia. Isang sumpa ang papasanin ng mga nilalang sa buong Blackerous at ang maging ng hari. Ang iba ay nakaligtas tulad nila Raven, Itima, Gurodo, Ulang Imoy, Inang Puno at siya. Ngunit ang itinakdang puputol sa sumpa ay nasa mundo ng mga tao. Iyon ay ang Raven Girl na anak nila Blackerous at Rossia— may kakayahan itong talunin si Lobonia at putulin ang sumpa. Hindi sa klase ng pagpatay nito kay Lobonia kundi sa pag-aalay nito ng sarili. Upang makamtan ang kalayaan ay isang buhay ang kapalit. Iyon ang hindi alam ng lahat. Ang tunay na sakripisyo ng isang Raven Girl. Ngunit ano ang ibig sabihin ng nakita niyang pangitain isang gabi? Hindi pwedeng mag-iba ang propesiya.

Nabalik ang kanyang atensyon sa kasalukuyan nang marinig niya ang paglangitngit ng pinto ng silid ni Lobonia.

Pumasok si Agilano na taglay ang pagiging Agila nito. Mukhang pinatawag ito ni Lobonia para sa isang gawain. Maging sina  Panikilya, Espadana at Ahas ay sumunod sa likod ni Agilano.

Hindi pwede ang nasa isip niya. Mukhang gagawa na ng hakbang si Lobonia para lusubin ang kahariang Blackerous. Hindi na ng babaeng lobo hihintayin ang kabilugan ng buwan!

Hindi ito ang nakasaad sa propesiya! Ano ang nangyari at biglang hindi na naayon ang lahat sa nakasulat?

“Maghasik na kayo ng lagim bukas sa kahariang Blackerous. Hindi na natin hintayin ang kabilugan ng buwan! Kailangan na natin silang maubos bago sumapit ang itinakdang araw.” Narinig niyang utos ni Lobonia sa mga alagad nito.

Kung may magagawa lamang siya'y gagawin niya. Ngunit kahit anong gawin niya'y hindi siya makakatakas sa kulungang ito. Hindi siya maaring manood na lamang sa pangyayari. Ngunit ano ang gagawin niya?

Tuluyan nang lumaylay ang kanyang balikat. Nawalan na siya ng pag-asa. Pero hindi. . . dabil matatalo si Lobonia. At iyon ang hindi niya sasabihin sa babaeng lobo bago pa nito ibago ang plano. Kung iyon lamang ang tanging paraan para magtagumpay ang kahariang Blackerous ay gagawin niya.

Sana nga ay magtagumpay sila. Naisa tinig niya sa kanyang isip.

. . .

#TRG

Ate Sari, <3

The Raven GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon