CHAPTER 28

8 2 0
                                    

Chapter 28:  K & K

Ara’s  POV

Kagabi ko pa iniisip kung uuwi kaya si papa at kuya kasi ng malapit na pasko. Sana umuwi sila para happy lalo diba. Hay nako saka ko nalang isipin yon, makapagready na nga muna para sa Christmas party.

Ano kaya magandang isuot, sabi naman kung san daw kami kumportable eh wag lang daw maiikli kagaya ng shorts, skirt,croptop,dress at mga sleeveless na damit.

Ahhh, yung bigay nalang ni kyle na oversized na t-shirt  tapos yung pantalon ko at rubber na bigay ni papa sakin.

Nakabihis nako, sabi ni ven susunduin nya daw ako eh. Napapadalas pag sundo nya ah. Nakakatipid tuloy ako sa pamasahe.

Sumilip si mama dito sa kwarto ko.

“nak andyan na sundo mo”  sabi ni mama.

“sige po ma, baba napo ako” pagkasara ni mama ng pinto, tinignan ko pa ulit sarili ko sa  salamin para masure kung ayos naba pagmumuka ko.

“ayos natoh, wala naman silang pake sa muka at suot ko” pagkausap ko sa sarili ko.

Ketty’s POV

Sabay nanaman dumating yung dalawa kanina dito sa school. Pero malakas talaga pakiramdam ko na may gusto yang si ara kay ven eh. Makikita naman kase kapag tumitingin sya kay ven.

Ewan ko lang kung may gusto din si ven kay ara. Kung may gusto man sila sa isat isa, support naman ako sakanilang dalawa.

Hahayaan ko nalang muna ngayon baka mamaya mali ako na may gusto si ara kay ven edi nalintikan pa.

Malapit na matapos Christmas party namin. Gagala pa kaming apat mamaya pagkatapos ng Christmas party namin ,  diko alam kung san kami pupunta pero sure na gagala kami.

Sa dinami dami ng pwede kong mabunot sa exchange gift eh yung pinaka maldita pa dito sa room. Binilan ko sya ng dress at liptint, mukang okay naman sya don sa regalo ko.

Ang natanggap ko naman eh dalawang case ng cellphone at kung pano nya nalaman unit ng cellphone ko? Tinanong nya sakin at sabi eh bibili daw sya ng cellphone kaya nagtitingin sya ng unit ng cellphone. Para paraan din yon eh.

Andito kami ngayon kila ven, dito pala kami gagala diko alam, pero yung dalawa alam nila.

“hoy teka nga kelan nyo pa alam na dito tayo pupunta after ng Christmas party?”

“kagabe” sabay sabay na sabi nilang tatlo.

Andito kami sa kwarto ni ven at magpapahinga lang saglit kasi halos kakadating lang namin.

“pano ha pano nyo nalaman? “ napatayo pako at nanlalaki mata.

“nagtext ako kagabi sainyong tatlo na dito tayo after Christmas party , manonood tayo movie.” Sabi ni ven.

“weh, bat wala kang text sakin” sabi ko naman sakanya.

“ayan oh meron” pinakita nya cellphone nya na may text  sya sakin.

“huh? Bat sakin wala” pagtataka ko.

“aba ewan ko sayo.” Sabi ni ven.

Inilabas ko cellphone ko mula sa bulsa ko saka ko napagtanto na may text nga sya at kagabi nga pala maaga ako natulog tapos iniwan kong nakacharge cellphone ko tapos paggising ko kanina  diko chineck cellphone ko, basta ko nalang hinugot at inilagay agad sa bag ko saka gumayak na ako agad.

“sabi ko nga may text, eh pano maaga ako natulog saka diko pa nacheck cellphone ko mula kanina” pagpapaliwanag ko.

“naku sabihin mo lutang kalang talaga” pang aasar sakin ni kyle. Kahit saan at kahit kelan talaga basta may pagkakataon aasarin at aasarin ako. Di ata matatapos araw ko ng di nya ko naaasar eh.

“lutang your face, panget bleh.” Pinanlakihan ko sya ng mata saka ko binelatan.

“ lutang naman talaga. Tignan mo oh lumulutang kana.” Natingin naman ako sa sahig bigla.

“HAHAHAHAHA BAKIT KA TUMINGIN?” arghhh nakakainis talaga toh kahit kelan. Yung dalawa naman nanonood lang pshh.

“tara na nga nood na tayo movie bago pa mawalan ng muka yang si panget nayan.”  Inis na sabi ko.

“buti naman natapos din hays” sabi ni ven habang kunwaring nags-stretching.

End of chapter 28

WHY YOU? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon