Chapter 16 : kiss
Ven's POV
"Pasok daw po kayo" sabi ni manang champi.
"Thank you po manang"
Pinapasok na ako agad ng bahay nila ara dahil kilala naman nila ako dito.
"Ara" tawag ko kay ara pagkapasok ko .
Naupo ako sa kama nya... nakatagilid sya kaya hindi ko nakikita ang muka nya.
"Hmmm"
"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ko.
"Ok lang" alam ko namang cold parin sya.
"Kumain kanaba? Nakainom kana ba gamot?" Pag tatanong ko
"Nanlalata ako,ayoko ng gamot" ganyan yan eh,kapag may sakit ayaw iinom gamot.
Tok tok tok...
Nakita kong sumilip si manang.
"Sir migs eto napo yung pinalagay nyo sa bowl" inabot ko yung bowl na may lamang rice porridge/lugaw.
"Salamat po"
"Ara kain kana muna, para makainom ka ng gamot mo" baling ko kay ara.
Inilagay ko yung tray na pinaglalagyan ng bowl sa side table katabi ng kama.
"Ara bilis na tayo kana dyan,pagbigyan mo nako uuwi nadin naman ako after mo makainom ng gamot" pangungumbinsi ko.
Mula sa pagkakatagilid nya ngayon ay nakaharap na sya sakin.
"Akin na" halatang halata sakanya na nanghihina sya.
Ang laki talaga pinagbabago nya kapag may sakit sya.
"Ako na, dyan ka nalang wag kana gumalaw"
Kinuha ko yung bowl at nagsimula akong isubo ito kay ara. Bago ko isubo sakanya ay hinihipan ko muna dahil mainit pa.
Kanina nung nalaman ko na may lagnat sya nagmadali ako sa pagpunta dito pero dumaan ako saglit sa bilihan ng rice porridge. Sa pagiging magkaibigan namin alam ko na tuwing may lagnat sya ay di sya kumakain at umiinom gamot at nakasanayan ko nadin na lagi syang pinapainom ng gamot kapag may lagnat sya.
Ara's POV
"Ako na, dyan ka nalang wag kana gumalaw" sabi nya at sinimulan aking pakainin. Nakatingin lang ako sakanya.
Akala ko di sya dadating,tuwing may sakit ako lagi syang andyan para alagaan ako. Akala ko ngayong napapalapit na sila ni hairee sa isat isa di na sya dadating dahil uunahin nya yon pero andito sya at natutuwa ako ,lalong lalo na yung puso ko.
Hinayaan ko syang pakainin ako at painumin akong gamot dahil para naman sakin yon, babalik nadin siguro treatment ko sakanya ,siguro aantayin ko nalang sya magkwento para malinawan kami ng puso ko.
"Sabi ko na nga ba di ka kakain at iinom gamot hanggat di ako dumadating" lakas naman non.
"Wow ha medyo makapal sa part nayon ven"natatawa kong sabi.
"Totoo naman eh diba"sabay kindat nya,ayan ganyan kaya ako nahuhulog eh.
"Kayong tatlo at si mama lang naman makakapagpakain at painom gamot saken,nauna kalang talaga dito pero kung naunahan ka ni mama edi nakainom nako"
"Naku eh matutulog kana nga pano ka makakakain pagdating ni mama este ni tita pala" loko toh ah mama daw, pafall ka besfriend?
"Mama ka dyan" sabay taas ko kilay sakanya.
"Wala yon tulog kana antayin kita makatulog bago ko umuwi" nginitian nya ko.
Humiga ako at ipinikit ko na ang mga mata ko pero di ako mapakali dahil andito pa si ven, hindi ako gumagalaw pero feeling ko pinagpapawisan nako.
Maya maya siguro aalis na sya,sabi naman nya pag nakatulog nako eh.
Ilang sandali lang naramdaman kong tumayo sya,nawala pagkalubog ng kama sa side na inuupuan nya eh.
Ara stay kalang dipa nakakalabas.
Hala naramdaman ko lumubog ulit kama ko
"Tulog kana siguro noh,buti pala nagpunta ako kahit na ang cold mo sakin syempre pupunta ako,may sakit ka eh diko naman pwede pabayaan yon"
Inilagay nya yung kamay nya sa ulo ko at unti unti nya itong hinahaplos.
Nararamdaman ko mainit nyang palad sa noo ko,yung puso ko ambilis ng tibok at parang lalabas na ng dibdib ko. Feeling ko nadidinig nya pagtibok ng puso ko.
"Saka ko nalang siguro aalamin bat ka nagkaganon ng isang linggo,alam kong may dahilan ka. Buti nga kinausap moko ulet ngayon ng maayos ayos at nakipag biruan kana" habang nakapikit ako naiimagine ko na nakangiti sya.
"Uuwi nako ha,pagaling ka prinsesa" ha? Prinsesa? Anong prinsesa? Bakit? Bakit kinikilig ako?.
Tumayo na sya at inalis na nya yung kamay sya sa ulo ko.
Akala ko aalis na sya pero hindi pa pala.
Nararamdaman ko yung hininga nya,kahit na galing syang school mabango padin hininga nya, lalo akong kinabahan sa katotohanang anlapit ng muka nya.
ARA MAE IKALMA MO SARILI MO ,TULOG KA SA PAGKAKAALAM NYA DI KA NYA PWEDE MAHULING GISING PA!!
Bigla nalang dumikit ang labi nya sa noo ko.
1...
2...
3...
4...
5...
Inilayo na nya ang muka nya sabay sabing
"Sleepwell prinsesa ko pagaling ka"Naglakad na sya paalis at nadinig ko nalang na sumara ang pinto.
Pagkasarang pagkasara ng pinto ay naidilat ko ang aking mata sabay tampal sa pisnge ko dahil baka nananaginip lang ako pero hindi,nasaktan ako kaya di ako nananaginip.
TOTOO BAYON?!
HINALIKAN NYA TALAGA AKO SA NOO?!
YUNG MGA PARO PARO KO SA TYAN NAGWAWALA!!
Bakit ganon, tinawag nya akong prinsesa? Eh kay hairee kaya ano??
Aishhh diko na muna iisipin yon,napahawak ako sa pisnge ko, feeling ko namumula ako at daig ko pa ang naka blush on.
Diko alam kung ginagawa nya ba talaga yon lagi saken kapag natutulog ako o ngayon lang,wala kasi akong pake noon eh. Noon na wala pakong gusto sakanya.
Diko nalang lalagyan ng meaning yon dahil ayoko mag assume at ayoko masaktan lang.
Matutulog na nga ako diko nalang muna isipin,sana bukas galing nako, gusto ko pumasok sa school hayss.... nabuhayan ako dahil kay ven ano bayan...
End of chapter 16

BINABASA MO ANG
WHY YOU? (On Going)
Novela JuvenilMay mga bagay talaga tayong hindi natin maiiwasan, lalo na ang mafall sa maling tao na hindi ka kayang ipaglaban o hindi kayang ibalik ang pagmamahal kase hanggang kaibigan lang na hindi nya kayang gawing ka-i-bigan pero siguro posible naman yon dib...