Chapter 25: Is it just a DREAM?
Ara's POV
Dahil madaling araw na kami natulog, maglalunch na kami nagising.
"oh ara yung mga regalo namin mamaya mo na buksan ha, pag uwi na namin baka kase maiyak ka pa eh" pabirong sabi ni kyle. Natawa naman si ketty at ven.
"ay nako sige. Sana naman di ganong kamahal mga pinagbibili nyo para saken ha" sabay si ketty at kyle na tumungin kay ven. Tinaasan ko nga ng kilay baka mahal binili neto nako.
"baket nakataas kilay mo dyan? Inaano ba kita ha?" pag angal nya.
"eh bakit ka defensive masyado? Tinaasan ka lang naman ng kilay ah, masama?" sagot ko sakanya.
Di na sya sumagot pa. wala syang nagawa eh, di naman papalag sakin yan .
*Tok tok tok
Si mama yon panigurado.
"pasok ma" sumilip lang sya para sabihing..."andyan na sundo nyo"
Lumabas na kami, hatid ko sila hanggang gate.
" babye na ara, see you nalang bukas ha" sabay kindat ni kyle sakin.
"bye bhex. Salamat sa handa kahapon, at tanghalian ngayon" kumaway sya.
Pumasok na sa loob ng sasakyan sila kyle at ketty.
"bye bebe ara" sabay tawa nya. Hay nako ayan nanaman sya.
"oo na sige na babye na, ingat kayo." Pumasok na din sya ng kotse nila.
"ingat kayo, thank you!" pahabol kong sabi bago nila isara yung pinto ng kotse.
Dahil excited ako, pumasok na ako agad para buksan mga regalo nila.
Sa lahat ng regalo nila paniguradong kay ven ang pinakamahal. Andami eh, may dalawang bundle ng libro, pants, dress na diko alam kung kelan ko masusuot kase nga di ako nagsusuot ng ganon, at ang feeling ko na pinakamahal sa lahat yung kwintas na sobrang ganda.
Ngayon alam ko na kung bakit tumingin si bhex at kyle kanina kay ven nung nabanggit ko na sana di mahal regalo nila. Anlaki ng ginastos ni ven dito. Diko naman pwede ibalik kase andito na hays.
Ang regalo naman ni bhex ay album ng seventeen. Madaming kpop group kasi ang iniistan namin kaya madaming pagpipilian si bhex na album ng ibat ibang groups.
Si kyle naman dalawang oversized t-shirt at dalawang oversized na hoodie ang regalo.
Sobrang nagustuhan ko mga regalo nila sakin. Ang gaganda talaga, the best talaga sila.
Yung pants ,dress , t-shirts at hoodies papalaban ko muna bago ko ilagay sa damitan ko. Yung libro at album na bigay ni bhex isasama ko na sa ibang libro at albums ko tapos yung kwintas isusuot ko bukas pagpasok ko sa school.
Masaya ako ngayon sa mga regalo nila saka mga pangyayari kaso di mawala sa isip ko yung kaninang madaling araw. Diko kasi alam kung panaginip ba o totoo talaga eh kasi nga antok na antok na ako.
*FLASHBACK*
Pagkatapos namin mag jamming at magswimming sa baba ay pumasok na kami dito sa loob. Magkatabi kami ni bhex na matutulog sa kama tapos si kyle at ven ay sa lapag. May foam na galing sa guest room na nakalatag sa lapag, ayaw kasi nila pumayag na hiwalay pa daw ng kwarto kaya ayan dyan daw sila matutulog.
Naunang makatulog si bhex sakin at diko naman makita kung gising pa yung dalawa kasi baka magising si ketty kapag gumalaw pako.
Antok na antok na din ako kaya makatulog na nga rin.
...
" dude umamin ka nga may gusto ka ba kay hairee?" parang si kyle yung nagsasalita.
"maganda sya, mabait din tapos matalino" si ven.
"so may gusto ka nga sakanya?" si kyle.
"sa labas nga tayo magusap may sasabihin ako sayo" sabi ni ven.
*END OF FLASHBACK*
Pag-gising ko kanina kasi diko maisip kung panaginip o nangyari talaga eh. Ang sabi naman nila kyle nauna daw sila matulog tapos nauna lang din ng ilang minute na nagising sakin. Siguro nga panaginip lang yon. Pagod kasi kami saka super late na natulog hayss.
"Ara, Walang gusto si ven kay hairee. Panaginip lang yon" pag kumbinsi ko sa sarili ko.
End of chapter 25

BINABASA MO ANG
WHY YOU? (On Going)
Teen FictionMay mga bagay talaga tayong hindi natin maiiwasan, lalo na ang mafall sa maling tao na hindi ka kayang ipaglaban o hindi kayang ibalik ang pagmamahal kase hanggang kaibigan lang na hindi nya kayang gawing ka-i-bigan pero siguro posible naman yon dib...