CHAPTER 32:Revelation
Ven's POV
"May nagugustuhan kana ba?" Tanong ni ketty , nakatingin silang tatlo sakin na parang gustong gusto nila malaman kung meron o wala
Diko alam kung sasabihin ko bang meron o hinde eh, alam naman ni kyle na meron yung dalawa hindi.
"Ahmm oo" sagot ko sakanila.
Nakita kong napayuko si ara,malungkot ba sya?
"Woah sino yan?" Tanong pa ulit ni ketty.
"Another question yan eh, tara na nood na tayo ulit movie" di pa ko ready na malaman nila
...
Sabi ni dad aalis daw kami bagi sya umalis ulit eh, imimeet yata namin yung family nung friend nya dun sa trabaho nya. Sabi din ni dad na may anak na babaeng kaedad ko yung kaibigan nya at inireto ba sakin baka daw magustuhan ko ,payag na payag daw sya na maging girlfriend ko yon at sabi nya nakita nya daw sa picture at maganda daw.
Pero malabong magustuhan ko yon, may gusto na akong iba eh. Wala akong balak sana sabihin kay kyle kung sino kaso matanong sya. Tinanong nya yon nung nakila ara kami eh.
*FLASHBACK*
" dude umamin ka nga may gusto ka ba kay hairee?" Tanong ni kyle sakin habang yung dalawang prinsesa namin tulog na.
"maganda sya, mabait din tapos matalino" sagot ko sakanya
"so may gusto ka nga sakanya?" Parang di tamang dito pagusapan yan, baka magising yung dalawa at siguro ipaalam ko na sakanya kung sino talaga gusto ko para tapos na at wala ng tanong.
"sa labas nga tayo magusap may sasabihin ako sayo" pabulong na sabi ko sakanya.
Lumabas kami at bumaba kami sa sala.
"Ano may gusto ka ba kay hairee?" Direktang tanong nya sakin.
"Dude wala" direktang sagot ko din.
"Eh bakit sabi mo kanina maganda sya,matalino at mabait?" Hays.
"Oo pero wala akong gusto sakanya kase may nagugustuhan akong iba" nanlaki naman ang mata nya sa sinabi ko.
"Sino yan?" Tanong nya sakin.
Tumayo ako para sabihing...
"Inaantok nako tara tulog na tayo" hinatak ko sya patayo.
"Si ara" bulong ko sakanya pagkahatak ko sakanya.
Di sya nagsasalita habang paakyat kami
"Wag mo sasaktan yon, boto naman ako sayo kasi bestfriend ka din naman namin pero pag sinaktan mo yon nako ven." Sabi nya sakin nung malapit na kami sa pinto.
"Wala pa naman akong balak umamin, kelangan ko muna makagraduate diba. Alam ko namang di papayag magpaligaw si ara hanggat di pa tayo graduate kaya secret nalang muna" tinapik ko yung braso nya at saka pumasok sa kwarto ni ara, sumunod na din sya mga ilang segundo nakalipas.
*END OF FLASHBACK*
Ara's POV
Ilang oras nalang new year na, malapit na mag 2020.
Dito sa likod bahay daw kami magcecelebrate ng new year ,dito malapit sa pool.
Kami palang ni kuya tao dito sa labas kasi busy pa sa kusina sila papa at mama. Kami ni kuya erjay ang nagayos ng mga lamesa na paglalagyan ng pagkain.
At dahil tapos na ang gawain namin ni kuya ,naupo nalang muna kami dito.
"Ra" pag tawag nya sakin, ra lang talaga tawag sakin nyan madalas. Tatlong letra na nga lang pangalan ko binawasan pa isa pero ayos na yon kesa mae ang itawag sakin.
"Baket why ano meron ha" pagbibiro ko sakanya.
"Hmmm may crush kana noh" inaasar nanaman nya ko.
"Wala ah" pero sa pag deny ko nayon ay nangingiti ako.
"Sus meron eh sino bayan, secret lang namin kila mama" sabihin ko na kesa kulitin pako ng kulitin at baka mamaya biglang itanong ulit sa harap nila mama.
"Hmm"pag tango ko sakanya.
"So may crush na nga ang baby girl namin huh" pang aasar nya sakin.
"Kuyaaaa shh kalang" pag saway ko sakanya ang ingay kase baka mamaya andyan sila mama eh.
"Bestfriend ko" sabay tayo ko para pumunta na sa loob para dina magtanong pa si kuya.
"Hoy sino yon ha!!" Medyo pasigaw na sabi ni kuya kasi naglalakad nako papasok ng bahay.
End of chapter 32
![](https://img.wattpad.com/cover/189964264-288-k50006.jpg)
BINABASA MO ANG
WHY YOU? (On Going)
Genç KurguMay mga bagay talaga tayong hindi natin maiiwasan, lalo na ang mafall sa maling tao na hindi ka kayang ipaglaban o hindi kayang ibalik ang pagmamahal kase hanggang kaibigan lang na hindi nya kayang gawing ka-i-bigan pero siguro posible naman yon dib...