CHAPTER 27

8 2 0
                                    

Chapter 27: Christmas Gifts

Ara’s POV

“Bakit nga pala ako unang sinundo mo?” tanong ko kay ven.

Andito kami sa sasakyan nila ven. Papunta na kami kila kyle. Bibili kasi kami ng pangreregalo namin.

“sabi ni kyle unahin na daw kita eh” mabilis na sagot nya.

“ahhh okay” bat kaya ako pinauna non. “ay nga pala pano sistema ng exchange gift nyo?” dagdag na sabi ko.

“nagbunutan kami pangalan malamang” napaka pilosopo talaga neto.

“I mean, lalaki sa lalaki at babae sa babae ang bunutan o buong klase halo halo?” ayan mas malinaw nako.

“ahhh, ayaw kasi lilinawin” sabay tawa.

“dali na kasi.”

“gusto nila eh yung lalaki sa lalaki at babae sa babae para daw alam ng isat isa kung ano gusto nung nabunot kase nga mas kilala ng lalaki ang lalaki diba” pagpapaliwanag nya.

Buti naman ganon, ibig sabihin non di sya mabubunot yung hairee nayon.

“ay ganyan din samin tapos 100 pinaka mababang presyo. Kami na daw bahala kung gusto namin mas mahal don gagastusin namin”

“same same. Dahil alam kong kuripot ka, hulaan ko ang hahanapin mong regalo eh yung tig 100 pesos lang talaga” sabay tawa nya bigla. Hampasin ko toh isa eh tignan natin kung di manahimik.

“excuse me kahit gusto kong magtipid at gawin yang hula mo eh diko gagawin kase nakakahiya naman sa pagreregaluhan ko puro pa naman galante mga kaklase kong  babae” pagtanggi ko.

“oh diba inamin na kuripot sya” kanina pako trip neto ah.

“tse! bahala ka nga dyan” umiwas nako ng tingin sakanya.

Hanggang masundo si kyle at ketty ay inaasar padin ako ni ven. Naguguluhan nga yung dalawa  kase tinatawag lang ni ven pangalan ko eh asar na asar nako eh.

Andito na kami sa mall para mamili. Napagkasunduan namin na maghiwa hiwalay ng landas sa mall para mas mabilis kami matapos sa pamimili namin. May load naman kaming apat kaya magtext nalang kami kung nasan ang isat isa at kung tapos naba mamili para makakain na din kami.

Napagdesisyunan ko na dito muna sa department store tumingin kung may croptop at dress ba dito. Ganon kasi manamit yung nabunot ko.

Andito nako sa penshoppe ngayon, andami ko ng nadaanan na ibang shop na may croptop at dress kaso walang magagandang design.

Nagsimula nako magikot ikot.

“ay bet ko toh” sabi ko sa sarili ko.

Ang ganda kasi nung dress ang simple nya tignan. Kaso yung mga crop top dito di ko bet. May nakita ako kanina sa isang shop ng mga damit na may magandang crop top. Babalik ako don pagkabayad ko.

“eto nalang , kasya naman siguro sakanya toh” nagsimula nako maglakad papunta sa counter para mabalikan ko na yung crop top sa kabila.

Sakto isa lang yung nagbabayad, ako na sunod.

Pagkabayad ko ay lumabas nako agad para magpunta sa shop kung nasan yung croptop.

Tapos na kaya mamili sila ketty? Nakabili na din ako ng regalo para sa kanilang tatlo eh. Nakakita kase ako kanina habang naglalakad lakad dito sa loob ng mall.

“maganda naman sigu--- ay palaka masakit” aray ko  naman nakabangga pako, dapat pala gumilid muna ako bago ko tignan yung damit na nabili ko.

“eto naman laging pinagiinitan yung palaka. Nung nakaraan sa ice cream ngayon naman sa masakit may palaka din” natatawang banggit ni ven.

Si ven lang pala buti nalang di ibang tao, nakakahiya yon.

“aish bat kase dika tumitingin sa dinadaanan mo?” sabi ko sakanya.

“ ako ba talaga o ikaw” oo nga noh nakatingin ako sa damit.

Ven’s POV

Tinext ko silang tatlo para malaman ko kung tapos na ba sila mamili kasi nagugutom nako.

Nagreply naman yung dalawa at tapos na daw sila kaya sabi ko magkita nalang kami sa shakeys. Si ara naman di pa nagrereply, di pa siguro nakita text ko.

Hanapin ko nalang siguro. Di pako nakakalimang minuto sa paglalakad nakita ko na agad sya naglalakad papalapit sakin pero nakatingin sa binili nya. Huminto ako, antayin ko syang bumangga sakin.

“maganda naman sigu--- ay palaka masakit” tignan mo toh sinisi nanaman sa palaka

“eto naman laging pinagiinitan yung palaka. Nung nakaraan sa ice cream ngayon naman sa masakit may palaka din” natatawa kong sabi.

“aish bat kase dika tumitingin sa dinadaanan mo?” parang ako dapat nagtatanong sakanya nyan ah.

“ ako ba talaga o ikaw” balik na tanong ko sakanya. Mukang narealize naman nya na sya yung di nakatingin.

“tapos kana mamili? Tara sa shakeys andon na din yung dalawa. Gutom nako eh” aya ko sakanya.

“di panga eh may babalikan pako sa isang shop  na croptop eh, pangit yung nandito eh” himala di nagkuripot ngayon toh.

“wow di nagkuripot” pang aasar ko ulit sakanya.

“ayan ka nanaman eh. Sakalin kita dyan eh” tignan mo toh nanghahamon nanaman.

“wag masakit yon,magtatatlong oras kanang naglilibot di ka padin tapos, tara na nga samahan na kita sa babalikan mo. Bilis gutom nako eh”

“takaw mo talaga” asar nya saken.

“parang ikaw di matakaw ah” asar ko pabalik sakanya.

After nya balikan yung  croptop na sinasabi nya ay dumeretso na kami sa shakeys at umorder ng isang large na pizza. At dahil nga matakaw kaming apat  naubos namin yung pizza. Baka nga gutom pa si ara eh , takaw pa naman yon.

Pagkatapos kumain nagpahinga lang kami saglit tapos umuwi narin.

End of chapter 27

WHY YOU? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon