Chapter 40

993 21 0
                                    

Chapter 40

BIGLANG NATIGILAN si Lobonia nang makita niyang humandusay si Rossia sa ibabaw ng sahig ng kanyang kubo. Hindi niya inaasahan na sasaluhin nito ang kanyang kapangyarihan para sana kay Blackerous. Ito ba ang nagagawa ng pagamamahal nito para sa lalaking mahal niya pa rin hanggang ngayon?

Napatingin siya kay Raven Girl at nanlilisik ang mga mata niya. Kapag nakikita niya ang bunga ng kataksilan ng kanyang dalawang kaibigan ay hindi siya natatahimik. Kailangan niya na itong tapusin.

Sumugod siya sa babae at inundayan niya ito ng isang malakas na sipa sa tiyan dahilan upang ilipad ito ng malakas papunta sa labas ng kanyang kubo. Nawasak ang dingding sa lakas ng pagkakasipa niya sa babae.

Napatingin siya kay Rossia na nakabulagta pa rin. Mukhang nawalan ito ng malay dahil sa lakas ng enerhiya niyang natama sa dibdib nito.

Si Blackerous naman ay kinulong niya sa isang kulungan na likha ng kanyang kapangyarihan. Hindi ito makalalabas mula roon. Maging si Rossia ay kinulong niya sa kanyang kapangyarihan para hindi ito maging sagabal kung magkamalay man. Ngayon ay malaya na niyang mapapatay si Raven Girl.

Pupuntahan niya ito sa labas nang matuloy na niya ang matagal na plano sa babae. Kailangan niyang mapatay ito habang nanghihina pa.

Pagkarating niya sa labas ay nakita niya si Raven Girl na unti-unting tumatayo. Agad niyang pinakawalan ang kapangyarihan papunta sa babae at natamaan ito sa dibdib. Napangisi siya nang humandusay ulit ito sa lupa.

Agad niya itong nilapitan at sinakal sa leeg. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin dito.

“Papatayin kita, Raven Girl. Hindi ako makakapayag na ikaw ang papatay sa akin!” Puno ng gigil ang boses nito.

Habol ni Jing ang kanyang hininga. Sobrang lakas ni Lobonia para makawala sa babae. Lalo na at nakadagan ito sa kanyang katawan. Kailangan niya ng hangin para makahinga siya nang maayos. Umubo siya at napapikit nang unti-unting hinigpitan ni Lobonia ang pagkakasakal sa kanya.

Patatamaan na niya sana ng kanyang apoy na kapangyarihan si Lobonia nang maramdaman niyang nabitiwan nito ang leeg niya.

Pagkamulat niya ng mga mata'y nakita niya si Raven sa kanyang tabi. Ito marahil ang nagpalayo kay Lobonia mula sa kanya.

Napadpad sa malayo si Lobonia. Bumagsak ito sa lupa. Kasabay no'n ay ang malakas na pag-ihip ng hangin. Tanaw niya ang pagbangon nito mula sa pagkakabagsak.

“Raven. . . ano—” Napasinghap siya nang makita ang dugo ng lalaki na umaagos sa balikat nito. “May sugat ka!”

“Wala iyan, Jing. Hindi ako mapupuruhan niyan.”

“Paano mo nalaman na nandito ako?” takang tanong niya sa lalaki.

Niyakap siya nito nang paliparan sila ng itim na kapangyarihan ni Lobonia. Napamura ito nang wala sa oras. Mabuti na lamang at naiwasan nila agad.

Lumipad silang dalawa sa himpapawid habang iniiwasan ang atake ni Lobonia. Sumunod din ito sa paglipad, galit na galit ang itsura nito habang nakatingin sa kanila.

“Dahil kay Gurodo. Sinasabi niya ring kailangan nating pagsanibin ang kapangyarihan natin upang mawala ang sumpa. Hindi ko siya lubos na maintindihan,” sabi nito habang tangay-tangay pa rin siya.

“Nakakalipad ako, Raven,” sabi niya rito pero hindi siya nito binitiwan. Mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya sa baywang. “Nasa loob ng kubo sina Mama Rossia at haring Blackerous. Hindi ko alam kung ano ang ginawa sa kanila ni Lobonia.”

“Hindi sila gagalawin ni Lobonia hangga't hindi ka niya napapatay, Jing. Kaya't gagawin natin ang lahat matalo lang si Lobonia, para wala na itong masaktan sa mga nilalang,” wika ni Raven at mas binilisan nito ang paglipad.

Bigla siyang nabahala nang papunta sila sa buwan.

“A-ano'ng binabalak mo?” takang tanong niya rito.

“Makinig ka sa akin, mahal na prinsesa. Ipikit mo ang mga mata mo at palabasin mo ang lahat ng kapangyarihn mo sa katawan. Isasanib ko ang kapangyarihan mo sa iyo, susubukan natin ang sinabi ni Gurodo kahit hindi natin alam kung ano ang mangyayari. Baka ito ang tanging paraan para matalo natin si Lobonia.”

Tumango siya sa sinabi nito habang nakatitig siya sa mga mata ni Raven. Seryosong-seryoso itong nakatitig sa kanya.  Tama ito, walang masama kapag kanilang susubukan.

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang malapit na sa kanila si Lobonia pero hindi pa rin sila kumikilos ni Raven.

Akma na sana siyang magsasalita nang halikan siya bigla ng lalaki. Nanlaki ang mga mata niya.

Kitang-kita niya ang pagpalipad ni Lobonia ng kapangyarihan nito papunta sa likuran ni Raven.

Wala na siyang nagawa pa kundi ang pumikit at inilabas ang kanyang huong kapangyarihan sa katawan.

Naramdaman ni Raven ang kapangyarihan ni Jing kung kaya't inilabas niya rin ang kanyang kapangyarihan. Napadiin ang paghalik niya rito nang matamaan siya ng kapangyarihan ni Lobonia sa kanyang likuran.

Unti-unting nang-iinit ang buo nilang katawan na dalawa. Tila nanlalaban ang kanilang kapangyarihan at handa nang sumanib sa isa't isa. Tuluyan silang nilamon ng kanilang kapangyarihan habang palaki nang palaki ang apoy at itim na usok sa kanila. Dumiretso itong tumama sa buwan na siyang dahilan upang sumabog ang kapangyarihan sa kalwakan. Kasabay ng pagsabog ay ang pagsabog din ng katawan ng dalawa— sila Raven at Jing.

Napasigaw si Lobonia nang tamaan ng napakalakas na enerhiyang iyon na sumabog.

Umabot iyon hanggang sa kaharian ng Blackerous at natigil ang lahat sa pakikipaglaban nang lamunin din sila ng malakas na enerhiyang iyon.

Tila sila inilusob sa naglalawang apoy habang nagsusumigaw sa hindi maipaliwanag na init at sakit na kanilang nararamdamang lahat.

Napangiti si Avandro habang unti-unting ipinikit ang mga mata.

Natapos na rin sa wakas.

. . .

#TRG

Ate Sari, <3_

The Raven GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon