Chapter 34:Graduation
Ara's POV
6 YEARS LATER...
ilang taon din tiniis namin pero eto na kami, gagraduate na kami. Worth it lahat ng paghihirap at pagaaral namin.
Ngayong araw ang graduation namin ni ketty.
Oo kami lang ni ketty, after kasi ng senior high sa ibang bansa na nag aral si ven at kyle, gusto nga sana namin ni ketty na dun na din kaso hindi namin maiwan mga magulang namin.
Last month pa naka graduate si ven at kyle, same course nadin kinuha nila para di na din sila maghiwalay.
Business management ang natapos nilang dalawa. Syempre proud bestfriend here.
Ngayon ang graduation namin pero di padin umuuwi sila ven at kyle kahit na nung nakaraang buwan pa sila graduate kasi inasikaso na agad ng daddy nila pagpapamana ng company sakanila.
Matagal na kasi nakaplano yon, high school palang may nagaabang ng company sakanila.
Oh diba kakagraduate palang may company na.
Sana manlang makapunta sila. Wala pang sinasabi sila tita kung kailan ang uwi nila, hayssss.
"Ara??" Tawag ni mama sa labas ng pinto ng kwarto ko.
"Pasok po" sagot ko sakanya.
Pag pasok ni mama may kasunod syang dalawang babae ata toh, ay bakla pala.
"Eto si jelly at jella sila mag aayos sayo para sa graduation mo mamaya " masiglang pakilala ni mama sa dalawang bakla na parang mas babae pa saken. Ang ganda nila sa totoo lang, si jelly mahaba at curly buhok nya ,si jella naman hanggang balikat lang yung buhok pero straight at ang ganda nila pareho.
"Ayyy hello po" ayan with kaway pa yan.
"Ayusan kana namin ara girl? Para makapag picture picture muna kayo bago kayo umalis" ay bet si ateng jelly
"Sige po start na po, gusto ko po sana yung simple lang" sabi ko ,ayaw ko kase ng sobra sa make up, mabigat sa muka.
"Ay sige feeling ko naman mas bagay sayo pag simple" inalalayan nila ako maupo sa harap nung salamin ko at nagstart na ayusan.
Lumabas na si mama para magready siguro ng meryenda nila jelly at jella.
Habang inaayusan ako biglang pumasok si mama sa kwarto at dala na ang meryendang inihanda nya.
"Oh jelly at jella meryenda muna kayo" alok ni mama.
"Ay sige po mommy after po nito,mukang masarap po yang cookies ah" sabi ni jella habang pinaplansta yung hair ko.
"Oo naman ako nag bake nyan eh " pag mamalaki ni mama. Sure ako masarap yan si mama nagluto eh.
"Nga pala mama" singit ko sa usapan nila.
"Ano yon, may kailangan ka?" Tanong ni mama.
"Itatanong ko lang po sana kung kailan uuwi sila ven at kyle, miss na miss ko na po kasi sila" sabi ko.
"Diko alam nak eh, antay nalang siguro tayo ng sasabihin ng tita mo" sabi ni mama na may magandang ngiti.
"Ay sigi po,wala din po kasi silang paramdam na dalawa sakin netong mga nakaraang araw" medyo malungkot kong sabi.
"Graduation mo ngayon kaya wag mo munang isipin yon,uuwi yon antay lang tayo huh" ngumiti sya sakin.
...
Sobrang saya ko dahil sa wakas hawak ko na ang diploma ko.
Malapit na matapos, konti nalang. Gusto ko na matapos agad toh para maibalita ko na kay ven at kyle na graduate na kami ni ketty.
May nakadinig yata sa iniisip ko at nagpalakpakan na ang mga tao dahil tapos na daw. Tumayo na sila at nagpuntahan sila sa kani kanilang pamilya nila. Ako at si ketty ay sabay na nagpunta kung saan nakapwesto sila mama at mama ni ketty.
"Yes graduate na tayo" sabi ko kay ketty.
Kita ko ang excitement sa mga mata nya, tinignan ko din sila mama at mukang excited din sila.
"Tara dali picture na tayo" aya ni mama.
Kami muna ni mama ang unang nagpicture at sumunod si ketty kasama si mama nya. Nagpicture kaming dalawang magkasama at solo solo.
"Pose kapa isa dali" sabi ni mama sakin. Pinipicturan nya kasi ako na kasama yung stage para daw maganda.
"Ehem" nadinig kong may nagsalita mula sa stage na naka microphone.
"Yieeeeeee" kinikilig si ketty pero diko alam kung bakit.
"Ehem" ulit pa yung nasa stage, teka yung boses nayon.
End of chapter 34
BINABASA MO ANG
WHY YOU? (On Going)
Teen FictionMay mga bagay talaga tayong hindi natin maiiwasan, lalo na ang mafall sa maling tao na hindi ka kayang ipaglaban o hindi kayang ibalik ang pagmamahal kase hanggang kaibigan lang na hindi nya kayang gawing ka-i-bigan pero siguro posible naman yon dib...