Chapter 24

671 20 0
                                    

Chapter 24

HINDI MAPIGILAN ni Jing ang mapahinga nang malalim nang makomoperma niya ang katotohanan kina Raven at Itima. Sinabi sa kanya ni Raven ang lahat. Inutos lang daw sila ng mahal na haring si Blackerous na hanapin siya sa mundo ng mga tao at sunduin. Para mapadali ang lahat at hindi mabunyag  na anak siya ng haring Blackerous at ang Mama Rossia niya ay isang reyna ng mga uwak. Kaya’t sinabi ng mga ito na siya ang pinili para iligtas ang buong kaharian ng Blackerous kung saan ay siya naman talaga ang magliligtas. Ayon lang ay sa ibang paraan at kasinungalingan ang mga sinabi nito sa kanya noong una.

Pero tatanggapin na lamang niya ang lahat ng iyon dahil wala na siyang magagawa pa. nangyari na ang nangyari. Sa ngayon ay kailangan na nilang maghanda para sa kanilang pagpunta sa kagubatan ni Inang Puno at harapin ang pagsubok nito kapalit ang diyamanteng susi na isa sa magbubukas sa tarangkahan ng tahanan ni Avandro.

Kasalukuyan silang nag-aayos ng kanilang damit. Si Itima ay hindi na kailangan pang magdamit dahil sa anyo nito na puno ng balahibo ang buo niyang katawan.

Si Higante naman ay hindi na kailangan pa dahil mabato naman ang katawan nito.  Pinasuotan lang ito ng mga uwak ng mga balahibo ng na hinabi ng mga ito.

Samantalang si Raven ay nakasuot ng mandirigmang kasuotan. Sunod sa katawan nito ang damit na gawa ng kapangyarihan ng mga mangagawa ng kanilang kasuotan. Hinabihan din iyon ng kaunting balahibo banda sa balikat nito at sa baywang. Habang ang sapatos nito na hanggang tuhod ang taas ay gawa sa balat ng hayop. Kung saan ay nakikita bnaman niya sa mundo ng mga tao.

Akala niya ay hindi marunong ang mga nilalang no’n gumawa pero nagkakamali pala siya. Mas magaling pa ang mga itong tumabas at manahi. Siya naman ay hindi na kailangan dahil ang mismong kapangyarihan niya ang nagbibigay sa kanya ng kasuotan. Isinuot na niya ang kanyang helmet na hango sa pakpak ng uwak.

“Ayon kay haring Blackerous hindi madali ang pagsubok ni Inang Puno. Mas mahirap ito kaysa sa pagsubok na ibinigay sa atin ni Gurodo. Kaya kailangan nating maging matatag at maging alerto,” paalala ni Raven sa kanilang lahat.

“Malalampasan natin itong lahat. Gagawin natin ang lahat para sa kaligtasan ng mga nilalang at ng kahariang Blackerous,” sabi naman niya.

Napatingin sa kanya si Raven at tumaas ng kaunti ang gilid ng labi nito. Hindi niya alam kung anong klase ng ngising iyon para tumibok ng malakas ang puso niya na kailangan niyang huminga nang malalim para maging normal ang hininga niya. Bakit yata mas gumugwapo sa paningin niya ang lalaki?

Pinilig niya ang ulo saka umiwas ng tingin sa mga itim na mata ni Raven. Ang klase ng titig nito sa kanya ay kakaiba. At hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin no’n. Tumalikod na siya at nagsimula nang lumakad papalabas ng silid na kanilang kinaroroonan.

“Hali na kayo. . . oras na para pumunta sa tahanan ni Inang Puno.”

Sumunod naman ang mga kasama niya palabas ng silid. Wala dapat silang sasayangin na oras lalo na at nalalapit na ang araw na itinakda sa paglusob ni Lobonia.

. . .

#TRG

Ate Sari, <3

The Raven GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon