Chapter 19: the plan
Ketty’s POV
At dahil advance ako mag isip, tinanong ko muna si ara kung nasaan sya at ang sabi nya ay nasa simbahan daw. Tatanungin ko din dapat kung aalis o may pupuntahan paba sya kaso kasama na sa sagot nya na pauwi na eh, for sure wala ng ibang pupuntahan yon.
Pero ano kaya ginawa non sa simbahan
Maya maya lang siguro makakauwi na yon si ara panigurado, maitext na sila ven na pumunta dito dahil may sasabihin ako. Gusto ko pag dating palang nila malalaman na pagpaplanuhan namin yung birthday ni ara kahit may 2 weeks pa kami.
To ven ven:
Hoy ven kung ako sayo pupunta nako dito samin. Daanan mo nadin si kyle ha, bilisan nyo wag nyo itetext si ara o sabihin na punta kayo dito ako na bahala sakanya. Alam kong papayagan ka ni tita kaya tara na ha, alam ko ding wala kang ginagawa.From ven ven:
Sige maliligo muna ko, ano ba sasabihin mo?Aba naman tong batang toh.
To ven ven:
Yakkkk mabaho ka dipa naliligo hahaha, maya ko na sabihin kapag andito na kayo psh edi kapag sinabi ko alam nyo na agad .From ven ven:
Naligo nako kanina , kakagising ko lang kase kaya gusto ko maligo ulet ang inet eh.To ven ven:
Wala mabaho ka paden, sige na ligo na bilisan nyo ni kyle, wag mo kakalimutan yung tukmol nayon.From ven ven:
k.wow ha, ibang klase ka talaga hays. Hala, hala, hala yung binibake kong cookies baka masunog. Nagtatakbo ako sa kusina dahil baka sunog nayon.
Aray ko pucha naman tumama pa yung hinliliit ko sa paa ng lamesa, pag talaga yung hinliliit ko sa paa namatay ako mismo puputol nung paa ng lamesa syempre hindi paa ko.
kinuha ko kaagad yung basahang pangbukas ng oven, maiinit kaya yung handle.
Pareho kami ni ara na mahilig magbake at magluto, actually mas masarap sya magluto, pwede na nga magasawa eh joke lang.
Buti dipa sunog, pero kung natagal pako konti sunog toh at paniguradong lagot kay mudra. Pag katapos kong ihanda yung cookies at juice sa lamesita sa sala saktong dating nila ven.
Pinagbuksan ko sila ng pinto syempre, ganon akong kabait na kaibigan dahil malamang di makakapasok yan ng nakasara pintuan kaya dapat talagang pagbuksan.
“pasok mga hangal” gandang bati. Nakita kong nilibot agad ni ven mata nya , hinahanap siguro si ara.
“si ara? Saka ikaw lang tao dito?” tama ako diba. Naupo na sila sa sofa, feel at home diba. Walang tao ngayon dito, day off ni manang lily tas si mama may pinuntahan kaya ako lang tao dito, ansaya diba.
“sabe sayo ako na bahala ke ara eh, andon sa bahay nila malay ko anong ginagawa non, umalis si mama at day off naman ni manang” tumatawa kong sabi na ikinakunot naman ng noo nya.
“okay ang akala ko ikaw na bahalang magpapunta sakanya tas dimo pala papapuntahin” nakakunot padin ang noo nya.
“tingin mo sakin adik? Papapuntahin ko dito yung pagpaplanuhan naten hays eto na nga, kaya ko kayo pinapunta dito kasi naisipan kong isurprise sya sa birthday nya” i'm so brilliant talaga.
“hala pano yan natext ko si ara na nandito kami” sabi bigla ni kyle. Seryosong seryoso ang muka nya.
“sige” agad kong sagot.
Ha? Ano ulit yon? Tinext si ara?
“hoy hala siraulo ka talaga noh bat mo tinext!! Wala na napaka epal mo talaga, kyle naman eh” hinampas ko sya ng isa nung narealize ko kung ano sinabi nya at naupo ulit na parang nanlulumo.
“hoy hahahahahahahaha” tignan mo toh tuwang tuwa pa.
“BAKET? EPAL KA NOH.” Sinamaan ko sya ng tingin.
“ joke lang naman kase, dika naman mabiro grabe ka kakabado noh, sinabi naman ni kyle na wag daw itext dahil sabi mo daw” tatawa tawang sabi nya, Nakita ko din si ven na tawang tawa sa kalokohan ng kaibigan nya.
“napakabwisit nyo talaga kahit kalian, kung di dahil kay ara baka diko kayo papapuntahin dito na kayong dalawang bwisit lang hmp” umabot nalang ako ng cookies at kinain yon, si kyle naman kumuha din at kinain.
“ikaw nagbake neto noh di masarap eh” napaka talaga netong isang toh kahit kailan.
“oo ako at kung hindi masarap edi wag kakumain si ven nalang tss” kapikon toh ah.
Nakita ko syang kumuha pa psh di pala masarap ah, ako paba magluto ng di masarap , imposible ata yon.
“tama nayan, paliwanag muna ketty pano gagawin sa surprise, susunduin kami ni mang jun bago magdinner, sa bahay kasi ako mag di-dinner” sabat ni ven.
Tinignan ko muna si kyle bago magsalita, nakatingin ito sakin at nilakihan ako mata, inirapan konga.
“so ganito una sa lahat makinig kayo kase diko na uulitin toh, tapos ambagan tayo ha, pambili ng bagay bagay at dahil nga advance ako mag ambag kayo tig 500 so 1500 ang pera, next week mamimili tayong tatlo, mayaman naman kayo kaya keri nyo nayon. Tapos palalabasin natin na di tayo makakapunta sa birthday nya, nasabi nya nung nakaraan na tayo tayo lang daw non, bale tayong apat at mama nya lang, pwera nalang kung uuwi kuya at papa nya.” Hinga hinga.
“ pano ko, pinsan ko yon ano idadahilan ko pag di makakapunta?” tanong ni kyle.
“well problema mo nayon, kausapin mo nalang mommy mo, sabihin mo surprise kay ara kaya kapag nagtanong kay tita sabihin nalang na may pupuntahan.” Hays naman.
“so ambagan tas mamimili next week tapos di makakapunta tayong tatlo. Kakausapin ko si mama nya sasabihin ko plano natin. Kapag pinaalala lang ni ara na maghahanda sya sa birthday nya saka lang tayo magsasabi na di tayo makakapunta, tapos sa regalo kanya kanya nalang tayo ha, yun palang naiiisip ko na gagawin sa surprise, text ko nalang pag may dagdag” andami ko nanaman nasabi. Ang ganda ng plano pero paiiyakin muna namin ang birthday girl.
“si ven may regalo na, namili kahapon yan eh, nagpapasama kaso diko nasamahan” pang aasar ni kyle.
“ wow naman ikaw pala tong advance eh, ano regalo mo?” paguusisa ko kay ven.
“ secret na malupet bawal sabihin, surprise den” tawa tawa pa sya ha.
Nadinig naming may bumusina na sa labas, sundo siguro nila.
“nagtext na si mang jun andyan na daw sya sa labas”sabi nya habang hawak ang cellphone nya, tama ako driver nga nila yung bumusina.
“una na kami ketty, ingat ka dito tas lock mo pinto magisa ka pa naman. “ sabi ni ven at tumayo na sila. Nagsimula na sila lumakad palabas ng nagsalita si kyle.
“wag mo na kami ihatid sa labas, maglock kana ng pinto pagkalabas namin” ay wow may concern huh.
“oo sige na yes, babye ingat kayo sa byahe” kinawayan ko sila.
Pagkalabas nila naglock na ako ng pinto.
Oh naubos pala yung cookies, tatlong piraso lang ata nakain ni ven eh ang dami kong binake, ibigsabihin andaming nakain ni kyie. Psh loko talaga yon, di pa pala masarap yung lagay nayon.
End of chapter 19
BINABASA MO ANG
WHY YOU? (On Going)
Teen FictionMay mga bagay talaga tayong hindi natin maiiwasan, lalo na ang mafall sa maling tao na hindi ka kayang ipaglaban o hindi kayang ibalik ang pagmamahal kase hanggang kaibigan lang na hindi nya kayang gawing ka-i-bigan pero siguro posible naman yon dib...