Chapter 22

768 25 0
                                    

Chapter 22

NAPATIGIL sila Raven sa paglalakad nang tumigil din ang dalawang Nuno na siyang nagtuturo sa kanila ng daan patungo sa tahanan ni Ulang Imoy. Kaunting oras na lamang at mawawalan na ng lakas si Higante. Kung magkataon ay mahihirapan silang buhatin ang kanilang kaibigan.

“Nandito na ba tayo? Bakit tayo tumigil?” naging tanong ni Beberno.

Nagkatinginan silang lahat at natuon ang mga mata nila sa dalawang Nuno. Nagwika ang isa. “Hanggang dito na lamang namin kayo maihahatid. Hindi na kami kailangang lumagpas. Pumasok lamang kayo sa isang lagusan na iyan na hinaharangan ng isang malaking bato upang inyong malaman kung ano ang pagsubok na inihanda ni Ulang Imoy para sa inyo.” Pagkatapos sabihin iyon ng Nuno ay bigla na lamang naglahong parang bula ang dalawa at naiwan na lamang silang lima.

“Mukhang hinihintay na tayo ni Ulang Imoy. Hali na kayo at pasukin na natin ang lagusan na iyan,” anyaya sa kanila ni Itima.

Agad naman silang kumilos at pinagtulungan nilang tulakin ang malaking bato na harang sa lagusan. Nang makuha na nila ay agad nilang pinasok ang madilim na lagusan. Pagkarating nila sa loob ay agad na lumiwanag ang buong kweba.

Nagsindihan ang mga maliliit na apoy sa isang bato.

Iginala ni Raven ang mga mata niya sa paligid upang hanapin si Ulang Imoy ngunit hindi niya ito nakita.

Napunta sila sa isa lamang na bulwagan na maliit. Wala na silang madaanan na lagusan. Mukhang hanggang doon na lamang ang katapusan ng kweba.

Biglang sumara ang malaking pinto dahilan upang wala na silang madaanan. Nakulong sila sa kung saan sila naroroon. Maliban sa mga bato ang kanilang nakikita at mga apoy na nakasindi ay wala na silang napapansin na kakaiba.

“Pinaglalaruan lamang tayo ni Ulang Imoy. . . maging handa kayo,” biglang anunsyo ni Beberno.

Naging alerto silang lima at hinihintay ang paglabas ni Ulang Imoy sa pinagtataguan nito.

Mayamaya’y may narinig silang malutong na tawang pumuo sa loob ng kweba. Hindi nila malaman kung saan nanggagaling ang boses dahil pumuno iyon sa buong sulok. Sigurado silang si Ulang Imoy iyon at mukhang tama nga si Beberno— pinaglalaruan nga sila ng matanda.

“Maligayang pagdating sa aking tahanan, mga alagad ni Blackerous. Ano ang inyong kailangan at kayo ay naparito?” ani ulit ng isang tnig ngunit hindi pa rin ito sa kanila nagpapakita.

“Naririto kami upang humingi sa iyo ng tulong. . . tulong na sana ay magamot mo ang aming kasama dahil kung hindi ay baka matuluyan na siya dahil sa kanyang malaking sugat na natamo,” naging sagot ni Raven habang nakatingala sa itaas ng kweba.

“Mukhang malala nga at masama ang kalagayan ng inyong kaibigan. Ngunit siya ay aking tutulungan lamang kung ang pagsubok na aking ibibigay sa inyo ay inyong malampasan at mapagtagumpayan.”

“Anong pagsubok ang ibibigay mo?” agarang tanong ni Itima rito.

“Ito ang aking pagsubok sa inyo. . . Saksakin mo Raven ang iyong kaibigang sugatan. Itima, ikaw naman ay kunin mo ang puso ni Higante. Beberno, ikaw ay gamitan mo ng iyong kapangyarihan ang kanyang sugat upang lumala. At Sugo, tukain mo siya hanggang siya’y madurog.”
Napasinghap ang lahat dahil sa narinig nilang pagsubok mula kay Ulang Imoy. Hindi nila maatim na magawa ang pagsubok na iyon— kung pagsubok pa nga ba iyon.

“Anong klaseng pagsubok ang ibinigay mo? Mukhang papatayin na namin ang aming sugatan nang kaibigan. Hindi ba pwedeng iba na lang?” tutol ni Raven.

Hindi niya matanggap ang pagsubok na iyon ni Ulang Imoy. May balak ba itong ipapatay sa kanila si Higante?

“Iyan ang aking pagsubok sa inyo. . . ang hindi kaya gawin ang aking pinapagawa ay maari nang umalis sa aking tahanan,” sabi ni Ulang Imoy sabay bukas ng lagusan. “Pero kung sino ang kayang gawin ang aking pagsubok ay manatili rito sa aking tahanan at gawin niya ang aking inuutos.”

The Raven GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon