Chapter 32

593 18 0
                                    

Chapter 32

NAPATINGIN SI JING SA PALIGID. Abala ang mga nilalang sa pag-eensayo para sa labanang magaganap sa kabilugan ng buwan. Hindi na niya inabala pang maka-usap sila Raven. May nabuo nang plano sa isipan niya simula noong malaman niya ang pagkakahuli ni Lobonia kay Avandro. Hindi niya hahaayaang manganib na naman ang isang buhay nang dahil sa kanya.

Kung ang tanging paraan lamang ay ang pagharap niya kay Lobonia ay gagawin niya. Hindi na niya ito papatagalin pa. Ngunit kailangan niyang gumawa ng hakbang. Pero kakailanganin niya ang tulong ng isang nilalang papunta sa kaharian ni Lobonia.

Naramdaman niya ang pagyakap ng bisig sa kanya mula sa kanyang likuran. Ang init na nagmumula sa katawan nito’y alam niyang si Raven iyon. Kailangan niyang gumawa ng paraan kung paano siya makakaalis sa kaharian ng Blackerous na hindi mapapansin ang kanyang balak ng kahit sinong nilalang ang naroroon.

“Ang lalim ng iniisip mo. . . iniisip mo ba ang mangyayari sa kabilugan ng buwan?” tanong nito sabay halik sa kanyang ulo.

Napapikit siya sa sensasyong naramdaman. Mahal na mahal niya ang lalaking ito. At ayaw niyang mamatay ito sa harapan niya. Uunahan na niya si Lobonia sa masamang balak nito sa buong kaharian ng Blackerous.

“Nag-aalala ako para sa lahat, Raven. Sana ay mapagtagumapayan kong matalo si Lobonia. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari pero inaasam ko na mananalo tayo.”

“Mananalo tayo, Jing. Iyon ang nakasulat sa propesiya at hindi iyon magbabago. Kaya nga takot na takot si Lobonia na labanahln ka at gusto ka niyang papatayin sa mga algad niya para hindi mo siya mapatay,” sabi nito na para bang pinapalakas nito ang loob niya.

Pero kahit na sabihin iyon sa kanya ni Raven ay hindi pa rin maalis-alis ang kaba at takot sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung matatalo nga niya si Lobonia lalo na at malakas ito. Lalo pa’t ang isa sa alagad nitong si Spadana ay nahirapan siyang kalabanin. Paano na lamang ang iba pang mga kasamahan nito at si Lobonia? Maililigtas nga niya kaya ang lahat ng nilalang at ang kahariang Blackerous sa sumpa?

“Salamat sa pagpapalakas ng loob ko, Raven,” tanging nasabi niya at nagpatuloy na sila sa pagmmasid sa mga nilalang na naroroon na abala sa pag-eensayo.

Mamaya ay hahanap siya ng paraan kung paano makakatakas sa mga mata ni Raven at ng iba pang naroroon. Sa ngayon ay kailangan niya munang aliwin ang mga ito. Tumatakbo ang oras at kailangan na niyang kumilos bago pa mahuli ang lahat.

NAKATUNGHAY ang mahal na hari sa buong paligid ng kaharian. Gusto niyang maluha sa mga nangyayari; kung hindi lang sana nangyari ang kasalanang nagawa nila ni Rossia noon ay sana tahimik at payapa ang kahrian at ng maging mga nilalang. Ngunit, naging isang sumpa ang nangyari. At ito ang hindi nila matatakasan ang itinakdang panahon para sa paghaharap ng nagsumpa at ng tagapagligtas na si Raven Girl.

Naramdaman niya ang prisensya ni Rossia sa kanyang likuran. Kahit hindi niya ito lingunin ay kialala niya ang babae.

Napatawad na rin niya ito, at alam niyang nangyari na ang dapat na mangyari. Alam niyang nagawa lang iyon ni Rossia ang lahat dahil sa pagmamahal nito sa kanya at sa inggit at selos kay Lobonia.

Iyon ang pilit niyang pinapaliwanag kay Lobonia noon ngunit hindi sa kanya nakinig ang babaeng lobo.

Hanggang ngayon ay si Lobonia pa rin ang laman ng puso niya, at alam iyon ni Rossia. Pero hindi naman siya masamang ama na tatalikuran ang responsibilidad niya kay Jing.

Kahit saan naman tingnan ay anak niya pa rin si Jing kahit na bunga ito ng kataksilan.

Hindi niya dapat iyon ipakita sa anak, kahit na hindi sila nagkatuluyan ni Lobonia.

Si jing naman ang naging magandang nangyari sa araw na iyon. At nahihinuhod niyang, pagkatapos ng labanan na ito’y babawi siya sa anak na kung saan siya nagkulang dito ng labing-walong taon na pangangalaga. Ang hiling niya’y sana ay makabawi siya rito.

“Alam kong hindi mo pa natatanggap ang buong pangyayari at hanggang ngayon ay mahal mo pa rin si Lobonia kahit na sinumpa ka na niya.” Narinig niyang wika ni Rossia.

Nanatili pa rin siyang nakatitig sa kawalan. “Hindi iyon mababago, Rossia, kahit ilang taon man o dekada ang lumipas. Mamahalin at patuloy ko na mamahalin si Lobonia,” naging sagot niya rito.

“Ngunit poot na ang nararamdaman para sa iyo ni Lobonia, Blackerous. Ako na lamang ang mahalin mo, tutal may anak naman tayong si Jing,” desperadang paki-usap nito sa kanya.

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman para kay Rossia; kung isa pang awa o pagdisgusto niya rito.

“Huwag mong gamitin ang anak natin na naging bunga ng kapangahasan mo, Rossia. Simula pa man noon, ay alam mo na tanging si Lobonia lamang ang babaeng minahal ko at mamahalin habang-buhay. At tanging kapatid lamang ang turing ko sa iyo at hindi na magbabago iyon.” Nilingon niya ito para makaharap. Hilam ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.

“Sana ay natutunan mo na ang naging bunga ng pagkakamali mo, Rossia. Na sana ikaw ang nagbabayad sa kasalanan mong ginawa ay ang anak pa natin ang magbubuwis ng buhay. Magbago ka na at hanapin ang sarili mo, Rossia.”

Tumalikod siya rito at muli siyang nagmasid sa buong paligid ng palasyo.

“Hindi ko hahayaang ang anak ko ang magbabayad sa kasalanan kong nagawa para lamang putulin ang sumpa at iligtas ang buong nilalang. Hindi ko hahayaang magtagumpay si Lobonia. At alam kong ganoon din ang gusto mo, Blackerous— ang mapatay ni Raven Girl si Lobonia.”

Hindi na siya nagsalita pa. Kaya’t lumabas na ito ng tore at naiwan siyang nag-iisa. Napapikit siya ng mariin. Pasensya ka na Lobonia, kung ang kamatayan mo lamang ang makakaayos ng lahat ay sana’y magtagumpay ang Raven Girl sa misyon niya.

Kahit labag sa kalooban niya at parang unti-unti siyang pinapatay dahil sa kalungkutang nararamadaman niya at pag-ibig para kay Lobonia. Pero isasakripisyo niya ang nararamdaman para sa babaeng lobo para sa kalayaan na ng kanyang kaharian at ng mga nilalang na umaasa sa kanila.

Miminsa’y hiling niya na sana matapos na ang lahat ng ito nang malagay na sa tahimik at payapa ang lahat. Nawa’y ang magiging resulta ng labanan ay para sa kapakanan ng lahat. Sana.

. . .

#TRG

Ate Sari, <3

The Raven GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon