CHAPTER 17

18 3 0
                                    

Chapter 17:gifts

Ven's POV

"Dude samahan mo na kasi ako" tinawagan ko si kyle para samahan akong bumili regalo para kay ara.

"Ven 2 weeks pa naman bago birthday ni ara tapos bibili kana agad regalo? Excited ka yata masyado" aish naman,saglit lang naman eh.

"Sandali lang naman yun kyle"

"Dude sabi ko sayo aalis kami ni mommy mamaya,sasamahan ko sya mag grocery"

"Sige na nga,ingat nalang sa lakad nyo ni tita salamat" pinatayan ko sya ng tawag hays,akala ko pa naman makakapagpatulong ako sakanya humanap ng regalo tsk.

Kinabukasan nung pinuntahan ko si ara sakanila dahil sa lagnat nya ay hindi sya pumasok kahit na sinat nalang. Tinext ko si tita na kung may lagnat o sinat pa si ara wag muna papasukin.

Sabado na ngayon at 3 days na galing si ara.

2 weeks nalang birthday na nya,gusto ko bumawi dahil nung nakaraang taon di ako nakapunta.

Bumaba nako dahil nakabihis naman na ako pero di pako nagpapaalam,ngayon palang.

"MOM!!!"

"I'm here babyboy"tinawag nanaman akong babyboy hays.

"Mom it's ven okay? I'm a bigboy now"paglinaw ko.

"I know but you're still my babyboy" sabay pisil nya ng pisnge ko.kulit talaga ni mommy.

"But mom---"she put her finger in front of my mouth.

"No buts baby"she wink.

"Okay, papaalam po sana ako. I'm going to the mall po" i smiled.

"What are you going to do there?" Hays naman.

"Bibili po regalo para kay ara, birthday nya napo after 2 weeks"

"Okay,take care. Andyan si mang jun sa labas,magpahatid ka" oh kaya ako nakabihis agad dahil papayagan naman ako ni mommy.

.......

Actually wala pako naiisip na bilin para kay ara eh,i just want to make sure that i have a present to give.

I really need kyle here, pinsan nya yon mas kilala nya naman gusto non kaso busy si kyle diko naman pwede pilitin.

Andito nako sa mall at kanina pako paikot ikot dito. Walang pumapasok sa utak ko.

Natapat ang tingin ko sa national bookstore , mahilig nga pala sya magbasa,pwede na kaya libro sakanya?

Pumasok akong national bookstore at nagsimula ng maghanap ng libro na pwedeng  bilin.

Naghanap ako ng maganda at alam kong magugustuhan nya.

Alam ko naman kung  sino mga author ng nababasa nya sa wattpad, nakikita ko lahat yon sa shared post nya. Sandamakmak kaya magshare yon, about kpop , wattpad at pagkain ang kadalasan doon.

Sa pagiikot at paghahanap ko dito ay nakakita ako ng bundle na libro kaya doon ako pumili,nakapili ako ng dalawang bundle at sa isang bundle na yon ay may tatlong libro kaya anim na libro lahat. Bumili din ako ng paper bag na medyo malaki para paglagyan non at ng iba ko pang mabibili.

Pwede ko gastusin kahit na magkano, credit card ko ang gamit ko at para kay ara naman.

Bakit sa pagikot ko dito kanina diko nakita mga nakikita ko ngayon. Pumasok ako sa department store at naisipan ko syang bilan ng pants dahil laging ganon ang suot nya.

Nakapili nako ng pants para sakanya kulay black at gray ang napili ko, favorite colors nya yon.

After ko makapili umikot pako sa department store, andaming damit dito. May crop top,t shirts, dresses at madami pa,may section din ng makeups.

May nadaanan akong dress kanina at feeling ko babagay kay ara yon.

"Balikan ko nga"

Pagkakita ko dito ay agad ko na itong kinuha.

It's a white sleeveless dress na hindi lalagpas sa tuhod. Sobrang simple neto at bagay na bagay kay ara,alam ko namang di nagdedress yon pero masusuot nya din toh balang araw.

After ko magbayad sa department store naisipan ko ng umuwi, 3 hours nakong nagiikot dito at ayokong abutan ng dilim.

Habang naglalakad ako palabas napako ang tingin ko sa isang jewelry shop,nakita ko nalang ang sarili ko na naglalakad papunta dito.

I saw a necklace na sobrang ganda.  Bilog yung pendant nya pero may butas sa gitna.. parang singsing na maliit at medyo makapal. May diamonds ito sa paligid. (Picture below)

"Miss how much is this?" Tanong ko sa babae

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Miss how much is this?" Tanong ko sa babae.

"Ahm sir do you want to take a look?" Tanong nya kaya tumango ako.

Habang inilalabas nya ang kwintas mula sa salamin ay sinabi nya ang presyo na medyo kamahalan at kung saan ito gawa.

"By the way sir it's a couple necklace po"itinuro nya yung sign na "couple jewelries" hindi ko napansin yon kanina ah,pero ang ganda talaga neto kahit na medyo may kamahalan.

"It's okay, I'll buy it" inilabas ko ang credit card ko at inabot ko ito sakanya.

Kung nandito si ara paniguradong pipigilan ako non. Ayaw nun na gagastusan sya ng mahal eh.

May pinapirmahan yung saleslady tapos nakuha ko na yung dalawang kwintas.

Akin nalang yung isa siguro.

Sana magustuhan nya mga regalo ko.

Napangiti ako habang iniisip ang muka ni ara kapag nakasuot sakanya yung dress at kwintas na binili ko. Bagay na bagay sakanya.

Alam kong matutuwa yon pero diko pwede ipaalam ang presyo.

End of chapter 17

WHY YOU? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon