Chapter 39

733 23 0
                                    

Chapter 39

TUMUNTONG sa labas ng kubo ni Lobonia si Blackerous para sana tawagin si Lobonia nang makita niya ang dalawang babae na naglalaban— sila Lobonia at Rossia!

Natigil lamang ang pagbubuno ng dalawa nang maramdaman ng mga ito ang presensya niya. Hindi lang din ang dalawa ang nararamdaman niyang enerhiya kundi may dalawa pa mula sa kanyang likuran. Pagkalingon niya'y nakita niya si Jing at Gurodo.

Tama nga ang pinadala sa kanya ni Gurodo na nandirito ang mag-ina sa kaharian ni Lobonia. At mukhang nahuli na siya ng dating dahil naglalaban na ang dalawang babae.

“Huh! Hindi ko aakalain na nandirito kayong tatlo. Ano ito? Kampihan lang? Pagkakaisahan niyo ako? Hindi ako makakapayag sa bagay na iyon,” akusa ni Lobonia habang pagak na tumatawa.

Papalit-palit ang tingin nito sa kanilang tatlo.

Samantala si Gurodo ay lihim na nagpunta sa likod ng kibo upang hanapin si Avandro. Napamura siya nang malutong nang makita ang hinahanap sa loob ng kubo. Nakakulong ang lalaki sa isang kulungan at walang malay.

Sasamantalahin niya ang pagkakataon na abala si Lobonia sa pakikipag-usap kina Rossia nang sa ganoon ay mailigtas niya si Avandro.

Dahan-dahan siyang pumasok sa loob sa likuran sa may bintana para makalapit sa kulungan ni Avandro.

Pikit-mata niyang dinagit ang kulungan ni Avandro at nilipad ito sa himpapawid. Rinig pa niya ang malakas na sigaw ni Lobonia na parang napigilan naman ni Rossia.

Dadalhin niya si Avandro sa tahanan nito at pagkatapos ay pupunta siya kahariang Blackerous upang tumulong sa labanang nagaganap doon.

Sa gitna ng kanyang paglipad ay nagising si Avandro at agad siyang nakita nito. Halata ang gulat sa mukha nito pero hindi na ito nagtanong pa. Sa halip ay may sinabi ito sa kanya.

“Puntahan mo si Raven, Gurodo. Sabihin mong kailangam siya ng mahal na prinsesa. Silang dalawa ang kailangang magsanib upang maputol ang sumpa.ni Lobonia!”

Kumunot ang niya dahil sa sinabi nito. Hindi niya ito lubos na maintindihan.

“Ano'ng sinasabi mong kailangang magsanib?” usisa niya.

“Ang pag-ibig nila Raven at mahal na prinsesa ang makakatalo sa sumpa ni Lobonia,” diretsahang sabi nito.

Napatiim-bagang siya nang marinig ang sinabi nito. Parang pinana nang pagkalapit-lapit ang puso niya. Hindi naman masyadong masakit, pero ramdam na ramdam niya talaga ang sobrang sakit. Parang nilalakumos ang puso niya at pinapagpag sa ibabaw ng mesa para madurog.

Pero hindi niya dapat pairalin ang sariling kapakanan at ang kaligtasan ng puso. Mas importante ang kalayaan ng buong nilalang at ng kahariang Blackerous kaysa sa kanya. May panahon naman siyang kalimutan ang mahal na prinsesa.

“Paano naman si Lobonia? Akala ko ba ay ang tanging si Raven Girl lamang ang makakaputol sa sumpa? Paanong ang pag-ibig na nila ni Raven?” Hindi niya napigilan ang pagdidiin sa salitang 'pag-ibig'. Mabuti na lamang at hindi iyon napansin ni Avandro.

“Hindi ko alam, pero biglang nag-iba na ang propesiya. Ang hinuha ko'y dahil iyon sa pag-iibigan ng dalawa, at nakikita kong iyon din ang makakaputol sa sumpa ni Lobonia sa buong kaharian. Kailangan lang nilang pagsamahin ang kanilang kapangyarihan at pasabugin ito sa himpapawid,” sagot nito.

Kumunot ang kanyang noo. “Ngunit paano si Lobonia?”

“Iyan ang hindi ko alam. Basta nakita ko na may pumatay sa kanya. Ang sandatang ginamit ay espada.”

The Raven GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon