Chapter 1

4.5K 102 6
                                    

Chapter 1

"Jing! Jing! Okay ka lang ba?"

Nagising si Jing dahil sa yugyog ng kanyang kaibigan na si Magenta. Bumangon siya mula sa kanyang kinahihigaan na kama. Napahilot siya sa kanyang sintido nang makaramdam ng kaunting kirot sa ulo.

Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng silid na kanyang kinaroroonan. Nasa clinic siya, kung ganoon, panaginip lang ang lahat ng nangyaring iyon sa kanya? Pero bakit tila totoo ang lahat?

"Mage, ilang araw na akong tulog?"

"Gaga! Anong ilang araw? Isang oras ka lang tulog. Natagpuan ka ni Mrs. Flores doon sa 4th floor na walang malay. Ano bang nangyari sa iyo?"

Kumunot ang kanyang noo. Bakit sa mundong iyon isang linggo na siyang nandoon? Pero bakit sa mundong ito'y isang oras lang?

Totoo ba talagang nakapunta siya sa palasyong iyon?

"Sige at magpahinga ka muna, Jing. Bibilhan lang kita ng makakain."

Hinayaan na niya si Magenta na makaalis. Nang wala na ito sa kanyang paningin ay napahinga siya nang malalim.

Napatitig siya sa kaniyang dalawang kamay. Sinubukan niyang muling ilabas ang itim na usok at apoy mula roon. Pero walang lumabas na kahit na anong apoy nang tulad sa panaginip niya.

Nakaramdam na naman siya ng pananakit sa kaniyang ulo. Sinubukan niyang imulat ang mga mata pero hindi niya na napigilan pa ang pagpikit ng mga 'yon. Sa pagdaan ng minuto'y muli na naman siyang napanawan ng kanyang ulirat.

NAGISING si Jing sa lugar kung saan siya napunta noong sa panaginip niya. Naroon na naman siya nakamasid sa palasyong pinapalibutan ng itim na usok at ng mga uwak. Ayon sa higanteng nakausap niya, isinumpa ang kahariang iyon ng isang mangkukulam. Ang mga tao ay ginawang uwak, dahil iyon sa kasamaan ng kanilang Prinsipe na naiwang namumuno sa buong palasyo. Ayon din sa kwento ng higante, isang napakalaking uwak ang Prinsipe at minsan lamang ito lumalabas ng palasyo. Matatagpuan ang nasabing Prinsipe sa pinakatuktok ng palasyong iyon.

Ilang dekada nang isinumpa ang palasyo't ilang dekada rin ang nakalilipas nang may isang babaeng napunta roon para piliing isang Raven Girl. Sa kasamaang palad, hindi iyon ang babaeng itinakda, hanggang sa siya ang sunod na napunta roon. Para malaman na niya na siya ang itinakdang makakapagligtas ng isinumpang palasyo ay kailangan niyang himukin at harapin ang tinutukoy na Prinsipe.

Kailangan niyang makipagbuno, kapag matalo niya ang prinsipe ay iisa ang ibig-sabihin no'n--- siya ang itinakdang matagal na nilang hinihintay--- ang makapagtatanggal ng sumpa. Pero kapag siya ay matalo ng Prinsipe, ang ibig-sabihin ay hindi siya ang itinakdang raven girl. Kapag mangyari iyo'y ibabalik siya sa kung saan siya galing na mundo at buburahin ang kaniyang memorya nang wala na siyang matandaan pa.

"Handa ka na ba?" tanong sa kaniya ni Higante. Nasa tabi niya ito at mistula siyang isang hinliliit ng kamay dahil sa laki nito.

Huminga siya nang malalim. "Anong handa?"

"Handa nang harapin siya."

Kumunot ang noo niya sa sinabing iyon ni Higante. "Kaya ako napunta rito ay para harapin na siya sa mga oras na ito?"

"Oo," walang pag-aatubiling sagot nito sa kanya.

"Hindi pa ako handa! Saka wala akong alam kung paano makipagbuno!" Kontra ni Jing habang sunud-sunod ang paglunok ng laway dahil sa kaba na nararamdaman.

Binitbit siya ni Higante at nilagay sa ibabaw ng palad ng kanang kamay nito. "Hindi mo na kailangan ang kaalaman sa pakikipagbuno, mahal na prinsesa. Gamitin mo lang ang iyong isip at kabusilakan ng iyong puso."

Napangiti siya sa sinabing iyon ni Higante. Humarap siya sa palasyo. Handa na siyang harapin ang Prinsipe. Kahit ano man ang mangyari. Kailangan niyang tapusin ang lahat ng ito.

The Raven GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon