Chapter 21: let's do it
Ven's POV
Today is sunday, bukas na ang birthday ni ara at napagdesisyunan namin na si kyle lang ang alam ni ara na makakapunta. Ang unang plano namin ay tatlo kami dapat na di makakapunta pero naawa naman kami kay ara na birthday nya tas wala kaming tatlo, so si kyle ang makakapunta since sya ang pinsan.
Nakapagsabi na si ketty na di sya makakapunta sa kadahilanang may pupuntahan daw sila ng mama nya na importante at di sya pwedeng mawala sa lakad nayon.
Nalungkot si ara pero syempre naintindihan nya naman. Kung ano ano kasi naiisip ni ketty eh.
At eto ako ngayon namomroblema kung pano ko sasabihin kay ara na di ako pupunta, itetext ko ba o ichachat ko? Ayokong magsabi sa personal, alam nya galaw ko kapag di ako nagsasabi ng totoo. Naaawa naman kase ako dun sa bestfriend ko nayon. Si ketty talaga may kasalanan neto.
Bahala na si baymax haysss...
Napalingon ako sa orasan dito sa gilid ko at 8:47pm na pala, edi kanina pa pala ako nakatulala at nagiisip dito.
Makatulog na nga. Bahala na talaga bukas kaya ko toh.
......
Shit kinakabahan ako, kanina pag pasok ko ng school nahagip ng mata ko si ara kausap si ketty sa loob ng room nila. Malapit na magrecess sana di ako kababan sa harap ni ara.
May plano nako kung pano sasabihin. Ang sabi ni ara umuwi daw muna kami ni kyle tapos sumunod nalang kami.
Pag uwian na at nasundo na si ara, pupunta na kami nila kyle sa bahay nila ara.
Ipinahiram ng mama ni ara yung spare key sa bahay nila para makapasok kami tas iset up na namin yung surprise.
Pagkadating namin sa bahay nila or kapag habang nasa sasakyan kami saka ko itetext si ara na hindi ako makakapunta kase nga death anniversary ng lolo ko at pupunta kami doon.
Sana hindi sya magtampo ,ngayon palang gusto ko na mag sorry. Dadalin muna ni tita si ara sa mall para magikot ikot at para libangin si ara.
Yung mga regalo ko nga pala andon na sa bahay nila ara. Dumaan ako kila ara kanina bago ako pumunta dito sa school at shempre pagdaan ko don sure ako na nakapasok na si ara, edi ibinaba ko na mga regalo ko don pero yung kwintas andito sa loob ng bag ko. Magkabukod ng box yung mga kwintas na binili ko pero suot ko na ngayon yung para sakin tas yung kanya nakabox pa.
Recess na pala, nakita ko mga kaklase ko na naglabasan na. Naglalakbay nanaman kase sa kung saan utak ko.
Pagkalabas namin ni kyle ay dumiretso na kami kila ara na iniintay kami sa labas ng room nila.
Di ako masyadong nagsasalita diko alam kung bakit pero kinakababan ako.
"Uy ven" tawag sakin ni ara, sila ketty at kyle alam kung bakit ako tahimik,dahil nga di pako nakakapagpaalam na di ako makapunta sa bday nga.
"Oh baket?" Tanong ko pabalik.
Ven kumalma ka nga, pupunta ka naman talaga eh, para naman sa surprise yon. Pati sarili ko nakakausap ko na aish.
"Ahmm wala lang, antahimik mo kase eh" ayan na nakahalata na nga si ara.
"Wala toh gutom lang ako" ipinakita ko sakanya yung hawak kong sandwich sabay kagat nito.
"Ahh okay!! basta mamaya ha" masigla nyang sambit. Excited talaga sya , sorry talaga ara sa gagawin namin sana mapasaya ka namin kahit papano.
"Oo naman" nginitian ko sya sabay gulo ng buhok nya.
"Mauuna na kami ni ketty ha, may activity pa kaming di natapos eh mamayang uwian pasahan"paalam ni ara.
"Ay oo nga pala,diba bukas wala daw pasok kasi may seminar daw mga teacher so naisip ko na mag overnight kayo sa bahay mamaya?? Birthday ko naman eh" dagdag nya pa.
"Hala ano bayan sayang di ako makakasama" nagpaawa pa si ketty, galing talaga mag acting neto eh.
"Okay lang yon bhex next time ka sama kana ha?" Tumango naman si ketty sa tanong ni ara. "So ano payag ba kayo,overnight?" Balik na tanong nya samin ni kyle.
"Sige magdadala kami damit, diba kyle?" Siniko ko si kyle para me kadamay ako kinakabahan ako,ano bayan.
"A-ahh oo oo sige sige" lintok nagulat pa ata.
"Sige babye" ansigla nya masyado, birthday eh. Pagkalayo nila nakahinga nako ng maluwag.
"Ano dude? Wag ka na kase maawa, makakapunta ka naman eh" sabi ni kyle.
"Oo mamaya itetext ko kapag nasundo na sya ni tita"
"Ayown, panglungkutin natin si insan kahit saglit ngayong araw" grabe talaga toh oh hays.
.....
Natapos na ang klase namin at nasundo na ni tita si ara. Magkakasama na kami nila kyle. Papunta na kami kila ara. At syempre sabay sabay kami. Si mang jun sumundo samin.
"Oy panget asan pala mga gamit?" Tanong ni kyle kay ketty.
"Makapanget naman toh, di naman ako panget hmp. Malamang andon na kila ara, alangan namang dalin ko sa school yon at ibalandra ko kay ara diba" medyo pasigaw na sagot ni ketty.
Bahala kayo mag away dyan psh...
Oras na para itext ko si ara. Sorry na agad ara.
To Ara Cream:
Ara sorry di ako makakapunta mamaya. Di sinabi ni mommy na pupunta pala kami sa puntod ni lolo ngayong uwian at bukas pa kami uuwi kasi dun kami nag sleep over kila tita. Death anniversary kasi ni lolo eh, sorry talaga babawi nalang ako.
Send ko na toh.
3
.
.
.
2
.
.
.
1
.
.
.
Sent message."Ano dude nasend mo na?" Tanong ni kyle sakin. Medyo nagulat pako sa pagsulpot nya.
"Oo at sure ako na nabasa nya na" sorry talaga ara...
End of chapter 21
BINABASA MO ANG
WHY YOU? (On Going)
Teen FictionMay mga bagay talaga tayong hindi natin maiiwasan, lalo na ang mafall sa maling tao na hindi ka kayang ipaglaban o hindi kayang ibalik ang pagmamahal kase hanggang kaibigan lang na hindi nya kayang gawing ka-i-bigan pero siguro posible naman yon dib...