Chapter 10: fangirling
Alam nyo bang.... nireread ko ulet yung story ko, opo tama nireread ko hahaha nakalimutan ko den kase skl...
Sorry for the super late update hahaha✌
Ara's POV
Isang buwan ang nakalipas...
Madaming nangyare sa isang buwan na yan, after kasi ng intrams exams at madaming homeworks at activities ang itinambak samin.
Saya daw muna bago kami magdusa.
Nung 2nd day ng intrams ay may di kaaya ayang nangyari . Hays ayokong alalahanin pero sigi na nga...
*FLASHBACK*
So masaya kaming apat na nagtatawanan habang naka upo sa isang bench dahil kakagaling lang namin sa jail booth dahil tinubos namin si kyle, hinuli sya kasi naka puting sapatos.
Nagtatawanan kami non ng biglang may grade 9 student na lumapit samin
pwede daw ba hiramin si ven samin dahil may nag request daw na magpakasal sa marraige booth at sa kasamaang palad si hairee yon.Nung araw na yon buong araw ako nabadtrip ng dahil don.
*END OF FLASHBACK*
So ayun na nga sa isang buwan na yon medyo stress kami pero atlease alam naming worth it naman yon sa huli.
BTW.... Nasabi ko na bang kpop fan kami ni bhex ketty? If hindi pa eto na sinasabi ko na , kpop fan kami at ngayon ngayon lang nakakita ako ng event na pwede naming puntahan.
Madami kaming iniistan, multifandom kung tawagin.
Kakascroll ko sa fb may nakita akong nagshare na about sa event na gaganapin, "fan gathering" ng mga army (bts fans).
Aayain ko si bhex baka gusto nya manood sure ako daming fanboys don, saka gusto ko den makakilala ng bagong kaibigan na army den diba.
Tatawagan ko nalang muna si bhex, ask ko sya, sa january pa naman yon eh.
Ring Ring Ring....
Oh tatawagan ko palang nauna pa tumawag sakin.
Bhex calling....
"Hello bhex tat......." pinutol nya sasabihin ko kase nagsisigaw na sya.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaa bhexxxxxxxx" ansakit naman sa tenga sigaw netong babaitang toh.
"Oh baket ka tumawag, tatawag palang sana ako eh" sabi ko sakanya nung natapos na kakasigaw.
"So ayun na nga bhex , gusto ko lang sabihin na gusto kita ayain sa event sa january, may fan gathering ang mga army tapos madaming gwapong fanboys don tapos madaming performers tapos madaming freebies tapos magsasaya tayo tapos madaming merch kelangan natin ng madaming pera para don, pagiipuan natin yon tapos 350 lang ticket non tapos first come first serve tapos may mga cosplayer don tapos hahanap tayo ng magiging kaibigan na army dennnnnn yeheyyyyy!!" Sunod sunod na sabi nya, pagkatapos nya sabihin lahat yan hihinga hinga na sya aishhh...
"Ako naman magsasalita okay??" Tanong ko muna sakanya.
"Hmmmm" pag sang ayon nya ,naghahabol padin hininga eh.
"So dapat tatawag ako para sabihin din yung about dyan pero since alam mo naman pala, iready nalang natin pera tas makipag meet up tayo bukas para sa tickets??" Tanong ko sakanya alam kong bago tumawag toh saken eh naiready na lahat.
"Sige sige ready na money ko, pasama tayo bukas kila ven at kyle medyo malayo din kase yon" suggestion nya.
"Kahit di naman natin ayain yon sasama at sasama yung mga yon, time na natin para sumaya after ng kalbaryo sa school since sembreak naman ngayon" kahit di naman kase talaga sabihan yung dalawa sure na sasabit samin eh.
"Yep yep tas sabay sabay den tayo punta simenteryo sa friday"
"Sige sige babye na, lets go na bukas ha,ako na mag message dun sa organizer para sa tickets natin" sabi ko...
"Okie babye thankiesssss lab lab bhex" pagkatapos non pinatay na nya tawag.
Tinext ko na si kyle at ven na samahan nila kami bukas pag kuha ng ticket at ang sabi ba naman sa text ay....
"Apat na ticket kamo bibilin mo, sasama din kami ni kyle sa mismong event para may kasama kayo"
Yan ang reply nya syempre di nako aangal nagsabi na eh, gusto naman nila kaya go na den hahaha...
Nagmessage ulit ako dun sa organizer na imemeet up namin bukas na 4 tickets na kukunin ko buti pala may ipon ako para sa mga ganto...
Fangirling mode kami kahit matagal pa yon pero atlease sure na makakapunta kami...
1k na budget is enough na siguro sure naman kase na di kami mamasahe dahil panigiradong ipapahatid kami ng mama nya don eh, hatid at sundo yun for sure , kilala ko na si tita lagi namang ganon...
Paniguradong magiging masaya yon kasi andaming army don, hayyyyysss kaso bawal magpantasya masyado sa fanboys kasama namin yung dalawa eh hahaha...
Matutupad na isa sa pangarap ko, "ANG MAKASAMA SA PURPLE OCEAN" exzoyted na kami ng army bomb ko , oo maliit na purple ocean lang yon kasi fan gathering lang pero atlease makakasama kami awiiiiiii ka excite ...
End of chapter 10
BINABASA MO ANG
WHY YOU? (On Going)
Teen FictionMay mga bagay talaga tayong hindi natin maiiwasan, lalo na ang mafall sa maling tao na hindi ka kayang ipaglaban o hindi kayang ibalik ang pagmamahal kase hanggang kaibigan lang na hindi nya kayang gawing ka-i-bigan pero siguro posible naman yon dib...