CHAPTER 36

12 2 0
                                    

Chapter 36: My Queen

Ven's POV

Sobrang worth it ang oras at panahon na ginugol namin ni kyle para sa suprise na naganap kanina.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha yung mga pinagsasabi ko kanina dahil kusa iyong lumabas sa bibig ko.

Bago pa dumating si ara sa gymnasiun kung saan gaganapin ang graduation nila ay nasabi ko na sa lahat ng students, teachers at parents ang plano ko.

3 days na kaming nakauwi ni kyle dito sa pinas at personal akong nagpaalam sa papa nya nung nasa states pa kami ni kyle, dun ko lang kasi nalaman na kaibigan at kapartner ni dad sa business, sa personal din ako nagpaalam sa mama nya. Pinuntahan ko si tita sa bahay nila pagkauwing pagkauwi namin ni kyle para sabihin ang plano, syempre wala si ara non kasi nakisuyo ako kay ketty na ayain si ara sa kung saan saan basta kelangan makaalis ng bahay si ara at si ketty naman naitext ko na bago pa kami umuwi ni kyle.

Sobrang saya ko kanina nung pinayagan nya akong manligaw, alam kong matagal tagal na ligawan toh at syempre nakahanda na ako dun.

Anim na taon kong inantay itong pagkakataon na toh at eto na simula na ng panliligaw ko. Eto palang sobrang saya ko na pano pa kung kami na.

Dahil nga alam ng lahat na may paganitong magaganap ngayong araw, napagkasunduan ng mommy ko,mommy ni kyle, mama ni ketty at syempre mama ni ara na dito magcelebrate kila ara ng graduation nila.

Pagdating namin dito nakaready na ang lahat, nagtanong panga si ara sa mama nya kung kelan daw ba inihanda yon at hindi nya nakita.

Kumain na kami agad at nagpicture picture pagkadating namin kanina, pagkatapos non ay nagpaalam si kyle na iidlip lang daw sya saglit sa guestroom nila ara. Si ketty naman ay nandon sa sala nagcecellphone, maguupload daw sya sa ig ng pictures kanina.

Kami ni ara dumiretso kami dito sa likod bahay nila kung saan nakapwesto yung pool.

Andito kami ngayon nagkukwentuhan ng mga pangyayari sa buhay namin.

Ara's POV

Andito kami ni ven ngayon malapit sa pool at nagkukwentuhan ,isa na sa napagkwentuhan namin eh yung kasal ni ate julianna. Sya yung friend ko sa DQ , ate julianna asked me if i could be her bridesmaid on her wedding,so i said yes.

Senior highschool kami non nung naganap yon

*FLASHBACK*

Akalain mo yon imbitado ako sa kasal ni ate julianna.

Andito na ako sa labas ng simbahan at nagaabang kung kailan magsisimula ang kasal. Yung invitation ay hindi ko pa natignan dahil sinabi naman na bridesmaid daw ako.

Hindi ko din alam kung sinong ka partner ko kaya bahala na surprise nalang siguro, nakalimutan ko invitation sa sasakyan ni mama pagbaba ko kanina. Hinatid lang ako ni mama kasi may pupuntahan daw sya.

"Malapit na po magstart, aayusin na po namin yung pila. Magsama sama napo sana lahat para sa iisang lugar nalang po hahanapin." sabi nung organizer yata yon.

Nagpunta ako kung saan nagkumpol kumpol yung mga tao na lalakad papasok. At infairness gagwapo naman nung mga abay na lalaki. Nakita ko din yung groom kanina kasi mas nauna ako dumating kesa sa bride eh, ang gwapo din nung groom. Ang ganda ng lahi nila parang lahi nila ven.

Nakapila nako kaso wala akong partner? Baka late lang siguro.

"Sorry I'm late, traffic eh" may lalaking tumabi sakin at mukang sya ang kapartner ko. Kilalang kilala ko kung sino toh at inaayos nya pa yung damit nya, halatang nagmadali papunta dito.

Bakit abay din sya? Bakit andito sya? Ano ba connection nya sa ikakasal?.

"Bakit andito ka?" Tanong ko sakanya.

"Ang aga mo naman" sabi nya sakin at hindi sinagot ang tanong ko.

"So alam mong ako kapartner mo?" Tanong ko sakanya.

"Actually hindi dapat ako eh kaso nakita kong abay ka din pala kaya nagpapalit ako, buti nga pinalitan nila."sabi nya sakin ng nakangisi.

"Bakit hindi mo manlang sinabi sakin?"hinampas ko sya ng mahina gamit yung bulaklak na hawak ko.

"Syempre para surprise" tuwang tuwa nanaman sya sa kalokohan nya.

"Eh bakit ka nga nandito?" Tanong ko ulit sakanya.

"Bawal naba ako umattend ng kasal ng pinsan ko?" Sabi nya.

"So pinsan mo si ate julianna?" I asked him.

"Nope, yung groom ang pinsan ko. Nakita mo ba yung groom? Ang gwapo noh parang ako" lakas naman ng hangin dito.

"So sino dapat yung kapartner mo?" Tanong ko sakanya.

"Johanna ata name non? Kapatid daw nung bride" sabi ni nya at ang kapartner ko ngayon ay ang nagiisang venson miguel gimeno hays.

"Hay nako, kasama mo si tita?" Baka andito din si tita tas diko manlang napansin. Bat ba kasi hindi ko tinignan yung invitation edi sana di nako nagulat ngayon.

"Oo andyan sa loob, nga pala nasabi ko na sa mama mo na ako maghahatid sayo pauwi kaya sabay ka samin ni mommy papuntang venue after dito sa simbahan" tignan mo toh napakagaling magpaplano pero ayos na din tipid gas si mama.

Pumasok na kami at nakanood ng masayang kasalan. Naging kaibigan ko din yung johanna na dapat kapartner ni ven. Mas matanda lang sya ng 2 years yata samin.

*END OF FLASHBACK*

About dyan yung napagkwentuhan namin kanina at tawang tawa sya kanina kasi nga daw gulat na gulat ako na andon sya.

Pero may gusto akong itanong sakanya eh, sabi nya kanina dun sa gymnasium highschool palang daw me gusto na sya sakin? Tama ba ako ng natatandaan? Pero yan natatandaan ko eh hayaan na naten.

Gusto kong itanong sakanya kung naging sila ba ni hairee noon at bakit sila magkasama lagi dati.

"May itatanong ka?" Nagmature si ven, actually senior high palang kami napansin ko na nagmature na boses nya at ngayon pati katawan mature na.

Naramdaman nya ata na may gusto akong itanong.

"Ahmm kase ano" napakamot pako sa ulo ko pero syempre wala akong kuto.

"Ano?" Tanong nya sakin.

"Ahmm" nakakahiya kase ano bayan.

"Sus hiya pa dali na" natatawa pa sya, lalong gumwapo yung tawa nya pano nayan lalo akong napofall,hays ngayon ayos lang na mafall dahil alam kong sasaluhin nya naman ako. Ano ba kinikilig ako sa mga iniisip ko.

"Naging kayo ba ni hairee?" Tanong ko sakanya sabay iwas ng tingin.

"Dimo ba nadinig sinabi ko kanina? High school palang sayo nako may gusto,edi hindi naging kami."sabi nya sakin at hindi ko alam kung may nakakatawa ba sa tanong ko pero nadidinig ko yung hagikgik nya.

"Eh bakit ka hinalikan ni hairee noon sa danbam restaurant noon, hindi ko sure kung saan part ng muka pero sure ako na hinalikan ka nya. Andon ako sa DQ non nakita kita mismo at lagi kayong magkasama noon bago pa magyari yon kaya nga ako nagtampo sayo diba." Sunod sunod na sabi ko sabay yuko.

"Easy kalang reyna ko, hindi ko alam na hahalikan nya ako sa pisnge noon at saka kaya ko sya sinasamahan madalas kasi sabi nya diba nga ako lang daw kaibigan nya sa room noon tapos lilipat daw sya ulit ng school ng grade 10 kaya sabi nya gusto nya daw makabonding ako, at dahil nga mabait na tao tong manliligaw mo ngayon ay sinasamahan ko sya pag nagpapasama sya" paliwanag nya.

"Ay okay, edi ikaw na mabait" at dahil naliwanagan na ako ay nakahinga na ako ng maluwag.

"Hay nako reyna ko tara na pasok na tayo sa loob, gisingin na natin si kyle kanina pa natutulog yon." Nakakadalawang reyna na sya ah dati prinsesa lang ngayon reyna na, wow nag level up na sya.

"Oo nga noh tara dali,mahuli makapasok sa loob pitik sa noo ha" tumakbo nako habang tumatawa at sya naman nadidinig ko humahagikgik sa likod ko.

End of chapter 36

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHY YOU? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon