Chapter 27

632 21 0
                                    

Chapter 27

ISANG MATANDA ang nakamasid sa isang nagbubulang usok. Inaabangan kung ano ang sunod na mangyayari sa apat na nilalang na kanyang nilagay sa pagsubok.

Hindi ang mga ito makakatuntong sa kanyang tahanan kung hindi ng mga ito malampasan ang kanyang pagsubok. Alam niyang ang mga nilalang na ito ay malalakas at kayang lampasan ang kanyang hamon.

May tiwala siya sa mga ito.

Ang mga ito ang makakatalo sa mga alagad ni Lobonia at ang isa roon ay ang Raven Girl na siyang makakaputol ng sumpa.

“Inang Puno. . . ano na po ang plano niyo sa kanila kapag nalampasan nila ang pagsubok mo?” tanong sa kanya ng isang puno na kanyang alagad na nakamasid din sa pinagmamasdan niya.

Ngumiti siya. “Ibibigay ko kung ano ang kailangan nila. At isa pa, gusto ko silang magtagumpay nang bumalik na sa dati ang buong kaharian ng Blackerous.”

“Mukhang sila na po ang hinihintay natin sa loob ng labing walong taon. Lalong-lalo na po ang Raven Girl na siyang magliligtas sa ating lahat.”

Tumango siya. “Siya nga. . . at nawa’y malampasan nila ang pagsubok ko sa kanilang lahat.”

NAPATIGIL SA PAGTAKBO si Itima. Kanina pa siya takbo nang takbo pero tila hindi naman siya naabutan ng mga lobo at hindi siya nito sinusugod. Pakiramdam niya’y pinaglalaruan lamang siya ng iisang nilalang na sa kinaroroonan niyang kagubatan.

Napabuga siya ng hangin nang maalala kung saan sila nagpunta na magkakaibigan. Mukha yatang pinaglalaruan sila ni Inang Puno kung ano ang kanilang kinatatakutan.

Bakit ngayon niya lang napagtanto ang lahat?

Kailangan niyang malampasan at harapin ang kanyang kinatatakutan nang bumalik siya sa kanyang pinanggalingan kanina at nang matulungan niya sina Jing.

Lumingon siya sa mga lobo na sa kanyang likuran. Napapikit siya at kinontrol ang takot sa kanyang puso.

Kailangan niyang hindi matakot. Kailangan niyang maging matapang sa mga oras na ito. Kailangan niyang harapin ang mga lobo.

Kasabay ng paglundag ng mga lobob sa kanya ay siya ring pagsigaw niya at akmang pag-atake sa mga ito.

Bago pa niya masipa ang isa sa mga lobo ay bigla siyang nilamon ng liwanag na tulad kanina bago siya napunta sa lugar na ito. Mukhang nalagpasan nga niya ang pagsubok ni Inang Puno.

SAMANTALA si Higante ay hindi mapigilan ang pag-atungal niya ng sigaw. Hindi niya matanggap ang unti-unting paglagas ng kanyang bato na balat. Ngunit kanina pa niya pinagtatakhan na hindi man lamang siya napaano kahit na kanina pa iyon nalalagas. Dini sana'y nawalan na siya ng malay at nakahandusay na sa lupa.

Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at inobserbahan ang buong pangyayari simula kanina.

Hindi kaya ay naglalaro lamang ang imahinasyon niya at dinadala siya nito? Ngunit paano. . . kung mukhang totoo naman kung pakatitigan ang buong paligid?

Bumuntong hininga siya. Kailangan niyang tanggapin sa sarili niya na hanggang dito na lamang siya at habang-buhay niyang papasanin.

Isang malakas na suntok ang tumama sa pisngi niya nang tuluyan na siyang makatayo.

Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita si Itima sa kanyang harapan. Napakaseryoso ng titig na ibinigay nito sa kanya. Puno ng pag-alala at pagkasabik ang nababanaag niya sa mga itim na mata nito.

“Itima. . . ano'ng?” Hindi niya natuloy ang sasabihin nang yakapin siya nito sa pisngi niya.

Unti-unti na namang lumiliit ang nga bagay sa kanyang paligid. Ibig sabihin ay lumalaki na naman siya. Bumalik sa normal ang lahat.

“Pagsubok lang lahat ng ito ni Inang Puno. Kailangan nating tulungan sina Raven at mahal na prinsesa. Kung hindi ay hindi natin mapagtagumpayan ang pagsubok na ito,” wika ni Itima na siyang ikinatango niya.

“Kung ganoon ay kailangan na nating kumilos bago pa mahuli ang lahat.”

TINITIGAN NI RAVEN ang buong pangyayari sa kanyang paligid. Hindi dapat siyang matakot. Itutuloy niya ang laban kahit na wala na si Jing. Papatayin niya si Lobonia; pagbabayarin niya ito sa pagpatay sa babaeng mahal niya.

Dadalhin niya kay Ulang Imoy si Jing. May natitira pang pag-asa para sa puso niya. Hindi siya pwedeng mawalan na lamang ng pag-asa; ay paraan pa para malampasan nila itong lahat.

Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaluhod at unti-unting nilapitan si Jing sa hindi kalayuan na wala nang buhay.

Napatingin siya kay Lobonia na walang tigil sa paghalakhak. Gumuho ang palasyo ng kahariang Blackerous kasabay ang pagguho ng ilang parte ng lupa sa kanilang kinaroroonan.

Agad niyang kinarga si Jing at dinala sa ligtas na bahagi. Kailangan niya munang harapin si Lobonia. Ito na lamang ang natitira. Hindi siya makakapayag na mabubuhay ito at patuloy sa paghalakhak.

“Lobonia! Tapusin na natin ito! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa babaeng mahal ko!” sigaw niya sa kalaban dahilan upang mabaling ang atensyon nito sa kanya.

“Hindi na siya mabubuhay. . . akala mo ba ay maililigtas mo siya kapag mapatay mo ako? Hindi! Isasama ko siya hanggang sa hukay!” galit na sigaw nito sabay atake sa kanya.

Nakita niya ang nagbubulang kapangyarihan nito papunta sa kanya. Lumundag siya upang makaiwas sa atake nito.

Hinugot niya ang espada na lumitaw sa kanyang baywang at saka sinugod si Lobonia sabay labas ng kanyang kapangyarihang itim sa kanyang dalawang kamay.

Pero bago pa niya mapunterya at mapuruhan si Lobonia ay agad na nagliwanag ang buong paligid at tuluyan siyang nilamon no'n.

Pagkawala ng liwanag ay napunta siya sa kanyang pinanggalingan kanina. Walang Lobonia, walang palasyo at walang lupa na gumuguho, walang mga lobo na kalaban at lalong-lalo na . . . wala si Jing.

Natanaw niya sa hindi kalayuan sina Higante at Itima na parang may hinahanap. Agad siyang lumipad papunta sa mga ito.

Halata namang nagulat ang dalawa sa pagsulpot niya ng biglaan.

“P-paanong magkasama kayo? Nasaan si Jing? Ano'ng nangyayari?” takang tanong niya nang makatuntong na siya sa ibabaw ng lupa.

“Pagsubok lamang iyon sa ating lahat ni Inang Puno at nalampasan natin ang mga bagay na kinatatakutan natin. Pero ang mahal na prinsesa. . . nasaan na siya? Kung nalampasan niya ang pagsubok sa kanya ni Inang Puno ay dapat nandito na rin siya,” naging sagot sa kanya ni Itima.

Bigla siyang nilukob ng kaba. Nag-aalala siya para kay Jing. Nausal niya sa isip na sana ay malampasan ni Jing ang pagsubok ni Inang Puno.

“Kailangan natin siyang hanapin,” wika niya sa dalawa.

Kumibit-balikat si Itima.

“Kung mahahanap natin siya.” Napabuga siya ng hangin sa sinabing iyon ni Higante.

Hindi siya pwedeng maghintay lang. Kailangan nilang mahanap si Jing at mapagtagumpayan nito ang pagsubok ni Inang Puno.

Kung ano man ang kinatatakutan mo, Jing. Sana ay harapin mo ang takot mo, nausal niya sa kanyang isip.

. . .

#TRG

Note: Medyo may mga 10 chapters pa ito guys bago siya matapos! O baka more than 10 chapters! So stay tuned!

Ate Sari, <3

The Raven GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon