CHAPTER 24

20 2 0
                                    

Chapter 24: Birthday (part 2)

Ara's POV

Ansaya saya naman ngayon, puro favorite ko inihanda ni mama kagaya ng carbonara, buttered shrimp, lumpiang sariwa with peanut sauce, barbeque, kaldereta, hamunado, and for the desserts ay coffe jelly, graham cake , graham balls, casava cake, maja blanca, at di mawawala ang ice cream na cookies and cream.

Kaka-akyat palang namin dito sa kwarto ko para magpahinga at magkwentugan. Pare pareho kami na madaming nakain kaya pare pareho din kaming busog na.

"May dala ba kayong pamalit? O di kayo dito matutulog?" Tanong ko sakanila na puro nakatutok ang atensyon sa pagce-cellphone.

"Syempre dahil ready kami,may dala kami. Buti nalang may seminar bukas kaya walang pasok." Sagot ni ketty. Nakaupo kami lahat sa kama ngayon tapos magkakaharap. Nakaupo ako sa may tapat ng head board tapos sa kanan ko si ketty , nasa kaliwa ko naman si kyle so sila ang magkatapat tapos si ven katapat ko, nakapabilog kami.

"Sobrang ready nyan kaya pati kami damay, pinagdala din kami ng panswimming eh" si ven naman nagsalita na tatawa tawa.

"Ayan pala eh, aayain ko sana kayo magswimming kaso naalala ko baka wala kayong dalang damit pero meron naman pala so mamayang 10:00 pm swimming tayo?" Pag aaya ko sakanila, 8:13pm palang naman, makakapagpahinga pa kami.

"Kanta nalang muna tayo" masiglang suggest ni ketty.

"Pwede naman, ano ba magandang kantahin?" Dugtong naman ni ven.

"Ayokong kumanta ha, baka mainlove yung isa dyan sa boses ko" pabirong sabi ni kyle.

"Sino namang maiinlove?, ako? Eh ang panget panget ng boses mo psh" sagot naman ni ketty. Eto nanaman sila, mag-aasaran nanaman sila.

"Wala naman akong sinabing ikaw yung maiinlove saken ah" pagsagot ni kyle.

Natahimik ng ilang segundo si ketty pero sumagot din naman agad. Manonood nalang muna kami ni ven ng asaran nila dito, kahit natatawa nako dapat parin pigilan.

"Alangan naman kasi na si Ara yung mainlove eh pinsan mo yan tsaka alangan din naman kay Ven kasi lalaki yan!!" Sagot naman ni ketty. Mukang kelangan namin ng popcorn ah.

"Wala parin naman akong sinabing ikaw ah, pwede kaya si Ven malay mo mabakla sa boses ko yan" nakatinginan sila ni ven. Yung tingin ni ven parang nandidiri kaya nauwi kaming apat sa tawanan.

"Ano na kakantahin natin?" Tanong ni ketty. "Alam ko na!yung ano nalang" dagdag pa nya.

"Yung ano?" Sabay sabay namin na tanong nila kyle.

"Yung I love you 3000 by Stephanie poetri & Jackson wang na version" suggest nya .

"Wait may kukunin lang ako saglit"pagpapaalam ni kyle. Nagpunta sya dun kung san nakalagay mga gamit nila.

"Alam ko chords nyan, ako na mag-gigitara para may ambag naman ako" sabi ni kyle pagkaupong pagkaupo nya.

"Super ready ka insan ah, dinala pa talaga pati gitara" sabi ko sakanya.

"Syempre alam ko naman na magkakantahan tayo ngayon. Alangan din naman na yung ukulele mo gamitin ko eh hindi ako sanay mag ukulele"

"The best ka talaga" nag thumbs up ako sakanya.

"Si ara at ven nalang muna kakanta ha, ara as stephanie tapos ven as jackson. Mamaya kana ketty, mag solo performance ka dyan mamaya." Lakas talaga mang asar netong si kyle eh.

"Sige ba, basta mag-gitara ka mamaya ah" aba himala di napikon si ketty.

"Eto na mag start nako ha" sabi ni kyle.

"Game" sagot naming tatlo.

Ansaya naman ,madidinig ko nanaman kumanta si ven. Sobrang ganda ng boses nya pero madalang lang sya kumanta at yung madalang nayon eh puro kaming tatlo lang ang nakakadinig.

~Baby, take my hand
I want you to be my best friend
'Cause you're my Iron Man
And I love you 3000
Baby, take a chance
'Cause I want this to be somethin'
Straight out of a Hollywood movie~

Sinimulan ko na ang pagkanta nung nagsimula na mag strum si kyle

~See you standing there
And nothing compares
And all I can think
Is, "Where is the ring?"
'Cause I know you wanna ask
Scared the moment will pass
I can see it in your eyes
Just take me by surprise~

Nakangiti akong kumakanta habang nakatingin kay ven. Sya katapat ko eh syempre sakanya ako titingin pero yung mga paro paro sa tyan ko nagwawala na.

~And all my friends, they tell me they see
You're planning to get on one knee
But I want it to be out of the blue
So make sure I have no clue~

~When you ask~

~Baby, take my hand
I want you to be my best friend
'Cause you're my Iron Man
And I love you 3000
Baby, take a chance
'Cause I want this to be somethin'
Straight out of a Hollywood movie~

Ayan na part na ni jackson means part na ni ven, naeexcite yung puso ko.

Ay este ako pala yung naeexcite.

~I see you standing there
And I can't help but stare~

~I'm ready to bring
Your wedding ring
On the day that we met
I wanted to ask~

~If you'd be by my side forever~

Sobrang ganda talaga ng boses nya. Gusto ko pakinggan yung pagkanta nya araw araw.

~And all your friends, they tell you they see
Me, planning to get on one knee
I'll make sure it's out of the blue
I promise you'll have no clue~

~When I ask~

Eto ang unang beses na kumanta sya sa mismong birthday ko.

~Baby, take my hand
I just wanna be your best friend
'Cause I'm your Iron Man
And I love you 3000
Baby, take a chance
'Cause I want this to be something
Straight out of a Hollywood movie~

~Da da, da da da dum
No spoilers please
Da da, da da da dum
No spoilers please~

Sabay naming kanta.

~Baby, take my hand
I want you to be my best friend
'Cause I'm your Iron Man
And I love you 3000
Baby, take a chance
'Cause I want this to be something
Straight out of a Hollywood movie, baby~

Baby... kelan kaya kita matatawag na ganyan. Ano kaya status natin 10 years from now.

~Da da, da da da dum
No spoilers please
Da da, da da da dum
No spoilers please
Da da, da da da dum
No spoilers please
Da da, da da da dum~

~And I love you 3000~

Natapos namin yung buong kanta na magkatinginan kami sa isat isa. Sarap nya titigan habang kumakanta.

"Yehey tapos naaaaaaa ako naman" pagpalakpak ni ketty.

"Anong ikaw na. Mamaya kapa dun sa pool para pag tapos mo kumanta ihuhulog kita" nang aasar nanaman tong si kyle oh, napakahilig asarin si ketty.

"Ikaw kaya ihulog ko sa pool, sapukin kita dyan eh" ayan na ang pikon.

"Sapukin ng pagmamahal?" Aba bumabanat ni kyle ah.

"Yuckkk ewwww" yuck ew daw pero kinikilig sa loob loob nya yan.

"Oh bakit namumula pisnge mo?" Tignan mo nga naman si ven sumali pa sa pang ookray kay ketty.

"Hoy Ara mae feel na feel ang pagkanta ah pero infairness ang gaganda parin ng boses nyo, walang kupas" pagbabago nya ng usapan.

"Iniiba usapan yieeeeee" pang aasar ko sakanya.

"Hindi ah, tignan mo dali vinideohan ko ipinatong ko dun yung cellphone ko. May maidadagdag nanaman ako sa album ko" hindi daw iniiba usapan pero halata namang iniiba talaga.

"Sige pasa mo sakin mamaya yan ha" sabi ko kesa asarin ko lalo, kawawa naman.

End of chapter 24

WHY YOU? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon