Chapter 38

622 16 0
                                    

Chapter 38

WALANG TIGIL sa pagbayo si Higante sa mga lobo na umaatake sa kanya. Tinutulungan niya ang mga uwak, labuyo at nuno sa pakikipaglaban. Marami na ang nalagas sa kanila at nagagalit siya. Marami na ang nadanak na dugo sa lupain ng kahariang Blackerous.

Bigla siyang napatigil sa pagsuntok sa isang lobo nang mapunta sa kanyang kinaroroonan si Ulang Imoy. Mukhang napuruhan ito ni Panikilya. Agad niyang binuhat ang matanda at dinala sa isang sulok.

“Diyan lang po kayo, Ulang Imoy. Ako na ang bahala sa kanyang makipaglaban. Kailangan mong mabawi ang lakas mo.”

Iniwan niya ito at hinarap si Panikilya. “Ako ang harapin mo, babaeng paniki!” sigaw niya rito na ikinatawa lang nito.

“Sige, mukhang mas maganda kang kalaban kaysa sa matandang iyan!” sabi nito sabay lipad nito sa himpapawid. Nagpaulan ito ng puting kapangyarihan na tumama sa kanyang katawan.

Hindi niya aakalaing tatablan siya ng kapangyarihan nito. Unti-unti niyang nararamdaman ang panghihina ng kanyang mga buto sa loob ng kanyang kalamnan. Nakalimutan niyang may isang tinatagong kapangyarihan ang babaeng paniki. Iyon ay kaya nitong pahinain ang tulad niya.

SUMADSAD SA LUPA si Raven nang tamaan siya ng puting kapangyarihan ni Agilano. Humalakhak ito at agad siyang kinalmot ng mahahaba nitong kuko sa paa. Ang paa nitong tulad sa agila. Napasigaw siya nang bumaon iyon sa kanyang braso.

Hindi pa ito nakuntento sa ginawa. Sinipa pa siya nito dahilan upang gumulong siya sa malayo. Kahit anong gawin niyang atake rito ay nagagawa nitong umiwas, dahil sa matalas na mga mata nitong taglay.

Unti-unti siyang bumangon mula sa kanyang pagkakalubog sa lupa. Natanaw niyang muling lumipad sa himpapawid si Agilano at rinig na rinig niya ang tawa nito. Bukod sa nanghihina siya ay hindi niya mapigilan ang mag-alala para kay Jing. Wala siyang ideya kung saan ang babaeng mahal niya pumunta.

Gumawa siya ng kanyang kapangyarihang itim at pinalipad kay Agilano. Hindi niya ito mapupunterya kung hindi niya papaganahin ang pakiramdam niya at maging ang talas din ng paningin niya. Kailangan niyang pag-aralan ang bawat galaw nito sa himpapawid. Kanina pa niya ito pinag-aaralan at nakukuha na niya ang bawat galaw nito sa tuwing aatake ito.

Ngumisi siya nang biglang humina ito sa paningin niya. Iyon ang pagkakataon niyang mapatamaan ito. Lumikha siya nang malaking itim na kapangyarihan at agad niyang pinalipad iyon papunta kay Agilano.

Bumagsak ito sa lupa nang mapuruhan niya. Agad siyang lumipad at tumungo sa kalaban. Inapakan niya ang pakpak nito at tinusok niya ng kanyang espada ang isa nitong pakpak na nasa kaliwa.

“Hindi mo kami maiisahan, Agilano,” sabi niya sabay sipa niya sa lalaking agila. Pero agad nitong nahawakan ang paa niya dahilan upang itapon siya nito. Agad niyang pinagana ang kakayahan  sa paglipad.

Napangisi siya nang hindi maigalaw ni Agilano ang dalawang pakpak nito. Ngayon ay malalamangan na niya si Agilano sa mga atake. Ngunit hindi dapat siya maging kampante dahil malakas pa rin ang lalaking agila kahit na hindi na nito magamit ang dalawang pakpak.

Lalo pa ngayon ay talagang napuruhan siya nito. Umaagos na ang kanyang dugo mula sa malalim niyang sugat na gawa ng mga kuko sa paan ni Agilano.

“Tapusin na natin ito, Raven.”

Talagang tatapusin na niya si Agilano dahil hahanapin pa niya si Jing pagkatapos dito.

HINDI NAPANSIN NI INANG PUNO ang mabilis na pagkilos ni Ahas dahilan upang maging bato ang isa niyang kamay.

Hindi niya inaasahan na maiisahan siya ng kanyang kalaban. Agad itong lumapit sa kanya para siya ay sakalin.

“Hindi ko aakalain na ganito kahina ang aking makakalaban,” wika nito sabay sa kanya balibag nito dahilan upang sumadsad siya sa lupa.

Napapansin na rin ni Inang Puno ang pagkatalo sa mga kasama niya. Pero ang mga ito'y hindi agad sumusuko. Lumalaban pa rin kahit na wala na silang lakas lahat. Kaya't hindi dapat siya agad sumuko. Lalaban siya kahit ikamatay pa niya. Maraming umaasa sa kanilang nilalang.

Tumayo siya mula sa lupa at muling hinarap si Ahas. Pinaliparan niya ito ng kanyang puting kapangyarihan, ngunit mabilis ang kilos nito dahil gumagapang lamang ito sa lupa.

Hindi niya inaasahan na mabilis itong nakalapit sa kanya at agad siyang hinampas ng buntot nito. Napaigik siya sa muling pagkabagsak sa lupa. Mukha yatang nabali ang buto niya sa braso sa kanan niyang kamay. Hindi pa siya nakakabawi sa kanyang lakas nang agad siyang paluputan ng buntot ni Ahas at ihambalos sa lupa ng dalawang beses.

Napaubo siya ng sariling dugo. Parang papanawan siya ng ulirat dahil sa ginawang iyon ni Ahas sa kanya.

Kailangan niyang umisip ng paraan kung paano niya maiisahan ang kalaban. Napag-aralan na niya ang bawat galaw nito at sana ay gumana ang naisip niyang paraan kung paano ito matatalo.

. . .

#TRG

Ate Sari, <3

The Raven GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon