CHAPTER 2

117 11 0
                                        

Sana po basahin nyo pa ang mga susunod... muahhh!!!

Chapter 2:late

Ara's POV

Kinabukasan...

"ARAY!!!!!" sino ba yung humampas sakin. Hmmpp natutulog yung tao eh, istorbo naman reh.

"Aba bata ka, wala ka bang balak pumasok sa eskwela at nakahilata ka pa dyan ha!!??" Hayysss si mama pala eh, bat di pako nasanay na laging pahampas kung manggising reh hayysss...

"Mama naman eh!! Aga pa kaya!!" Sige magsigawan nanaman kami dito haha.
"Anong maaga??? 5:50 na ABA!!, maaga pa pala sayo yon noh, sige matulog ka pa dyan!"

Huuuwaaattttttt??? (°○°) 5:50??? Ehh 6:20 pasok ko, 30 minutes nalang???

"Mama bat di moko ginising!??" Pagkasabi ko non tumayo nako saka kinuha yung twalya ko. Parang ngayon palang ako malelate ah...

"Oh eh ano tawag mo don sa ginawa ko!?? , diba ginising kita??" Oo nga noh, sorry na haha, pumasok nako sa banyo para maligo. Alam mo yung ligong 1.2.3? ganon ginawa ko whaha

"Aba Ara mae!! Saka kapa nagbagal kung kaylan late ka na"  sabi ni mama sa labas ng kwarto ko.

"Ayan na maaaaaa..... nagbibihis na!! Saglit langggg" sabi ko sakanya habang nagbibihis ng nagmamadali..

Shooccckkkssss..... 10 minutes nalang late nako wahhhhh!!!!

Pagkatapos ko magbihis lumabas na agad ako saka tumakbo pababa.

"MAMA!!!!! ALIS NA PO AKOOOO!" Sabi ko ng pasigaw, nasa garden siguro yon.

Ayan na lumabas galing kusina haha
"Kumain ka muna bago ka umalis" kitang late nako papakainin pako, mama talaga oh.
"Sa school nalang ma, papasama nalang ako kila ketty, bye maaa!!"

"Sige ingat sa bya....." diko na pinatapos si mama dahil late na talaga ako sobra haha..... 5 minutes nalang... siguradong late ako nereh haha kanta nalang tayo sa isip.... for the first time in forever wiiii....sa frozen yan,wag kang ano.

Potekkkk yannnn 20 minutes nakong late. Kakababa ko palang ng jeep eh, bwiset kase dapat 5 minutes lang yon kung di traffic eh.

Pagkababang pagkababa ko ng jeep tumakbo na agad ako sa room namin, buti second floor lang pero late parin ako hayyysss.... siguradong andon na si ketty whaha yun pa eh di nalelate yon parang ako kaso late ako ngayon.

Hinga malalim, "haaaayyyyyy" silip tayo in

3...

2...

1...

"Woiii!!"
"Ay palaka!!" Sino ba kasi yon, kitang kinakabahan ako eh.
"Ang gwapo ko namang palaka diba??" Potek nayan si ven lang pala... "ano ginagawa mo dyan?kanina pa start klase ah??" Dagdag pa nya.

"Pake mo ba?? Late ako nagising eh saka ngayon lang naman toh noh"  sabi ko.... "ahhhh okayyy, aga aga mong nag offline kagabi tas late pa nagising?? Tsk tsk" sabi nya sakin, oo nga noh? Bat kaya? Ayy ewan papasok nako...

Tumalikod nako sakanya para pumasok..... SANA.... kaso di natuloy kasi pinigilan ako sa braso....

"Wait lang uyy" sambit nya   "Late na nga yung tao tas pipigilan mo pa??" Naiinis nako ah...
"Wala naman kayong teacher kaya wag ka mag alala" sabay kindat, aba aba gumaganon ah.. pero ano??? Walang teacher?? Bakit kaya??

"Ehh baka may gagawin din" sabi ko sakanya. "Teka nga, bakit nasa labas ka? Wala din kayong teacher?"dagdag ko pa

"May teacher kami, may pinakuha lang si maam sa office nya" well, reasonable naman whaha

"Pasok nako oyyy bye na ahh. mamaya nalang recess sabay sabay tayo, kakain ako kanin don, di kase ako kumain bago umalis eh,pakisabi nalang din kay kyle" so ngayon lang sya bumitaw sa braso ko haha

"Sige na nga bye na" sabay gulo sa buhok ko, what's with that gesture?

"Oo na bye, mamaya ah kitakits nalang"
Saka nako pumasok sa room, feeling ko kinabahan ako don sa  paggulo ni ven sa buhok ko eh haysss.

RECESS TIME

Andito kami ngayon sa garden para kumain, daming tao sa loob ng canteen kaya bumili lang kami saglit then dito nalang kami kakain.

"Uyy ara bakit ka nga pala late?" Tanong sakin ni ketty, oo nga pala di na kami nakapag usap kanina kasi pagkadating na pagkadating ko ginawa ko agad yung iniwang gawain nung teacher namin. Hayysss buti natapos ko bago dumating yung next subject.

"Nalate DAW sya ng gising" si ven ang sumagot at aba may diin talaga yung sa daw ahh parang di naniniwala.

"Ohh diba maaga ka nag offline?? Bakit nalate ka pa?" Tanong nya pero sasagot pa lang sana ako nagtanong nanaman.
"At saka bakit alam mong late sya nagising ven?" Tanong nya ng may pagtataka.

"Nakita nya ko kanina bago pumasok" "Nakita ko sya kanina papasok sa room nyo"

Katahimikan....

"Kailangan talaga sabay??" Pagbabasag ni kyle ng katahimikan...

"Hindi naman" "Hindi naman"

Ehhh??? Sabay nanaman??

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHA"
Tawa nila kyle at ketty, "hehe" ako medyo natawa ,si ven naman nakangisi pa.

"Stop na hihihi" natatawang sabi pa ni ketty. "So bakit ka nga late nagising ara babe??" Tsss loko talaga reng si kyle kaya minsan napagkakamalan kaming mag jowa eh whahaha well....

"Ewan ko ba kung bakit, maaga naman ako natulog diba haha yaan mo na yon ngayon lang naman ako nalate ehh........" *kkkrriiiinnnnnggg* di pako tapos eh hayssss....

"Tara na guys pasok na tayo" aya ni ven samin.

"Tara na baka malate pa tayo, ayaw ko ng malate" sabi ko

Hinatid kami nila ven at kyle sa room namin pano ba naman sa kabila lang room nila, talagang magkakasabay kami whahahaha...

Antagal nagpalabas ng teacher namin sa last subject tapos yung teacher naman nila ven maaga nagpalabas, kaya ayon inantay nila kame ng medyo matagal...

Nung pinalabas na kame dumeretso kaming apat sa ice cream parlor, favorite kase namin toh eh hahaha...

"Uy ven ikaw na bumili sakin ah, alam mo naman na kung anong flavor sakin eh" sabay abot ng pera.

"Sasabihin pa eh alam ko na, always naman ganyan eh haha" sagot ni ven, ayy oo nga noh haha

Well, parehas  kasi kami ni ven ng paborito tapos sila kyle at ketty naman parehas din. Cookies and cream ang samin ni ven at chocolate naman kila kyle.

Andito na kami sa table namin, inaantay nalang yung order namin. Medyo matagal ang order ngayon kaya mag cr muna ko.

"Guys cr lang ako saglit ah naiihi nako eh haha" paalam ko sakanila. "Sige ara ingat ka ah" sabi ni ven.

"Cr lang punta ko tapos magiingat pa haha ayos den" sabi ko, sabagay pede naman ako madulas don diba pero wag naman sana. Tumayo nako at pagkatayo ko may nabangga ako, alam nyo yon?yung tumayo ka then pag talikod mo may mabubunggo ka?

"Oh my ghad!! Look what you did!!!"

End of chapter 2

WHY YOU? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon