Chapter 4

2.1K 67 1
                                    

Chapter 4

DINALA ni Jing ang lalaki sa rooftop ng isa nilang abandonadong building. Mga classroom na hindi na magagamit pa dahil sinira at winasak ng sunog dati.

Tumingin siya sa kalangitan at maraming uwak ang lumilipad sa himapapawid. Hindi niya alam kung siya lang ba ang nakakakita no’n, o ang maging mga tao ring nasa ibaba?

Malamig ang ihip ng hangin. Nakatayo ang lalaki sa kaniyang tabi habang seryoso ring nakatingala sa kalangitan. Binalingan niya ito saka kinunotan ng noo.

“Paano mo 'ko nakilala? Paano mo ako pinili? Ang daming pwede diyang maging raven mo, bakit ako pa? Hindi ba makikipagbuno pa ako sa iyo, para patunayan na ako talaga ang itinakda? E, bakit ngayo'y naririto ka?” sunud-sunod niyang tanong dito.

Tinitigan siya nito gamit ang itim na itim na mga mata. Nakakaumid ng dila ang taglay nitong kagwapuhan. Kung ganito lang din naman kagwapo ang magiging prinsipe niya, malamang ay hindi niya tatanggihan ang mga sinabi nito sa kaniya kanina. Pero iba ang sitwasyon, masyadong komplikado.

“Wala nang pakikipagbuno na magaganap. Pinili ka na ng mga uwak ko. Kayâ wala nang dapat na patunayan. Pinili ka nila, tapos ang usapan. . ."

Humalukipkip ito saka nagpatuloy sa pagsasalita, "Ikaw ang makakatulong sa akin. Pumunta ako rito sa mundo mo, para bantayan ka. Nais ko lang masiguro na hindi ka mapapahamak.”

Hindi niya alam pero agad siyang napangiti dahil sa sinabi nito. Kinikilig ba siya? Kung ganito lang din kaseryoso at katapang ang tagapagtanggol niya'y mas gugustuhin niya na lang yata ang mapahamak palagi, pero isa iyong kahibangan at wala siya sa pantasya.

“Anong marapat kong gawin? Hindi ako handa sa ganitong mundo. Hindi ko aakalain na may ganitong mundo. Baka nga ay nanaginip lang ako at kathang-isip ko lamang pala itong lahat.” Sinundan pa niya iyon ng munting tawa.

Narinig nito iyon kaya't binalingan siya saka tinitigan nang seryoso. Sunod nitong ginawa ay lumikha ng isang munting tunog sa hangin dahilan para umingay ang mga uwak na lumilipad sa himpapawid. Mabilis na lumikha ang mga ito ng isang napakalaking itim na usok sa ere dahilan para dumilim ang kalangitan.

“Anong ginagawa mo?” tanong niya, halo-halo ang naririnig at nararamdaman; mabilis ang tibok ng kanyang puso, pinagpapawisan nang malagkit habang sunud-sunod na napapalunok ng laway.

Hindi napigilan ni Jing ang gapangan ng kaba sa buo niyang katawan, kahit na handa na siya sa magiging kapalaran niya. Lumapit ang misteryosong lalaki sa kaniya at hinila siya sa kanyang kamay, sumunod ay nagpatihulog ito sa gusali kasama siya.

Sa gulat ni Jing ay hindi niya napigilan ang tumili nang malakas. Kumapit siya nang mahigpit sa balikat ng lalaki. Napapikit ng kaiyang mga mata para hintayin na lamang ang pagkabagsak nila sa lupa. Rinig na rinig niya ang napakalakas na tawa nito na sumasabay sa kabog ng kanyang puso.

“Open your eyes, Jing. Don’t be afraid, I am here.”

Hindi niya alam pero ang boses nito'y tila isang mahiwaga na musikang nagdala sa kanya nang kaginhawhan. Bigla na lamang siyang napahinga nang maayos. Kumalma ang tibok ng kaniyang puso at t unti-unting idinilat ang mga mata.

Pagkadilat niya’y sumalubong sa kaniya ang napakagandang sikat ng araw at ang mga bundok sa ibaba. Ang mga taong naglalakad at gumagawa ng kanilang mga gawain, parang mga munting langgam.

“Wow!” tanging nasambit niya dahil sa dala ng pagkamangha.

Lumilipad sila sa ere kasama ang itim na ulap. Napatingin siya sa prinsipe. Manghang-mangha siya sa itim na itim nitong pakpak na nakabuka sa likuran. Ito ang dumadala sa kaniya dahilan para lumutang sila sa ere.

“Anong pangalan mo?” wala sa loob niyang tanong dito.

Nakita niyang umigkas ang gilid ng mga labi nito. “I am sorry for being rude. Ako nga pala si Raven.”

Tumango siya saka mas napakapit sa lalaki nang sumalubong sa kanila ang isang napakalakas na hangin.

“Bakit ka sinumpa? Bakit kailangan mo ang tulong ko? Anong magagawa ko para sa iyo? Sino ang nagsumpa sa iyo? Bakit niya iyan ginawa?” sunud-sunod niyang tanong ulit sa lalaki.

Biglang sumeryoso ang mukha nito dahil sa mga tanong niyang iyon. Mukhang may natanong yata siyang hindi na dapat tinanong pa. Unti-unti silang bumalik sa rooftop saka dahan-dahan siya nitong binitiwan.

"Hindi pa oras para malaman mo, Jing. Kailangan pa kitang sanayin at ihanda para sa mga haharapin nating geyra sa mundo namin. Isa pa, hindi ka nananaginip lang, totoo ako. Totoo ang mga uwak. Totoo ka, totoog nandito ako sa harapan mo. Higit sa lahat, totoo ang kapangyarihan nasa katawan mo. Nanalaytay ito sa ugat mo, noong sa simula pa lamang.

Lumuhod siya saka napatitig sa dalawang kamay habang lumalabas doon ang itim na usok.

“P-paano ko ito gagamitin?”

Hinila siya nito patayo saka hinawakan ang kaniyang kamay. Itinuon nito iyon sa sirang pinto ng rooftop na dinaanan nila kanina. Tumama roon ang itim na usok sanhi para kumalas iyon sa pinagkakabitan at tuluyang naging abô pagkasayad sa lupa.

Napasinghap siya’t nanginig ang buong katawan dahil sa gulat.

“That is your power, Jing. Hindi lang iyan, marami ka pang matutuklasan. At iyon ang kailangan nating tuklasin dito sa mundo mo bago natin harapin ang nagsumpa sa akin.”

Napatingin siya sa sariling mga kamay. Wala nang usok na lumalabas mula roon. Tinitigan niya si Raven at ang mga uwak sa himapapawid. Hindi na niya kilala ang sarili. Pakiramdam niya’y ibang tao na siya. Ano ba talaga siya? Anong kinalaman niya sa mundo ni Raven? Bakit nangyayaring lahat ng mga ito sa kaniya?

“Sa ngayon, Jing. Kasama mo na ako sa buong araw mo. Magbabantay ako sa iyo sa mula rito, hanggang sa bahay mo. Sa ngayo'y kailangan ko na muna kitang lisanin, hanggang sa muli aking mahal na ravena.”

Bago pa siya makapagsalita ay agad na lumabas ang mga pakpak ni Raven, at mabilisang itong pumalit ng anyo bilang isang malaking itim na uwak. Lumipad ito at nanguna sa mga libong uwak na lumilipad.

Napahinga siya nang malalim nang makita niyang malayo na ang mga ito. Napatingin siya ulit sa kaniyang mga kamay saka kunot na kunot ang noong pinagmasdan ang mga 'yon. Inaasahan niya muling may lalabas na itim na usok mula roon. Pero walang ni isang nangyari.

Sino ba talaga siya? Anong mayroon sa kanya? Siya ba talaga si Jing Trinidad, pero paanong siya ang napiling the raven girl--- na magliligtas sa kaharian at prinsipeng isinumpa?

The Raven GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon