Chapter 15: crying baby
Ara's POV
Paggising ko kanina masama na pakiramdam ko at one week ko na din di binabanggit ang pangalan nung boybestfriend ko saka cold din ako sakanya.
Hays basta lagi nanaman sila magkasama nung hairee nayon,saka oo may gusto ako sakanya pero di ako magiging marupok ng dahil lang don.
Pumasok padin ako ng school kahit na masama pakiramdam ko,chineck ko kanina temperature ko bago ako umalis ng bahay at sinat lang naman ang meron ako kaya pumasok padin ako ,ayoko din naman umabsent.
Hindi ko din sinabi kila kyle na may sinat ako dahil magaalala nanaman yon at baka dalhin ako sa clinic,sinabihan ko na agad si bhex na ayoko sabihin kila kyle na masama pakiramdam ko.
At isang linggo nadin ako binabagabag ng nakita ko.
*FLASHBACK*
Nakita ko si hairee kanina sa resto na pumasok at parang may iniintay. Hinayaan ko nalang sya, pake ko ba sakanya.
Habang nakaupo ako sa upuan dito samay DQ at nakikipagkwentuhan kay ate julianna, nahagip ng paningin ko si ven na pumasok sa danbam restaurant kung nasan si hairee kanina na katapat lang ng DQ.
Binalikan ko sya ng tingin dahil akala ko namamalikmata lang ako pero tama ako,mukang sya yung kikitain ni hairee.
Nagulat ako sa nasaksihan ko, diko alam bakit pako tumungin.
May gusto palang ako sakanya nasasaktan na ako agad.
Nakita kong hinalikan ni hairee si ven kaya tinanggal ko na agad yung tingin ko.
Parang unti unting nadudurog yung puso ko.
Andaming tanong sa utak ko ngayon.
Bakit?bakit hinalikan ni hairee si ven?
Anong relasyon nila?
Anong meron sakanila?
Nagdedate ba sila kaya andito sila?
Bakit hindi nagsasabi si ven?
Sila naba? Bakit hindi namin alam?
Nililigawan naba ni ven si hairee?
Bakit ansakit, gusto ko palang naman sya ah.
Bakit ganto epekto sakin?
"Ara bakit ka umiiyak?" Tanong ni ate julianna.
Ngayon ko lang naramdaman na tumutulo na pala luha ko.
"A-ahh w-wala po toh, w-wag n-nyo nalang po a-ako intindihin." Utal utal kong banggit, pinipilit kong pigilan yung luha ko pero patuloy parin itong umaagos.
"Pwede ka namang magkwento,ansaya natin nagkukwentuhan kanina tapos bigla bigla ka umiiyak dyan,may nasabi bakong mali?" Sabi ni ate julianna.
"A-ate nakikita mo po ba sila?" Sabay turo ko kila ven at hairee,kumakain na sila.
"Ahmm oo, ano ba meron?" Sabi nya na nag aalala,buti wala pa sya costumer.
"Best friend ko po yung lalaki tas yung babae po kaibigan nya po sa section nila, may gusto po ako sa best friend ko at sa totoo lang po kanina ko lang po narealize yun"
"Girlfriend na ba nya yung girl?" Curious na tanong nya.
"Diko po alam eh,wala pa naman po sya sinasabi pero nakita ko po si hairee na hinalikan si ven kanina at masakit yun ate kahit na di man po sila o dipapo nililigawan bakit hinalikan?" Tanong ko habang tumutulo padin luha sa mata ko.
"Baka naman kiss as friend lang yon"pagpapakalma nya.
"Sana nga po ate, una napo ako ah gusto ko papo sana mag stay kaso po sa nakita ko nawalan napo ako gana nagliwaliw"paalam ko sakanya,unti unti na tumugil pagluha ko.
"Sigi baby girl,thank you sa pagkwento" sabi nya.
"Wala po yon ate,thank you po sa pakikinig" nginitian ko sya.
Kanina lang narealize ko sa sarili ko na may gusto ako sakanya tapos ngayon nasasaktan ako agad.
Pagkauwi ko naghalf bath ako at nagpahinga na.
*END OF FLASHBACK*
Nung uwian lalo sumama pakiramdam ko sa sinabi ni kyle,di nanaman daw sasabay yung isa samin, tsk.
Di na kami tumuloy kase nahalata ni kyle na masama pakiramdam ko,may lagnat nako. 2nd to the last subject may lagnat nako hays ,sana makapasok ako bukas.
Nanlalata nako gusto ko na matulog pero may nagdoorbell sa pinto sa baba.
*Ting ting ting ting
Ano bayon sunod sunod,tss matutulog nako. Baka si mama lang yon. Si manang chami na magbubukas non gusto ko na magpahinga.
*Tok tok tok
"Maam may bisita po kayo" sino bayon argggghh.
"Papasukin nyo po dito manang" nanghihina kong sabi.
"Pasok daw po kayo" sabi ni manang.
"Thank you po manang" yung boses na yon...
End of chapter 15
BINABASA MO ANG
WHY YOU? (On Going)
Teen FictionMay mga bagay talaga tayong hindi natin maiiwasan, lalo na ang mafall sa maling tao na hindi ka kayang ipaglaban o hindi kayang ibalik ang pagmamahal kase hanggang kaibigan lang na hindi nya kayang gawing ka-i-bigan pero siguro posible naman yon dib...