Chapter 8

1.3K 38 5
                                    

Chapter 8

SUMALUBONG ang makinang na liwanag sa mga mata ni Jing nang unti-unti niyang minulat ang mga mata. Mga ingay ng uwak sa paligid ang kaniyang narinig. Tila ang mga ito'y umaawit at nagkakasiyahan.

Isang tambol ang kaniyang narinig, inulit hanggang sa sunud-sunod. Sa hinuha niya'y isang pagdiriwang ang nagaganap sa paligid. Napangiti siya dahil sa mga tugtog  at mga awit ng mga maliliit na boses. Mga batang nagkakasiyahan marahil.

Muli niyang ipinikit ang mga mata nang malabo pa rin ang paningin niya. Nasisiyahan na siyang makita ang kaganapan sa kaniyang paligid ngunit dahil sa masamang pakiramdam niya sa ulo ay hindi niya magawang matignan ang kinaroroonan.

Kinusot niya ang kaniyang mata at muling nagmulat.

Napanganga siya sa nasaksihan. Mga naglalakihang pugad ng mga ibon ang kaniyang nakita. Mistulang mukhang bahay ang mga iyon sa laki. Habang doon ang mga ibong itim na uwak nakadapo habang patuloy sa pag-awit at sa kasiyahan.

Luminga-linga siya sa malaking pugad na kinahihigaan na gawa sa mga iba't ibang talahib ng damo. Kulay ginto ang ibang parte ng pugad samantalang kulay itim naman ang kabilang parte. Parang pinagsamang ginto at itim na diyamante.

Naninibago siya sa kaniyang nasasaksihan ngayon. Hindi niya aakalaing mga ganitong libong uwak ang nabubuhay. Samantalang sa mundo ng mga tao ay minsan na lamang makakakita ng ganitong klaseng ibon, isa na ito sa mga endangered species.

Bumangon siya at hinilot ang sintido. Pilit niyang inaalala ang nangyari sa kaniya kanina kung bakit siya napunta rito.

Naalala niya ang babaeng taong ibon na kumuha sa kanila ni Raven. Si Itima ang babaeng ibon na iyon!

Luminga-linga siya sa paligid, hinahanap ang babaeng si Itima. Ngunit hindi niya makita ang babae dahil sa libong uwak ang mga naroon. Maging si Raven ay hindi niya makita. Saan nagpunta ang dalawa? Iniwan ba siya ng dalawa sa gitna ng tribu ng mga uwak?

Tumayo siya at pinagpag ang katawan. Nawala ang sakit ng ulo niya dahil sa kabang nararamdaman. Ayaw niyang makulong sa lugar na ito kasama ang mga uwak. Maliwanag naman ang paligid. Mula sa mga ilang puno ang nagbibigay ng ilaw sa buong paligid. Ang mga dahon ng puno ay umiilaw. Kasing liwanag ng ilaw sa kanilang bahay kung tutuusin.

Lulukso na sana siya mula sa pugad nang biglang may lumapit na dalawang uwak sa kaniyang harapan. Hindi naman ito ganoon halos kalaki. Normal ang laki nito nang kadalasang minsang nakikita niyang uwak sa mundo ng mga tao.

“Sumunod ka sa amin, mahal na prinsesa. . . kanina ka pa po nila hinihintay na magising,” wika ng isa na tinig batang babae.

Hindi nga talaga siya nanaginip lang kanina nang masaksihan niya ang uwak na nagsasalita noong nasa bahay pa siya.

"Saan n’yo ako dadalhin? Kina Raven ba at Itima?” usisa niya sa dalawa.

Hindi sumagot ang dalawang uwak sa kaniya at nagsimula na ang mga itong lumipad.

Mayamaya ay biglang may isang ulap na itim ang pumunta sa kaniyang harapan. Ang itim na ulap na kanilang sinakyan kanina. Hindi  niya aakalain na may ganoon na bagay sa mundo. Akala niya sa mga pelikula na lamang iyon makikita.

Wala na siyang nagawa pa kundi ang sumakay na roon.

Huminga siya nang malalim nang ilipad na siya nito kasama ang dalawang uwak na nasa unahan lang nila.

Ilang daan pa ang dinaanan nila at inikutan bago sila nakarating sa destinasyon.

Huminto sila sa isang malaparaisong garden habang natatanaw ang lawak ng dagat sa harapan.

The Raven GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon